PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla to shoot a movie with Willie Revillame this January 2012

The action star praises his co-stars in Toda Max, Vhong Navarro and Locsin.
by Arniel C. Serato
Published Dec 26, 2011
"Ang gusto ni Ka Willie, action, e. Ang gusto naman ni Boss Vic, playboy type. Parehong hindi ako yun," jokes Robin Padilla when asked about the story of his movie with Willie Revillame.

Kamakailan bago mag-Pasko ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin Padilla sa event na naglunsad sa kaniya bilang endorser ng isang linya ng mobile phone.

Unang kinumusta kay Binoe, palayaw ni Robin, ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez.

Kuwento ni Binoe, "Kami ay nananatiling lumalangoy sa karagatan ng kaligayahan."

Kailan ba nila balak na magkaanak?

"Ano ho, e, lima na ho ang bonus na anak ni Mariel," pagtukoy ni Binoe sa bilang ng kanyang mga anak sa naunang asawa at mga nakarelasyon.

"Siguro, hindi pa niya naisip na mag-anak," nakangiti nitong pag-esplika.

MOVIE WITH WILLIE. May bagong pagkakaabalahan si Binoe pagsapit ng Enero 2012.

Ito ay ang pelikulang gagawin niya with Willie Revillame under Viva Films.

"A, ang gusto ni Boss Vic [del Rosario], mag umpisa na kaagad kami ni Ka Willie.

"Tingnan natin, siguro pag-alis ng mga anak ko [magsisimula]," sabi nito, na ang tinutukoy ay ang napipintong pagpunta sa Australia ng mga anak upang bisitahin ang ina nilang si Liezl Sicangco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi hindi ko maisasabay ngayon yun, e. Siguro pag-alis ng mga anak ko."

Anong tipo ng pelikula ang nakatakda nilang gawin ni Willie?

"Ang gusto ni Ka Willie, action, e. Ang gusto naman ni Boss Vic, playboy type. Parehong hindi ako yun," sagot niyang pabiro.

Kaya naman tinanong ng PEP si Binoe nang pabiro kung sino ba yung tinutukoy niyang playboy?

Sagot niya, sabay tawa, "Si Willie yun."

May istorya na ba ang pagsasamahang pelikula nila ni Willie?

"Si Ka Willie ang ano, e, sa kanya manggagaling ang istorya, e."

NEXT TELESERYE? May nakapagbulong sa PEP na nagdesisyon daw munang huwag gumawa ng teleserye si Robin matapos ng kanyang action-serye sa ABS-CBN na Guns and Roses.

Sadyang napagod daw ang mister ni Mariel Rodriguez dahil sa haba ng oras na ginugugol sa paggawa ng teleserye.

Totoo ba ito?

"A, hindi naman," sagot na guwapo at fit na actor at celebrity endorser. "Ano lang, ang gusto ko sana, pagka gumawa ng teleserye, e, medyo mas...yung oras.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala ako problema sa oras, sa Guns and Roses... kasi sa kalahati ko lang nakasama ang leading lady ko.

"Dun sa kalahati puro lalaki na ang nakasama ko. Corny, sabi ko, 'Sige tapusin na lang natin to!'" biro niya uling sagot.

So, mas nag-e-enjoy siya ngayon sa paggawa na muna ng sitcom nila ni Vhong Navarro na Toda Max?

"E, kasi itong sictom... kasi parang regalo namin ito ni Vhong sa mga tao.

"Kasi kailangan ng mga taong matawa ngayon sa dami ng mga nangyayari sa mga buhay nila.

"Kailangan nilang matawa, kaya itong Toda Max.

"Kaya ako nagpapasalamat sa ABS[CBN] kasi nanggagaling sa amin ni Vhong yung istorya, kaya okay."

Dagdag pa niya, "Kasi natutuwa kami, kasi sa amin nangagaling [ang mga patawa]."

ANGEL LOCSIN'S CONTRIBUTION. Todo papuri naman si Robin sa isa sa mga kasamahan nila sa sitcom na si Angel Locsin.

Wala raw siyang masabi sa galing ni Angel sa pagkokomedya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Angel kasi, magaling na artista yun. Ang magaling na artista kahit sa'n mo dalhin, sasaluduhan mo yun.

"Kaya kami, ang pagpupugay namin kay Angel bilang artista, ang galing niya...mga idea niya.

"Napatunayan niya [na kaya niya mag-comedy]. Yung mga epsiosdes ni Angel, lahat ng patawa dun, kanya yun.

"Kanya yun, galing sa kanya mismo," natutuwang pagtatapos ni Robin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang gusto ni Ka Willie, action, e. Ang gusto naman ni Boss Vic, playboy type. Parehong hindi ako yun," jokes Robin Padilla when asked about the story of his movie with Willie Revillame.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results