Janelle Manahan recalls asking Ramgen's sister, Ramona Bautista, to get help: "Iniisip ko na ise-save na rin talaga ako, kaso wala nga pong dumating."

IMAGE 0


In an emotional interview with ABS-CBN News anchor Korina Sanchez on December 9, Janelle Manahan expressed dismay and astonishment when she found out that Ramona "Mara" Bautista had a different version of what happened that fateful night. Janelle also had this message for Genelyn Magsaysay, mother of her slain boyfriend, Ramgen Revilla: "Kailangan ko lang talaga ilabas kung ano 'yung totoo para matulungan 'yung paghahanap sa justice, pero ayoko silang sira


Emosyonal na humarap sa camera si Janelle Manahan, nobya ng napaslang na aktor na si Ramgen Revilla, para sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN News anchor Korina Sanchez.

Dito ay inamin ni Janelle ang hinanakit niya sa pamilya ni Ramgen partikular sa kapatid nitong si Ramona "Mara" Bautista.

Hindi pa matukoy ang kinaroroonan ngayon ni Ramona matapos itong umalis ng bansa noong Nobyembre 4 patungong Hong Kong at Turkey.

JANELLE'S CONDITION. Narito ang naging pag-uusap nina Korina at Janelle, na ipinalabas sa primetime news program ng ABS-CBN, ang TV Patrol, kagabi, Disyembre 9.

Una ngang kinumusta ni Korina ang kondisyon ngayon ni Janelle matapos itong lumabas sa ospital.

Mahigit isang buwan na ang nakaraan nang sumailalim sa sampung oras na operasyon ang dalaga noong November 7 para maisaayos ang facial fractures na dulot ng tama ng bala sa ilalim ng kaliwang mata niya at tumagos sa kanang panga.

May tama rin siya ng bala sa kanang balikat.

Korina: "Janelle, magandang hapon sa iyo. Kumusta na ang therapy mo? Hindi ka ba nahihirapang magsalita?"

Janelle: "Okay na po 'yung pananalita. Mas more 'yung pain dito
[kanang panga], so hindi ko po puwedeng i-open masyado 'yung mouth ko."

Korina: "Bakit ka naka-sling ngayon?"

Janelle: "Meron po siyang fracture dito [sa kanang balikat]. Dito po
'yung gunshot, so nu'ng lumabas siya dito, parang nabali po 'ata 'yung
buto."

Korina: "Pero mukha ang tinamaan, meron kang kaunting pekas sa ilalim ng kaliwa mong mata."

GENELYN MAGSAYSAY. Sumunod na itinanong ni Korina ang tungkol sa ina ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay.

Sa isang interview kasi ay may pakiusap si Genelyn kay Janelle na, "Sana makapag-isip-isip ka pa.

"Tignan mo yung both sides. Huwag mong idiin kami ng aking mga anak."

Korina: "Kasi hindi ba sa ngayon maraming mga panawagan sa 'yo, mula sa nanay?

"'Di ba, si Genelyn ay madalas lumalabas? Ano ang nararamdaman mo o iniisip mo kapag lumalabas siya?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Janelle: "Nung sinabi niya na nadidiin ko sila, hindi ko naman
intensyon talaga na idiin sila.

"Kung ano po 'yung laman ng statement ko, 'yon po 'yung totoong nangyari."

FAMILY RIFT. Naungkat na rin ang tungkol sa pagkakaroon ng away sa pamilya na tinitingnan isa sa motibo umano ng pagpatay kay Ramgen.

Korina: "Bakit ba sila galit kay Ramgen?"

Janelle: "Marami pong reasons."

Korina: "Meron bang sumasagi sa isip mo na kaya sila galit kay Ramgen ay dahil sa pera?"

Janelle: "Puwede po sigurong isa sa reasons, pero hindi po entirely about doon."

Korina: "To other people hindi talaga kapani-paniwala. Nasha-shock ka ba?"

Janelle: "Opo. Kasi the time na nalaman ko 'yung sabi nilang involvement ni Mara [Ramona] at ni RJ [Ramon Joseph, kapatid ni Ramgen na nakakulong sa ParaƱaque City jail], nasa hospital po kasi ako nu'n.

"Hindi ako nanonood ng news.

"So nu'ng sinabi po nila sa akin, yung pulis po ang nagsabi, nagshe-shake po talaga ako.

"I was crying kasi ayokong isipin, and never kong inisip na posibleng sila kasi nga kapatid sila ni Ramgen.

"So, hindi ko po talaga inisip, kasi lagi nga sinasabi ni Ramgen kung gaano niya kamahal 'yung mga kapatid niya, so kung sila talaga, mas masakit 'yung pagkawala ni Ramgen."

RAMONA'S STATEMENT. Naitanong din ni Korina ang hindi pagkakatugma ng mga salaysay nina Ramona at Janelle tungkol sa mga pangyayari.

Korina: "Nagtataka ka ba sa mga sinasabi ni Ramona?"

Janelle: "Opo. Nagko-contradict po at saka may mga sinabi siyang hindi totoo kaya gusto ko rin po siyang makausap.

"Kaming dalawa 'yung nandu'n, pero 'yung statements namin magkaiba so hindi ko maintindihan kung bakit ganu'n 'yung statements niya."

Korina: "Sa lahat ng mga sinabi niya, ano 'yung hindi kapani-paniwala
talaga sa iyo?"

Janelle: "'Yung sinabi niya na nagtago siya sa ilalim ng aircon, kasi
the entire time katabi ko lang siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Korina: "Nasa tabi mo siya habang nandoon din 'yung mga bumaril sa iyo?"

Janelle: "Opo."

Korina: "Kausap niya?"

Janelle: "Hindi niya po kausap, pero may point po na may nasabi siya
pero okay pa rin siya."

AFRAID FOR HER LIFE. Nagsalita rin si Janelle tungkol sa naramdamang niyang takot na baka mamatay siya matapos niyang mabaril.

Korina: "Nakita mo ba lahat ng nangyari kay Ramgen?"

Janelle: "Opo."

Korina: "Nakita mo lahat?"

Janelle: "Nung bumagsak po ako sa floor, doon ko lang na-realize na
baka mamatay ako, so in-asthma pa nga po ako.

"So 'yung fear ko, mamamatay ako dahil sa asthma ko, hindi dahil sa gunshots.

"So kinalma ko lang po talaga 'yung sarili ko, pero kung hindi ko po siguro nakalma 'yung sarili ko baka po wala na rin ako.

"Kasi po 'yung nangyari nu'n in-ask ko po siya [Ramona] na tumawag for help. Naniwala ako sa kanya na hihingi siya ng tulong."

Korina: "So kay Ramona ka unang humingi ng tulong?"

Janelle: "Opo. Pero nung nag-aantay ako, natatagalan na ako, nanghihina na rin ako, at saka ko lang naisip na 'Bakit hindi ako gumawa ng way?'

"So tinext ko 'yung mga taong possible na gising pa nung time na 'yon-mommy ko, friends ko.

"Tapos, luckily naman po, nakahingi ng help 'yung mom ko through my tito.

"Tapos 'yung friend ko rin po nakatawag din po siya ng help. So, nag-antay na lang po ako, at saka po may dumating na tulong."

Korina: "So, inasahan mo talaga na si Ramona ang gagawa ng paraan
dahil siya ang hiningan mo ng tulong?"

Janelle: "Inantay ko po siya kasi kaibigan ko rin naman po si Mara,
hindi lang dahil boyfriend ko 'yung kapatid niya.

"Kaibigan ko po siya talaga so iniisip ko na ise-save na rin talaga ako, kaso wala nga pong dumating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung talagang gusto niya kaming i-save, bakit hindi siya
gumawa ng way para humingi ng tulong e, nandun lang po naman yung guwardiya?

"Sobrang lapit lang po talaga ng guard house.

"Gusto ko silang makausap kasi merong mga dumadating na parang ako pa 'yung sinungaling, na ayoko ng ganun kasi ako na nga po 'yung nabaril.

"Wala naman akong motive talaga para magsinungaling pa kasi ang hinahanap ko lang naman po dito is justice."

SAD CHRISTMAS. Para sa maraming tao ang Pasko ay panahon ng kasiyahan.

Pero para kay Janelle, malungkot ang magiging Pasko niya ngayon dahil na rin sa pagkamatay ni Ramgen.

Korina: "Kumusta ang magiging Pasko mo ngayon?"

Janelle: "Mag-i-spend po ko ng Christmas with may family, pero
honestly, hindi ko po ma-feel 'yung Christmas ngayon."

Korina: "Ano ang mensahe mo sa nanay, kay Genelyn?"

Janelle: "Actually nasabi ko na po sa kanya na wala akong intention na
saktan siya, and kung may mga nalabas man ako na katotohanan, kung naapektuhan man sila, hindi ko gusto na saktan siya.

"Pero kailangan ko lang talaga ilabas kung ano 'yung totoo para matulungan 'yung paghahanap sa justice, pero ayoko silang sirain, 'yung family nila o saktan siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN