Genelyn Magsaysay and Janelle Manahan face each other for the first time since Ramgen Revilla's murder

IMAGE 0


Genelyn Magsaysay (right) on Janelle Manahan (left): "Nagtatampo po talaga ako sa kanya. Kasi po masyado na po niyang sinisira ang pamilya namin. Dinidiin po niya lahat ng aking mga anak."


Sa unang pagkakataon, matapos ang pagkakapaslang sa aktor na si Ramgen Revilla, nagkaharap sa piskalya ang kanyang ina na si Genelyn Magsaysay at ang kanyang kasintahan na si Janelle Manahan.

Nangyari ito kanina, Disyembre 13, sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kaso sa ParaƱaque Prosecutor's Office kung saan sinumpaan ni Janelle ang kanyang reply-affidavit.

Sa ulat ng GMA News reporter na si Ian Cruz na napanood sa 24 Oras ngayong gabi, kasama ni Janelle ang kanyang mga magulang habang si Genelyn naman ay kasama ang kanyang mga anak.

Hindi raw nagkibuan ang magkabilang panig.

Naroon ang mag-anak ni Genelyn para ihain naman ang rejoiner affidavit ni Ramona "Mara" Bautista, kapatid ni Ramgen at isa sa itinuturing na suspek sa krimen.

Suspek din ang isa pang kapatid nila na si Ramon Joseph "RJ" Bautista, na kasalukuyang nakapiit sa ParaƱaque City Jail.

JUST SAYING THE TRUTH. Bagamat hirap pang magsalita dahil sa braces sa kanyang ngipin at bibig, nagpaunlak pa rin ng interview sa media si Janelle pagkatapos ng paghaharap.

Ayon sa nobya ni Ramgen, "Sa loob ko, medyo hindi ko po alam yung mararamdaman ko."

Ano ang pakiramdam sa pagkikita nila ng pamilya ni Ramgen kanina?

"Actually po, wala po akong naramdaman. Okay lang po.

"Basta ako, sinasabi ko lang yung kailangan kong sabihin kanina.

"Hindi nila ako kinakausap. Hindi nila ako pinapansin," saad ni Janelle.

Sinubukan niya bang mag-"hi" sa kanila?

"Tinitingnan...tumitingin din kasi sila sa akin.

"So, tinitingnan ko rin sila. Pero walang words."

GENELYN EXPRESSES DISGUST. Sa panayam naman kay Genelyn, pawisang ibinulalas nito ang kanyang sama ng loob kay Janelle.

Himutok ni Genelyn, "Nagtatampo po talaga ako sa kanya.

"Kasi po masyado na po niyang sinisira ang pamilya namin.

"Dinidiin po niya lahat ng aking mga anak.

"Sa totoo lang po, ni minsan hindi ko nakita ang kanyang ina at kanyang ama sa loob ng aking pamamahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nagtataka po ako sa ngayon na parang nag-iiba pa po ang mga statement ni Janelle against us."

CASE AGAINST GAIL AND HUSBAND. Nais ni Janelle na maisama sa kasong murder at frustrated murder ang isa pang kapatid ni Ramgen na si Gail Bautista at asawa nitong si Hiro Furuyama.

Sabi naman ni Gail, handa siyang harapin ang reklamo.

Ani Gail: "All I can say is that if they're going to file a case against me without evidence po, I'm gonna consider that as malicious na lang."

Sagot naman ni Janelle dito: "Hindi naman po ako nagsasalita na hindi ako siguradong totoo. Careful po ako sa facts ko.

"Kaya kung ano yung nilalabas ko, sigurado ako totoo yun."

Matatandaang sa affidavit ni Janelle ay sinabi niyang narinig niyang kausap ni Ramona si Gail sa cell phone pagkatapos niyang mabaril noong gabi ng October 28.

(CLICK HERE to read related story.)

Isang urgent motion din ang ihahain ng kampo ni Janelle sa Department of Justice (DOJ) bukas, Disyembre 14, para maisama sa watch list order ang mag-asawang Gail at Hiro.

Ito ay para hindi raw makapangibang-bansa ang mga ito gaya ng ginawa ni Ramona.

Reaksiyon naman ni Gail sa watch list order na ihahain kontra sa kanila:

"Okay lang, wala naman kaming balak to flee.

"We're gonna face whatever is going to be ano...charged against us."

GENELYN'S NEW THEORY. May bagong teorya namang inihahayag ngayon si Genelyn kaugnay ng pagpatay kay Ramgen at pagbaril kay Janelle.

Aniya, hindi naman daw talaga ang anak niyang si Ramgen ang puntirya ng killer kundi mismong si Janelle.

Sabi ni Genelyn, "Actually ho, ang una talagang binaril...sinabi rin po paulit-ulit yun ni Janelle na siya ang unang binaril at hindi po ang anak kong si Ramgen.

"So, wala pong murder ito para kay Ramgen.

"Para kay Janelle po yung dalawang bala na tumama sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At si Ramgen to the rescue na ipinagtanggol niya si Janelle.

"At si Ramona ay ayaw niyang masaktan."

Ayon naman kay Janelle, gusto na lang daw niyang unawain si Genelyn sa mga sinasabi nito.

Sabi ng nobya ni Ramgen, "Gusto ko na lang siyang intindihin.

"Kasi siyempre medyo mahirap yung sitwasyon niya.

"Hindi ko rin siya masisisi.

"Pero ako, hindi ako galit sa kanya."

May sagot din ang abugado ni Janelle na si Atty. Argee Guevarra tungkol sa teoryang inilalahad ni Genelyn.

Ayon kay Atty. Guevarra, "It doesn't matter whether it's Janelle or it's Ramgen.

"The fact is that these people conspired to shoot someone or to kill someone in that room on that day."

Samantala, naghain din kanina ng kanilang rejoiner affidavit ang mga suspek na sina Glaiza Visda at Norwin dela Cruz. Pati na ang saksing si Ruel Puzon.

Hindi naman nakarating si Ryan Pastera, na itinuturo ni Visda na kumuha umano sa killers. Tanging abugado lang niya ang dumating.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN