Senator Bong Revilla Jr. wants to move past the Ramgen Revilla murder case

IMAGE 0


Senator Bong Revilla, Jr. on questions about the Ramgen murder case: "Alam ninyo, maraming pagsubok na dumarating sa buhay natin, but, yun nga, pasalamat na lang tayo sa Panginoon. Kung anuman ang mga pagsubok na darating, e, lalagpas din 'yan. At kung anumang sugat, gagaling din 'yan. Ang importante, malapit na ang Pasko, maging masaya tayong lahat."


Confident si Senator Bong Revilla, Jr. sa kinalabasan ng pelikulang Ang Panday 2, na official entry ng Imus Production at GMA Films para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Masaya si Senator Bong sa kinalabasan ng pelikula.

Sa trailer pa lamang, marami na ang pumupuri rito at nagsasabing napakaganda raw ng pagkakagawa lalo na ng special effects.

BIGGER, BETTER. Ayon nga kay Senator Bong sa press conference ng Ang Panday 2 sa Annabel's restaurant kahapon, December 1, "The way I look at it, ang masasabi ko lang, noong ginawa natin ang Ang Panday 1, nag-number one tayo.

"With this movie, nasisiguro ko na mas magugustuhan ng mga manonood, [dahil ito ay] bigger than the first one.

"Nakikita ninyo, casting pa lang, napakalaki na.

"Of course, kasama sina Mr. Phillip Salvador, Marian Rivera, Alice Dixson, Lucy Torres, Ms. LT [Lorna Tolentino].

"Of course, sina Iza Calzado, Kris Bernal...marami pa po.

"Plus more action, mas pinaganda.

"Nakakasiguro po ako na mas mahihigitan ang part one.

"At higit sa lahat, ayokong mapahiya kay Ninong Ron [the late Fernando Poe, Jr.] at sa aking mentor na si Carlo J. Caparas [may-akda ng orihinal na kuwento].

"Ang masasabi ko lang, napanood ko na po ang buong pelikula at masasabi ko lang—ito ang pinakamagandang pelikula ni Bong Revilla."

NO QUESTIONS ABOUT RAMGEN. Sa kabuuan naman ng press conference, talagang iniwasan na ni Senator Bong na pag-usapan, o sagutin ang anumang isyu na may kaugnayan sa kaso ng pagkamatay ng kanyang half-brother na si Ramgen Revilla.

Nang may magtanong kung hindi raw ba mahirap sa part niya promoting an MMFF movie sa kabila ng gulo or kaso sa ibang miyembro ng pamilya nila, malumanay naman na sinagot ito ni Senator Bong.

Aniya, "We have to move on, tama na yun.

"Alam ninyo, maraming pagsubok na dumarating sa buhay natin, but, yun nga, pasalamat na lang tayo sa Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman ang mga pagsubok na darating, e, lalagpas din 'yan. At kung anumang sugat, gagaling din 'yan.

"Ang importante, malapit na ang Pasko, maging masaya tayong lahat."

At sa kabila nga ng mga pinagdadaanan ng pamilya nila ngayon, hindi pa rin niya nakakalimutan ang showbiz.

Saad niya, "Itong industriya natin, dito ako nagmula.

"Ito ang nagdala sa akin kung nasaan man ako ngayon.

"Hindi natin puwedeng pabayaan ito ngayon.

"Kaya, kahit na may nakatarak pa na punyal sa aking dibdib, bubunutin ni Panday 'yan para lang mapaligaya kayong lahat."

PROUD DADDY! Ang ama ni Senator Bong na si Ramon Revilla Sr. ay posibleng maiyak na naman kapag napanood ang Ang Panday 2.

Lahad ng senador, "Yes, in fact, noong makita niya ang trailer ng Panday, sinabi niya sa akin, 'Congratulations, ang ganda, anak, ng trailer mo.'

"Mangiyak-ngiyak si Daddy kaya natuwa naman ako."

Bukod sa mag-number one sa MMFF box office ang Ang Panday 2, ano pa ba ang ibang wish ni Senator Bong this Christmas?

"Sana mas malaki ang kitain ng Metro Manila Film Festival compared to last year, as a whole.

"Para lahat ng producers, kumita, [at] mas maengganyo ang iba pang producers na bumalik ulit at mag-produce ulit.

"[Para] mas maraming matutulungan, [at magkaroon ng mas maraming] trabaho sa industriyang Filipino."

BONG VS VIC? Last year ay nagsanib-puwersa sina Senator Bong at Vic Sotto sa entry nilang Si Agimat At Si Enteng Kabisote.

This year ay muli na naman silang magsasalpukan dahil magkaiba na ang kanilang entries.

Kung si Senator Bong ay may Panday 2, si Vic naman ay nakipagsanib-puwersa kay Ai-Ai delas Alas sa Enteng Ng Ina Mo.

Hinuhulaan na posibleng ang mga pelikula nina Senator Bong at Vic ang mag-agawan para sa number one spot sa takilya.

Ano ang masasabi ni Senator Bong dito?

"Sa akin, hindi ko na iniisip yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta importante, kami ni Enteng, e, gumagawa ng pelikula para ma-entertain natin ang mga fans natin, mga tagahanga natin.

"Kami naman, ginagawa namin kung ano talaga, kung ma-improve yung mga trabaho natin noong mga nakaraan.

"Sa tingin naman namin, siguro, and same thing with Vic, mas maganda yung Enteng niya ngayon compared sa noong nakaraan.

"At ako naman, yung Panday ko, mas maganda ngayon kesa sa noong nakaraan," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN