Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"

IMAGE Noel Orsal; (inset) Mark Atienza

Ynna Asistio on manager Annabelle Rama: "Sinasabi ko nga na nagte-thank you din naman talaga ako. Pero yung sinasabi po niya na pinulot niya lang kaming magkakapatid sa lupa, paano naman pong nangyari iyon? Dalawang taon pa lang po akong nasa kanya, magsi-six years na po ako sa showbiz, nauna po ako kay Tito Dougs."


Kung may pagkakataong makausap nang personal ni Ynna Asistio ang manager niyang si Annabelle Rama, ano ang sasabihin niya?

"Feeling ko po, hindi ko kaya, e," sagot ng young actress.

"I mean, hindi naman... kumbaga, hindi naman ako bastos na tao.

"Kumbaga, respeto na din na kung makita ko siya, hindi na para batiin at ipakita ko sa buong mundo na binabati ko siya.

"Kasi ang pangit din naman kung batiin ko po siya, e."

Paano kung magkausap sila nang masinsinan ni Annabelle?

"Iyon po ay kung makakapagsalita po ako!" natatawang sagot ni Ynna.

Hindi niya kaya?

"Hindi po, baka po mauna siya, baka hindi pa ako lumalapit..."

HOW ANNABELLE BECAME YNNA'S MANAGER. Pero aminado si Ynna na may maganda namang nagawa sa kanila si Annabelle, lalo na sa kanyang career.

Aniya, "Sinasabi ko nga na nagte-thank you din naman talaga ako.

"Pero yung sinasabi po niya na pinulot niya lang kaming magkakapatid sa lupa, paano naman pong nangyari iyon?

"Dalawang taon pa lang po akong nasa kanya, magsi-six years na po ako sa showbiz, nauna po ako kay Tito Dougs."

Ang yumaong talent manager na si Douglas Quijano ang unang manager ni Ynna.

Sabi pa ng dalaga, "Kay Tito Dougs po talaga ako, nag-start po ako, 12, 13 [years old], mga ganun.

"Nag-QTV [Channel 11] ako 'tapos talagang ano po, nung nawala lang si Tito Dougs, dun na ako naging full [management] kay Tita Annabelle.

"Nagkita sila sa wake ni Direk, ni Nanay Khryss Adalia, dun po ako nakita ni Tita Annabelle, dun niya sinabi na kung may manager ba ako.

"Sinabi ko na kay Tito Dougs ako.

"That night po, kinontak niya si Tito Dougs at sinabi niya na 'Co-manage tayo.'"

Pumayag naman daw si Tito Dougs.

Ayon pa kay Ynna, "Si Tito Dougs madaling kausap, pumayag po siya.

"So, hindi po totoo na ipinilit ako ng mommy ko sa kanya, na ginawa ni Mommy lahat para mapunta kami sa kanya. Hindi po totoo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And yung sa mga kapatid ko naman, tinanong niya po ang mommy ko kung gustong mag-artista nung dalawa.

"Totoo naman na gusto nila, pero sabi ni Mommy, mag-school muna.

"Pero dahil mag-o-open ang TV5 nun, nagmamadali po si Tita Annabelle, nagmamadali siya, so pinapirma niya agad yung mga kapatid ko.

"Na may agreement din na hindi maaapektuhan ang school. Pero iyon nga, at the end, ang nangyari, naapektuhan nga yung school.

"Nanghingi ng advice si Mommy na baka puwedeng mag-lie low muna sa trabaho dahil naiiwanan na yung school.

"That time, ang ginawa ni Tita Annabelle, tinanggal niya lahat ng trabaho ng kapatid ko.

"Nagulat na lang kami, na yun na."

ANNABELLE'S CONTROVERSIAL TWEETS. Naging kontrobersiyal din ang mga tweets ni Annabelle sa Twitter kung saan ang pamilya raw ni Ynna ang pinatatamaan nito.

Sa lahat ng tweets na iyon, saan pinaka-nasaktan si Ynna?

"Ako, pinaka-nasaktan ako yung ano, e... actually lahat, e.

"Pero yung hindi ko makalimutan, yun nga, yung sinabi niyang pinulot niya lang kaming magkakapatid sa lupa... Parang hindi na ano, e, hindi na siya nakakatuwa talaga."

May mga binanggit pang maseselang salita si Ynna na aniya'y tinweet din ni Annabelle.

Dahil sa mga tweet na ito ng talent manager kaya siya sinampahan ng ina ni Ynna na si Nadia Montenegro ng kasong libel at unjust vexation.

(CLICK HERE to read related story.)

Pagpapatuloy ni Ynna, "Kung sa kanila ginawa yun, siguro pareho naman siguro yung ginagawa niya, kung paano inilalaban ng mommy ko.

"'Tsaka bago naman po talaga dumating sa demandahan, tinray naming ayusin nang maayos talaga.

"Hindi na talaga, hindi na talaga maayos dahil ang dami na po talagang nangyari, na kumbaga, sabi namin, legal na lang.

"Wala na, wala nang puwedeng mangyari kasi iyon nga, alam naman natin na powerful talaga siya, e.

"Pero hindi na ano po, parang hindi na healthy yung nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na lagi silang nag-aaway ni Mommy, kasi lagi naming kailangang pumunta sa event na ganito, sa party ni ganito, ni ganyan.

"So, parang sabi ni Mommy na parang, 'Masyado naman atang ano yung mga anak ko dito.'

"And kami, never... ang dami rin po naming alam sa kanila, pero hindi po para bumaba kami sa ganung lebel na, di ba?

"[Na] magsasalita ng ganun, kung totoo man o hindi.

"Parang... mali, e, maling-mali na po.

"Kaya nakasuporta talaga ako sa mommy ko dahil ako rin po mismo, gusto ko nang maalis sa kanya [Annabelle]."

Kumusta naman ang pakikitungo nila sa isa't isa ng mga anak ni Annabelle, partikular na sina Richard at Raymond Gutierrez na mga kasamahan ni Ynna sa Party Pilipinas?

"Wala po, nagkikita kami sa Party Pilipinas pero hindi po kami nagpapansinan.

"Kahit... as in minsan nagkaka... as in 'eto, nakaganyan [nagkakatabi] kami nila Raymond, pero hindi po kami nagpapansinan," sabi ni Ynna.

MARK HERRAS. Tinanong din ng PEP si Ynna kung anong suporta ang ibinibigay sa kanya ng boyfriend niyang si Mark Herras sa kinahaharap nilang isyu.

"Si Mark, siyempre ayoko naman pong madamay dito si Mark kasi problema ng pamilya ko ito.

"Pero siyempre, dahil nga konektado siya sa akin, parang medyo nadamay siya... noong una.

"Pero hindi na naman.

"So ayun, nakasuporta lang siya and kahit naman hindi natin tanungin, talaga namang nasa side namin siya, di ba?

"Pero as much as possible, ayoko na rin po siyang madamay kasi wala naman siyang kinalaman sa gulo namin, e."

WHAT WOULD YNNA TELL ANNABELLE? Sa huli ay nagawa ring magsalita ni Ynna nang muli naming tanungin kung ano ang nais niyang sabihin kay Annabelle kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na makausap ito.

Ito ang pahayag ni Ynna:

"Kung talagang ayaw mo sa aming magkakapatid, and napilitan ka lang, e, di sana pakawalan mo kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?

"Ipinagluto ka ng nanay ko, sabi mo nga, binigyan ka ng kung anu-ano.

"Alam mo naman po yung totoo, alam mo na ikaw po yung nakiusap.

"Sana lang po lumabas na yung totoo dahil... sabi mo nasira yung reputasyon mo. Paano pa yung reputasyon ng pamilya ko, ng tatay ko, ng nanay ko, at yung mga minor kong kapatid?

"Iyon yung pinakamasakit, e. Kasi may pamilya ka, may anak ka, may mga apo kang babae.

"Sana po isipin mo na ganun din po kami.

"Tumayo kang pangalawang nanay namin, pero hindi namin in-expect na ganito yung gagawin mo."

Muli, bukas ang PEP kung may nais sabihin ang kampo ni Annabelle Rama kaugnay ng mga pahayag na ito ni Ynna.

CLICK HERE to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN