Dingdong Dantes takes his shirt off for new serye and launch of deo-cologne

IMAGE Noel Orsal

A shirtless Dingdong Dantes looks super yummy in print ads for Bench Empower deo-cologne. How does he maintain his physique?

"Magaling kasi ang cook ko. Si Marian [Rivera] na pinaghahandaan ako ng masarap na isda palagi," he says.



Ni-launch ang Bench Empower deo-cologne ni Dingdong Dantes, February 4, sa SM Mall of Asia.

Kung tutuusin, hindi na bago ang makita si Dingdong na shirtless, na minsan ay pinarangalan ng ETV na 3rd Sexiest Man in the World.

Pero ang maganda sa actor, napanatili niya ang ganda ng katawan sa pagdaan ng taon.

Isa sa unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Dingdong kagabi, bago ang autograph-signing, ay anong paghahanda at preparasyon ang kanyang ginawa mula sa pictorial hanggang sa launch.

Ayon nga kay Dingdong, "Matagal ko na rin pong pinaghandaan ito, mga late 2010 pa.

"Kasama ang buong Bench family, we conceptualized the next fragrance, yung susunod sa Desire [ang unang line of perfume ni Dingdong sa Bench].

"Parang the same line, medyo pareho rin ang amoy niya, pero, ito yung talagang pang-buong araw.

"So, we thought of launching a deo-cologne."

Video pa lang ng pictorial ni Dingdong para sa bago niyang scent, nagsisigawan na halos ang mga taong nanood sa kanya sa main atrium ng SM MOA, lalo na nang lumabas siya at naghubad ng jacket sa stage.

"Nagpapasalamat po ako sa Bench.

"Siguro, ganoon po talaga kapag napaghandaan nang matagal. Gaya nga ng sabi ko, matagal na rin, more than a year na rin ang preparation.

"So, in a way, na-plan na namin nang maayos na magkakaroon ng ganitong product launching and I'm grateful for the wonderful attendance here at MOA."



May nagtanong naman kay Dingdong kung bakit tila ngayon lang siya muling rumampa ng shirtless, kumpara sa mga nakaraang Bench launching o event.

"Actually ano po, ang theme kasi ng deo-cologne is 'Get empowered.'

"Kumbaga, binibigyan ka niya ng confidence and courage to face your fears and challenges.

"Para sa akin kasi, yung show namin ngayon, yung My Beloved, medyo may malaking requirement sa akin na mag-expose ng konti, so, naging motivation ko rin yun," ani Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tamang-tama, sabay ang launch ng deo-cologne at My Beloved."

May hindi na nakapagpigil sa mga entertainment press at sinabing, "super yummy" raw si Dingdong. Paano ba niya na-maintain ang kanyang katawan?

Nakangiting sabi ni Dingdong, "Magaling kasi ang cook ko. Si Marian [Rivera] na pinaghahandaan ako ng masarap na isda palagi.

"At siyempre, malaking bagay yung paglabas mo ng bahay, handa ka para harapin ang mga challenges.

"I think, that is the product exemplified. Yung character ng pagiging lalaki at kung papaano niya haharapin ang suliranin sa araw na yun."



Tinanong din si Dingdong tungkol sa isa niyang Twitter post kunsaan, sinabi niyang nagpapasalamat nga siya kay Marian dahil sa suporta nito sa pagda-diet niya.

"Siyempre, hindi naman madali yun. Lalo na sa unang mga linggo; very supportive siya"

Busy din si Marian, paano nito naisisingit ang pagluluto ng pagkain para sa kanya?

"Talagang gumagawa siya ng oras. Kaya nga saludo ako sa kanya dahil pinaghahandaan talaga niya."

MY BELOVED. Naitanong din kay Dingdong tungkol sa bago niyang primetime series, na magpa-pilot na sa February 15. Dual character ang pino-portray niya dito.

Paano naman niya pinaghandaan ang dalawang character na ginagampanan niya?

"'Yung isang character, medyo lately ko na lang nasuot, e, yung hindi tao.

"So, magandang adjustment kasi mabuti inuna namin yung mga mortal.

"Tapos maganda rin na medyo na-delay kami ng pagpapalabas.

"In that manner, napaghandaan namin nang husto. At least, alam namin kung paano ang atake.

"Magaling kasi ang mga katrabaho namin, lalung-lalo na ang leading lady, si Marian Rivera."



Empower ang tema at pangalan ng bago niyang pabango. Sino naman ang nag-e-empower kay Dingdong?

Ayon sa actor, "The people I love. Kumbaga, bawat paglabas ko ng bahay, motivated ako na meron akong mga taong mahal na gustong pasayahin at sila ang nag-i-inspire sa akin.

"Dahil doon, nakakagawa ako ng mga bagay na inaakala ko dati na hindi ko kayang gawin. Na-e-empower ako dahil doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Malapit na ang Valentine's Day. Isa siya sa special guests ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa concert nilang pinamagatang Mr. & Mrs. A.

May plano ba siya para sa araw ng mga puso?

Sagot ni Dingdong, "I will be a guest sa concert nina Ogie at Regine.

"Sana matapos nang maaga. Kung matapos nang maaga, gagawa ako ng date."

Wala pa ba siyang naiisip na concept sa Valentine's Day?

"Wala pa, wala pa. Bahala na, kasi minsan, dumarating na lang bigla."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN