Cloie Syquia-Skarne, Gabby Concepcion's daughter with Jenny Syquia, bonds with half-sisters KC and Garie at Katy Perry concert

IMAGE 0

Cloie Syquia-Skarne (right) with half-sisters KC (left) and Garie Concepcion (center) pose for this photo. The three daughters of actor Gabby Concepcion watched the Katy Perry concert last Sunday night, January 22.


Pipirma bukas, January 26, ng kontrata sa Viva Artists Agency si Cloie Syquia-Skarne.

Si Cloie ang 17-year old daughter ng dating aktres na si Jenny Syquia sa aktor na si Gabby Concepcion.

In-adopt na ni Cloie ang apelyido ng asawa ng kanyang ina, si Filip Skarne.

Nakipag-meeting kahapon, January 24, ang mag-inang Jenny at Cloie kay Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Group of Companies.

Napagkasunduan nila na ang Viva Artists Agency ang mamamahala sa modelling career ng teenager.

Naririto sa Pilipinas ang mag-ina para raw magbakasyon.

Ito ang unang pagkakataong bumalik si Cloie sa bansang sinilangan, makalipas ang labinlimang taon.

Hindi maganda ang naging hiwalayan nina Jenny at Gabby, na umabot pa sa isang court case na inihain ni Jenny laban kay Gabby.

Sa Sweden na naka-base sina Jenny at Cloie.

Kasama nila roon ang napangasawa ni Jenny na si Filip Skarne at ang kanilang anak na si Filippa.

Nang makaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jenny at Cloie kahapon, ikinuwento nila ang nararamdamang kaligayahan sa pagbalik sa Pilipinas.

Ayon sa kanila, "It's really more fun in the Philippines!"—na take-off sa bagong slogan ng Department of Tourism.

Sa kanilang pagbalik sa Pilipinas, nakilala ni Cloie, sa pamamagitan na rin ng inang si Jenny, ang kanyang mga kapatid sa ama na sina KC at Garie Concepcion.

Si KC ay anak ni Gabby sa Megastar na si Sharon Cuneta, samantalang si Garie naman ay anak ng aktor sa businesswoman na si Grace Ibuna.

Si Sharon ay asawa na ngayon ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan, habang si Grace naman ay ka-partner ni Iggy Arroyo, kapatid ng dating First Gentleman na si Mike Arroyo.

Magkasamang pinanood ng magkakapatid ang concert ni Katy Perry sa SM Mall of Asia Concert Grounds noong Linggo, January 22.

Ikinuwento ni Cloie sa PEP na nag-enjoy sila sa panonood ng concert ni Katy dahil isa ito sa kanyang mga paboritong singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahayag din si Cloie ng matinding kaligayahan dahil nakilala at nagkita sila ng kanyang mga kapatid—na panay magaganda at malakas ang hawig kay Gabby, lalo na sa pagkaprominente ng jawline at sa pagka-angular ng mukha nila.

Gaya ng kanyang mga kapatid, mahilig at marunong kumanta si Cloie.

Pero sa ngayon, gusto muna raw niyang mag-concentrate sa modelling, na siya ring unang pinasok ni Garie bago pumalaot sa music.

Nag-aaral si Cloie sa isang eskuwelahan sa Beijing, China, dahil sa scholarship na nakuha niya noong nakaraang taon, kaya marunong siyang magsalita ng Mandarin.

Sa edad na 17, 5'7" ang height ni Cloie.

Kaya tuloy nagbiro si Jenny na "future Miss Philippines" ang kanyang matalino raw at maganda pang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN