Ryan Agoncillo shrugs off infidelity rumors

IMAGE 0


Ryan Agoncillo on competing with big-name contenders in this year's MMFF: "Right now, ang lalaki ng mga kalaban namin. What we're happy about is we are the underdogs again."


Aminado si Ryan Agoncillo na may kaba at pressure siyang nararamdaman sa muli niyang pagsabak, kasama ang asawang si Judy Ann Santos, sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Ang kanilang pambato ay ang pinagbibidahan nilang entry na My Househusband: Ikaw Na! sa ilalim ng OctoArts Films.

Tiwala naman siya sa kanilang pelikula kahit na pawang malalaking pangalan sa showbiz ang babanggain nila sa parating na taunang filmfest sa Disyembre 25.

"When we shot Kasal Kasali Kasalo, I remember I have the same feeling na ninenerbiyos. Bale una ko siyang pelikula kasama si Juday," kuwento ni Ryan.

"Pangalawa ko pa lang yun sa buong career ko.

"Kung ano yung kaba ko noon, ganun din yung kaba ko ngayon. Mas pa nga kasi kung tutuusin n'yo...Yes, KKK and SSS made money, they were hits.

"But nag-iba na yung panahon, e. Nagpahinga kami ng ilang taon sa filmfest.

"Right now, ang lalaki ng mga kalaban namin. What we're happy about is we are the underdogs again. Ang pressure, e, siyempre, gusto mong kumita ang producer mo."

Apat na taon na ang nakakalipas simula noong nagkaroon ng entry ang mag-asawang Ryan at Judy Ann sa MMFF.

Magkasunod na taon nang ipalabas ang pelikula nilang Kasal Kasali Kasalo (2006) at Sakal Sakali Saklolo (2007).

Parehong naging topgrosser ang mga ito sa MMFF.

Sa pagpapatuloy ng host-actor, "Because yung KKK and SSS were excellent movies, so, more ang pressure, so dapat mas maganda yung ngayon.

"Kasi Vic Sotto and Ai Ai delas Alas together under Star Cinema and M-Zet Productions for Enteng ng Ina Mo, Panday 2 with Bong Revilla, and then Kris Aquino and Dingdong Dantes under ABS-CBN also, and GMA for Segunda Mano—they are giants of the industry.

"And ang masaya sa pagiging underdog, ang kakampi ko sina Direk Joey Reyes, si Boss Orly Ilacad, si Judy Ann at saka si Uge [Eugene Domingo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because I couldn't ask for anything more bilang suporta laban sa mga higante," paliwanag ni Ryan.

Sa presscon na ginanap kahapon, Nobyembre 22, sa Guilly's restobar sa Tomas Morato Extension, Quezon City, nilinaw ni direk Joey, na siya ring direktor ng KKK at SSS, na hindi third installement ang My Househusband.

BEST ACTOR & BOX-OFFICE KING. Nanalo si Judy Ann ng Best Actress sa iba't ibang award-giving bodies para sa kanyang natatanging pagganap noon sa KKK.

Pero hindi naiuwi ni Ryan ang Best Actor trophy.

Sa pagkakataong ito, ano ang chances niya para sa acting award?

"Ang gusto ko talagang mapanalunan ay Best Child Actor, e.

"Parang two inches above na sobra yata ako e," biro ni Ryan na ang tinutukoy ay ang pagiging maliit niya.

"My chances? I wouldn't know.

"Sa hosting kasi pwede kong i-risk yung chances ko pero sa acting, gaya ng sabi ko kanina, masaya lang ako na ang nakukuhang suporta ko laban sa mga higante ay sina Juday, Uge, Direk Joey at Boss Orly.

"All throughout the movie sinasabi ko nga, 'Direk, tama ba yung ginawa ko?'

"Parang hindi ko talaga alam yung ginagawa ko, e.

"Nandiyan sina Juday at Uge bumubulong ng words of encouragement.

"And si Direk Joey talagang nakabantay.

"I think, if I'm not mistaken...Direk mas tumutok ka sa akin dito kaysa sa iba nating pelikula.

"Matindi ito, isa sa pinakamatinding gumawa ng pelikula si Direk Joey, so you better be ready.

"Bawal sa kanya ang take two.

"Kaya itong pelikulang ito ibang-iba. Hopefully, mas maganda siya kaysa sa iba naming nagawa."

Naitanong din ng PEP kay Ryan kung hindi ba nila pinangarap ni Judy Ann na sabay tanggapin ang Box-Office King and Queen awards?

Sa obserbasyon ng iba kasi ay malakas na candidates ang dalawa noon para sa mga naturang titulo, kung hindi lang daw naging paiba-iba ang ruling para sa award na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, wala sa awareness namin yun, to tell you the truth," mabilis niyang sagot.

"When people asked us about it, that's the only time we get to think of it.

"Lalo na ako, hindi naman ako premyadong aktor talaga, di ba? Ako ay host.

"Kumbaga, on the side ko yung acting. Hindi ko naiisip 'yan, to be honest.

"People tell us about it, of course, I wouldn't lie to you about it.

"Pero yun nga, hayaan mo na.

"Marami naman kaming ibang biyaya na gusto ko.

"Na-bless naman kami sa buhay sa ibang banda. Masaya naman kami, okay na yun."

Mas una niya bang tina-target ang acting award kaysa sa pagiging Box-Office King?

"Mas una ko sigurong tina-target yung hindi ako magmukhang engot kasi ang gagaling ng mga kasama ko e," pabiro niyang saad.

"Magaling si Juday, magaling si Uge. Hindi pa nga yung award ang iniisip ko e.

"Ako, huwag lang yung magmukhang tanga ba, yung magmukhang amateur kasi napakagaling nila, e.

"So, kailangan tama rin ang timpla. Tama si Direk Joey, this movie is about sensitivities e.

"So, iba ang pressure sa akin in this movie."

CHANGES THEN & NOW. Mag-boyfriend pa lang sina Ryan at Juday nang gawin nila ang KKK at SSS.

Dalawang taon na silang kasal nang gawin nila itong My Househusband. Ano ang mga naging pagbabago sa kanila noon at ngayon?

"Dati kasi pagkatapos ng shoot, puwede na agad akong umalis kasi syota pa lang, e," balik-tanaw ni Ryan.

"Ngayon kailangan kong hintaying matapos si Juday or else hindi ako ipagluluto ng hapunan.

"Yun po ang isang nagbago. Gaya ng pag-alis at pag-uwi, sabay na halos para mas matipid sa paggamit ng sasakyan.

"Ano pa ba ang nagbago? Wala namang masyado in terms of working relationship.

"But siguro mas pili lang yung mga galaw namin sa bahay kasi ayaw rin naming dinadala yung trabaho sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hangga't maaari lahat ng baliktaktakan nangyayari na sa set, para pag-uwi sa bahay tapos na.

"Mag-asawa na kami pag nasa bahay. Hindi na actor at co-actor," diin niya.

Isa pa raw sa maituturing nilang pagbabago ay ang damdamin at pananaw nila sa kanilang roles ngayon.

Mas feel daw nila ang roles na ginagampanan nila sa My Househusband dahil mag-asawa na sila in real life at may buo nang pamilya.

"Dalawang taon na rin ang itinakbo matapos kaming ikasal kaya medyo alam na alam na namin ang relationship ng mag-asawa.

"Mas marami na kaming alam ngayon, unlike in our previous movies together, yung pagiging mag-asawa, dati, purely acting. Ibang-iba na talaga ngayon," sabi ni Ryan.

RYAN'S EX-GFs. Sa presscon, inamin din nina Ryan at Juday ang pagkakaroon ng mga tampuhan at conflict sa buhay may-asawa na sa tingin nila ay normal naman.

May isang pagkakataon pa nga raw kamakailan lang na hindi sila nagpansinan ng apat na araw dahil sa tampuhan.

Pero naresolba naman daw nila ito pagkatapos.

Ayon kay Ryan, ang mga ganitong kaganapan ang mas nagpapatibay ng kanilang relasyon dahil mas natatanggap nila ang ugali ng bawat isa at mas natutunan nilang harapin ang mga dumarating na problema.

Kung may isa pa ngang natutunang tanggapin si Juday, ito ay ang katotohanang lahat ng ex-girlfriends ni Ryan ay nagiging kaibigan nito.

Inamin din ni Juday na noong boyfriend pa lang niya si Ryan ay nagselos siya sa isang ex-gf nito.

Pero ngayong mag-asawa na sila ay may tiwala na raw siya kay Ryan.

Kaya naman tinanong ng PEP kay Ryan kung panuntunan niya ba ito sa buhay na gawing kaibigan ang mga dati niyang nakarelasyon?

"Hindi naman. Hindi naman imposed.

"Syempre, matagal din bago ko sila naging kaibigan ulit," ani Ryan.

"Pero masarap din kasi yung nag-part kayo... siyempre, kaya naman kayo naghiwalay kasi meron kayong hindi pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero masarap din yung through the months or years na hindi na kayo together, babalikan n'yo yung... halimbawa, nagkita kayo ulit, babalikan n'yo kung bakit kayo naging mag-dyowa in the first place, which is friendship...

"E, ganun naman, e. Kahit anong relationship, whether you're ex-es or together like kami ni Juday, pag nag-aaway kami, yung apat na araw na away, babalikan namin kung bakit kami naging magkaibigan in the first place.

"Hindi muna yung lovers, yung friends muna.

"And I think kami, as with any of our relationships, we're very passionate but also alam namin kung kailan maging gentle.

"So, ganun yun, matapos mong magpa-yummy, maging gentle ka ulit."

Paano niya ina-assure si Juday na wala siyang gagawing hocus-pocus sa ibang babae?

"Hindi naman kailangan ng assurance nito, e.

"May private army ito, e. Meron mga tagamasid iyan e," biro ni Ryan.

Dahil ba sa mga sinasabi niyang "private army" ni Juday kaya mas conscious siyang hindi gumawa ng masama?

"Well, ang sarap nilang asarin pag ganun, di ba?

"Dahil alam mong maraming taong mas gigil pang magbantay kaysa sa asawa mo, sila yung mas masarap paglaruan.

"Kasi alam kong tiwala yung misis ko sa akin," ang mabilis niyang pahayag.

"So, minsan, aasar-asarin mo dahil minsan yung kanyang mga barkada ay nauuna pang magselos.

"Medyo sila pa yung papahagingan mo na 'Teka, aalis muna ako.'

"Sila pa yung magre-react, 'tapos si Juday tatawa-tawa lang."

Paano siya bumabawi kay Juday pagkatapos ng tampuhan nila?

"Pag ganun, we spend a lot of time with each other talaga, as in hangga't maaari hindi maghihiwalay.

"Whether it's eating, playing video games, kung anuman yung ginagawa namin ng araw na yun, hindi talaga kami maghihiwalay," patapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN