Janelle Manahan clarifies notion that she's ruining Ramgen Revilla's family

IMAGE 0


If she could talk to her late boyfriend Ramgen Revilla, what would Janelle Manahan tell him? "Gusto kong sabihin sa kanya na thank you. Kasi, he taught me a lot of things. And he's one of the reasons kung bakit ako nagiging strong. So, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat. At gusto ko rin sabihin na, 'I love you,' for the last time. Kasi, hindi ko nga po nasabi. And I want him to know na hindi masasayang ang life niya, kahit na ganoon ang naging ending. I'm gonna fight


Isang exclusive interview ang pinaunlakan ni Janelle Manahan kay Boy Abunda sa The Buzz. Ipinalabas ang taped interview kay Janelle kahapon, December 11.

Nakasuot ng shades si Janelle.

Halatang may pamamaga pa rin sa kanyang mukha, na siyang napuruhan nang binaril siya sa gabi na napatay naman ang kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla.

Wala nang paliguy-ligoy at diretsahang tinanong ni Boy si Janelle.

Binalikan ni Janelle ang araw na naganap ang krimen sa mismong bahay ng nina Ramgen sa BF Homes ParaƱaque. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang mga salarin.

THAT FATEFUL NIGHT. Ayon kay Janelle, "We were just inside the room nga po.

"DVD, tapos doon kami kumakain ng lunch and dinner.

"Hindi kami umalis ng kuwarto talaga.

"Tapos, mero'n ako sa kanyang pinarinig na song.

"Then, he wrote something, dito [sabay turo sa right arm niya], sa pen lang.

"Kasi sinasabi ko sa kanya na gusto kong magpalagay ng tattoo dito.

"E, alam ko na ayaw niya.

"So, parang sabi ko, 'Sulatan mo nga ako dito.'

"I wrote a quote na isusulat niya. Pero akala ko, yun na ang sinusulat niya.

"Tapos noong tiningnan ko po, 'I heart you.' Tapos, 'Ram Revilla.'

"Tapos sa baba, may nakalagay na, 'forever.'"

LAST NIGHT TOGETHER. Tinanong ni Boy si Janelle kung nakatakda bang makitulog siya sa bahay nila Ramgen nung gabing yun.

Saad ni Janelle, "Supposedly, may trip po ako to La Union.

"Doon na po ako natulog the night before [October 28], kasi wala po siyang kasama sa bahay.

"Pero siya, ang gusto po niyang mangyari, iuuwi po niya ako sa Makati.

"Sa condo ng cousin ko to get clothes and then balik sa kanila. Sleepover ako ulit."

After that, she will then leave for La Union to go surfing?

"No more na," sagot ni Janelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat daw ay 10 o'clock pa lang ng umaga ay ihahatid na siya nito sa Makati.

"Kaso, he wanted mag-gym muna," banggit ni Janelle.

Hanggang sa makabalik na raw si Ramgen mula sa gym at nangyari na nga ang insidente ng pagbaril sa kanila at ang pagpatay kay Ramgen.


OPEN DOOR. Tanong ni Boy kay Janelle kung nakabukas ba ang pintuan ng kuwarto ni Ramgen, o may kumatok.

Ayon kay Janelle, "Nag-knock po si Mara and I opened the door and I let it open."

Si Mara ay si Ramona Bautista, ang nakababatang kapatid ni Ramgen.

Patuloy ni Janelle, "Ganoon po talaga do'n, sa bahay nila.

"And I thought na saglit lang siya kasi kakaligo lang ni Ramgen, and then wala naman talaga kaming usapan na pupunta siya do'n.

"So, I thought may kailangan lang siya kay Ramgen, so I let the door open."

Nasaan si Janelle ng mga oras na yun at gayundin si Ramgen?

"I was sitting po sa office chair, malapit sa door."

Nag-usap ba sila ni Mara at gayundin si Ramgen?

"Dire-diretso po si Mara kay Ramgen. So, sila ang nag-usap.

"Sila ang nag-usap regarding sa video na ni-record ni Ram for his brother who was in PMA [Philippine Military Academy].

"So, Mara was asking for it and Ramgen was telling him na, 'I'm just gonna e-mail it to you.'

"Pero ang gusto ni Mara, bluetooth."

Ano ang nangyari pagkatapos nito?

"And then, I got shot here."

Ilang beses siya binaril at saan siya binaril?

"Yung first shot po, dito. Eto po ang entry point [sa kanyang kanang balikat].

"And then, the second shot was here [sa mukha, sa ilalim ng kanyang mata sa kaliwa]."

TWO GUNSHOTS. Dalawang beses daw binaril si Janelle at malapit lang ang distansiya ng mga ito.

Ang bumaril daw sa kanya ay yung taong naka-maskara na lumalabas din sa mga news.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nangyari at ano ang pumasok sa isipan ni Janelle ng mga oras na yun?

"Shocked lang po. Shocked lang po talaga.

"Sobrang shocked, kasi hindi ko po naiisip na may gagawa no'n sa akin.

"So, after I got shot, pinapanood ko lang ang blood ko na nagpu-flow.

"Parang hindi ako makapagsalita, frozen."

Ano ang pakiramdam?

"Wala po."

Hindi masakit?

"Hindi masakit. May force lang, pero hindi po siya masakit."

Natakot siya?

"Opo...natakot ako to die.

"Not because of the bullets na tumama sa akin but because of yung asthma ko.

"Kasi hindi na ako nakakahinga nang maayos."

Hindi ba siya nahulog sa upuan?

"Nahulog, pero hindi right away. Kasi, parang frozen."

Kailan siya nahulog sa upan?

"A few minutes or seconds after."

CONSCIOUS THE WHOLE TIME? Pagkatapos nun, motionless na raw si Janelle, pero hindi siya nawalan ng malay.

"No, never, I was conscious. Hanggang sa hospital, I was conscious," sabi niya.

Kailan niya na-realize that someone wanted to kill her?

"Noong bumagsak na po ako.

"Kasi, noong nakaupo pa po ako, shocked pa po ako.

"Pero noong bumagsak na po ako, doon na ako nag-iisip.

"Pero noong hinika ako, I tried to calm myself para hindi ako mahirapang huminga.

"May napanood po kasi akong movie na naging inspiration ko that night.

"Nakagat siya ng shark, pero she survived it kasi kalmado lang siya.

"So, I was trying to calm myself."

Nagdasal ba siya?

"I was asking forgiveness from God. I was also asking Him for help.

"Kasi, siyempre ayoko pong mamatay.

"I was asking Him kung puwede niya akong i-save.

"If not, I will understand kasi if it's my time, then it's my time."

Naisip kaya ng bumaril kay Janelle na patay na siya?

"Hindi ko rin po alam kasi a few centimeters lang daw po, I could have been dead according to my doctor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, siguro po, naisip niyang fatal talaga ang shot niya sa akin."

Na-realize ba niyang may mga ibang tao pa sa kuwarto at ano ang mga narinig niya?

"The entire time, it was just me, Ramgen, and Mara na nasa kuwarto at nakapasok sa kuwarto that night.

"Hindi po nakapasok yung bumaril sa akin, sa door lang po siya talaga."

RAMGEN WAS OKAY? Narinig ba ni Janelle kung ano ang naging pag-uusap nina Ramgen at Mara?

"Actually, they were busy. Naka-silencer po kasi yung gun na ginamit sa akin.

"Hindi nila alam na nabaril na ako.

"Until na narinig ko na lang si Mara na, 'Ramgen, si Janelle may tama.' Kasi, I was bleeding na.

"So, after nun, si Ramgen, narinig ko na lang, galit siya. Pinuntahan niya yung bumaril sa akin.

"Narinig ko na lang po si Ramgen papunta do'n, he was asking, 'Sino ka?'

"And then, I heard the commotion.

"Pero sa isip ko kasi, alam ko na nagma-martial arts si Ramgen.

"Alam ko malakas siya. Alam ko parang na-overpower niya ang guy.

"Akala ko, okay siya.

"And then, ako sa sarili ko, focus ako na kalmahin ko ang sarili ko.

"At sa isip ko, he was just trying to protect me.

"Wala siyang anything and nakatuwalya lang po."

"CALL AN AMBULANCE!" Natatandaan pa ba ni Janelle kung ano ang sinabi niya kay Mara?

"I asked her to ask for help. Kasi, she was panicking. She didn't know what to do.

"Sabi ko, 'Mara, kailangan natin ng tulong. Kailangan natin ng ambulance.'

"Kasi sabi ko, 'Mara, ayokong mamatay.'

"So, I was telling her that."

Sa buong interview ni Boy kay Janelle ay halos patuloy lang ang pag-agos ng luha nito.

Dugtong pa ni Janelle tungkol kay Mara, "She was trying to call people. She was trying to call somebody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, hindi ko rin po alam who she was trying to call.

"And then, she was asking me about, kung alam ko ang emergency number ng puwedeng tawagan.

"E, that time, hindi ko na naiisip yung mga ganoon.

"So, I told her, 'No, hindi ko alam.'

"Sabi ko, 'Tawagan mo kaya kahit sino for help.'

"And then, she tried to call some people."

GAIL'S REACTION? Ayon naman kay Boy, nabasa lang daw nila na tinawagan at nakausap pala ni Mara ang kapatid nitong babae na si Gail.

Ano ang narinig ni Janelle sa naging conversation ng dalawa?

Lahad ni Janelle, "Well, she said po kung ano ang nangyaring emergency.

"I was expecting na yung voice sa other line, medyo high-pitched na pasigaw, na worried."

Naririnig ba niya ang pag-uusap?

"Opo, sobrang quiet po talaga. Walang ingay."

Hindi raw naka-speaker phone si Mara, pero malakas daw ang tunog at monotone lang daw ang boses na naririnig niya sa kabilang linya.

"Si Mara, she was panicking, she was scared kasi sobrang dami po talaga ng blood.

"So, takot po siya."

At that time, magkalapit daw sila ni Mara at hindi rin daw nag-pass out si Janelle.

Ayon pa sa dalaga, "I was conserving my energy kasi sabi niya, nakatawag na siya ng help.

"So, I was trying to conserve my energy.

"So, when she was trying to talk to me, she was trying to call my name, I chose not to answer her anymore.

"And then, doon na siya nag-panic na, 'Sige, maghahanap na ako ng tulong.' And then, umalis na siya."

May dumating ba na tulong?

"It was the help na tinawag ko.

"Kasi, pagkaalis po ni Mara ng room, ang inisip ko, baka yung killer, nasa labas pa.

"So, to protect me and Ramgen, tumayo ako para i-lock ang door and then pinatay ko po ang ilaw and electricity para maririnig ko kung ano ang nangyayari sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, naupo lang ako.

"I waited for Mara kasi sabi niya nga, tatawag siya ng tulong.

"So, I waited for her.

"Tapos yung first purpose ko kaya ko kinuha ang phone ko, not to ask for help.

"It was to text my mom na I got shot just in case I die.

"At least, nasabi ko sa mommy ko that I love her.

"That was my first message and then, binalik ko ang phone ko kasi alam ko na may darating na help from Mara or Gail.

"So, I just sat there.

"And then, medyo natatagalan na po ako sa help. Nagiging weak na rin ako.

"So, naisip ko, low-batt na rin po ako noon, sobrang low-batt. I'm running out of load na rin.

"So, what I did, nag-group message ako sa mga taong alam ko na gising that night. Kasi, sobrang late na.

"Then, luckily, ang mommy ko and another friend of mine, mabilis ang reply.

Ano ang laman ng group message niya?

"I told them, I got shot sa face and sa shoulder.

"And then, yung complete address ng bahay and I said na kailangan na ng ambulance."

WORRIED FOR RAMGEN. Alam ba ni Janelle kung nasaan si Ramgen nung oras na 'yon?

"I know where Ramgen was.

"And he wasn't answering anymore kaya nagwu-worry ako.

"He's inside the room. He was able to go back inside the room.

"Kasi he did something to protect Mara as well, kaya po siya nakabalik ng room."

Sa pagkakataon daw na yun, si Ramgen ay nakadapa na at duguan sa may pintuan, malapit sa unang inupuan ni Janelle.

Ayon pa kay Janelle, "Hindi na talaga siya sumasagot, so minamadali ko na ang help.

"Pero alam ko na lalaban siya. I wasn't worried at all na lalaban siya. Alam ko na fighter siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even noong papunta na kami ng hospital, I knew na buhay siya kasi tinawag ko po siya.

"I called his name and he opened his eyes.

"Sobrang kampante po ako talaga na akala ko the entire time, buhay siya.

"Even when I was in the hospital kasi, hindi po nila sinasabi sa akin.

"Ang palagi lang nilang sinasabi, he's well taken care of.

"Hindi po nila sinasabi na patay na si Ram. Walang ganoon.

"So, I really didn't know until [after] over a week.

"Nailibing na siya that time na sinabi sa akin," saad ni Janelle.

HIS EYES...Noong binuksan daw ni Ramgen ang mga mata nito, wala naman daw itong sinabi.

Ani Janelle, "Tumingin lang po siya sa akin. Yung first, in-open lang niya ang eyes niya.

"Second, tumingin lang siya sa akin.

"Pero hindi ko na ine-expect na sumagot pa siya kasi, sobrang dami po talaga ng blood niya [na nawala]."

HE'S GONE! Noong nasa hospital na si Janelle, sino ang nagsabi sa kanya na wala na si Ramgen?

"A visitor went there na hindi niya alam na hindi ko alam. Nasabi niya po.

"And then, hindi ko na napigilan, I started crying.

"Pero ako po kasi, noong time na yun, every day ko na silang tinatanong because I was having the feeling na rin.

"Kasi, hindi na nila ako sinasagot.

"And then, on the third day po kasi na nangyari ang incident, I had a dream.

"Nagda-drive siya [Ramgen], sinundo niya ako sa house nila.

"I was wearing the hospital gown pa rin.

"And then, pagsakay ko ng car niya, ang sabi niya lang sa akin, 'Ang suwerte mo, you're given another chance to live.'

"And then, after that line, nagising na ako."

Hindi pa rin daw nagsi-sink in kay Janelle hanggang ngayon na wala na nga ang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, until now, hindi pa rin po nagsi-sink in na wala na siya.

"Feeling ko, nagbabakasyon lang po siya, which is for me, gusto kong i-feel yung pain.

"Pero, hindi po kasi ako nabibigyan ng chance to do it kasi palagi po akong may kasama.

"Pero, gusto ko na po talagang ilabas ang pain, kasi it's too much and really hard for me na mawala siya.

"And big part siya ng buhay ko and I thought, in the future, kasama ko siya."

Dagdag pa ni Janelle, "Gusto ko po siyang makausap.

"Palagi ko pong pini-pray every night, kahit sana sa dream, makausap ko siya ulit.

"Kasi, ang dami kong gustong sabihin.

"At saka, parang sa sarili ko, dine-deny ko na wala na siya.

"Kasi, ayoko nga pong masaktan.

"Pero, gusto ko nang ma-feel. Para at least, makapag-start na rin akong makapag-move on."

Nasabi niyang marami siyang gustong sabihin kay Ramgen, tulad ng ano?

"Gusto kong tulungan niya ako sa case, kasi ayoko na...siyempre, ayoko rin na nasasaktan ang family niya."

Ano pa ang nais niyang sabihin kay Ram?

"Gusto kong sabihin sa kanya na thank you.

"Kasi, he taught me a lot of things.

"And he's one of the reasons kung bakit ako nagiging strong.

"So, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat.

"At gusto ko rin sabihin na, 'I love you,' for the last time. Kasi, hindi ko nga po nasabi.

"And I want him to know na hindi masasayang ang life niya, kahit na ganoon ang naging ending.

"I'm gonna fight for him."

BRING MARA HOME! At this point, ano ang gustong sabihin ni Janelle sa pamilya ni Ram?

"Gusto ko po sana, honestly po, gusto ko po sanang pauwiin nila si Mara.

"Kasi, yung statement namin, I wanna clarify things. Kasi, kami yung nandoon.

"I wanna clarify things kung bakit ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And nasasaktan din ako na sinasabi nila na hindi ko...na nakalimutan ko na ang pinagsamahan namin.

"Na mahal ko sila. Ayoko rin po silang saktan.

"Pero, hindi ko po alam paano iiwasan na hindi ko sila masasaktan sa anumang sasabihin ko."

Kay Genelyn Magsaysay na ina ni Ramgen, ano ang gusto niyang sabihin?

"Hindi ko siya gustong saktan.

"Sa anumang sasabihin ko, wala sa intensiyon ko na siraan sila, yung pamilya nila na saktan.

"Walang ganoon.

"Gusto ko lang po talaga na mahanap ang justice for me and for Ram."

Ano naman ang gustong sabihin ni Janelle sa kanyang mga magulang?

"Thank you. Kasi, binibigyan nila ako ng strength. And hindi nila ako pinabayaan."

Gustong marinig ni Boy kung ano ang dasal ni Janelle.

Ayon kay Janelle, "I only pray for four things every night.

"Justice, strength for me and my family.

"Safety for me and my family, and soul ni Ram."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN