Danita Paner on why ex-boyfriend JC de Vera is worth keeping: "Ang bait-bait no'n, dyusko!"

IMAGE Noel Orsal

Danita Paner on why she finds her ex-boyfriend JC de Vera an ideal boyfriend: "Kasi kung hindi, matagal na akong... hindi ko na siya pag-aaksayahan ng oras para pag-usapan."


Itinuturing ni Danita Paner na biggest break niya ang bago at kauna-unahang daytime serye sa TV5 na Isang Dakot na Luha, na tinatampukan din nina Alice Dixson, Jay Manalo, at Glydel Mercado.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita noong Sabado, February 25, bago siya sumalang sa live interview niya sa Paparazzi para i-promote ang nasabing serye.

"Feeling ko, ito na ang kapalit ng lahat ng pinagdaanan ko," nakangiti niyang bungad.

"After Bangis, ang tagal ko ring naghintay. It's worth the wait naman kasi six months ito [tatakbo] at two seasons siya.

"So, matagal rin ang itatakbo nitong show."

Higit sa tatlong buwan din daw walang ginawang serye si Danita mula nang matapos ang Bangis noong September 2011.

LESSONS OF LOVE. Ayaw isipin ni Danita na ang pagbibida niya sa serye ay parang kapalit lang sa naranasan niyang heartbreak mula sa hiwalayan nila ni JC de Vera.

Sabi ng young actress, "E, yung breakup din naman namin ni JC, blessing rin yun.

"Kasi kung hindi kami nag-break, wala kaming mari-realize sa isa't isa."

Ano ang kanilang mga natutunan sa kanilang paghihiwalay?

"Yung worth namin sa isa't isa. Kaya ngayon, okay kami, nag-uusap kami.

"Parang mas nakikita mo yung importansiya nung tao. Na-appreciate mo siya nung nawala," sagot ni Danita.

Ayaw pa sanang magbigay ng detalye ni Danita kung ano yung na-appreciate niya ngayon kay JC buhat nang maghiwalay sila, pero napilit namin siyang magkuwento.

"Madami kasi, e," nag-aalinlangan niyang pahayag sa umpisa.

"May mga instances na hindi ko siya naiintindihan dati.

"Pero ngayon, nari-realize ko na yun lang pala ang gusto niyang mangyari.

"Hindi ko na masyadong lilinawin yung detalye."

PRESENT RELATIONSHIP STATUS. Bagamat nag-uusap raw sila ni JC, hindi nakikita ni Danita ang posibilidad ng pagbabalikan nila ni JC.

"Hindi namin pinag-uusapan yun.

"Basta kung ano yung meron kami ngayon, yun ang ini-enjoy namin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least wala nang isnaban, wala nang awkwardness.

"Pero hindi pa rin masasabi kung ano ang mangyayari.

"Baka hindi? Baka oo.

"Kasi magulo pa, e. Dahil..." pagputol niya sa susunod na sasabihin.

Mula nang maghiwalay sila, wala pa raw silang pormal na pag-uusap ni JC para ayusin ang pinag-ugatan ng problema nila sa kanilang relasyon.

"Hindi rin kasi maano yun, e... hindi rin kasi mahilig sa confrontation yun, e.

"Pero unti-unti, pahapyaw-hapyaw lang," saad niya.

STILL HOPING. Aminado si Danita na umaasa siyang magkakabalikan pa rin sila ni JC.

"Why not? Choc-nut!" pabakla niyang sabi.

"Ayaw ko na lang mag-expect," dugtong pa niya.

Bakit gusto niyang makipagbalikan samantalang marami namang mga lalakeng naghihintay lang na pansinin niya?

"Ayoko namang sumubok. Ano ba 'yan, pagkain?

"Kung ano ang darating, yun lang yun.

"Kung hindi, e, di waley [wala]!"

JC IS WORTH FIGHTING FOR? Worth keeping naman ba si JC at ganun na lang siya umaasang magkakabalikan sila?

"Oo naman. Ang bait-bait no'n, dyusko!" bulalas ni Danita.

Dagdag niya, "Kasi kung hindi, matagal na akong... hindi ko na siya pag-aaksayahan ng oras para pag-usapan."

Sa tanong namin kung siya ba talaga ang pasaway kaya sila nagkahiwalay ni JC, umangal si Danita.

"Grabe naman! You don't know anything. Masyado nga akong mabait, 'no!" sabi niya.

Alumpihit talaga si Danita na pag-usapan si JC kaya matipid ang mga sagot niya sa tanong namin.

"Hindi... ano lang, kasi hindi talaga niya pinag-uusapan ito in public.

"Nahihirapan rin ako siyempre magkuwento sa inyo, magbigay ng details kasi hindi rin siya kumportable sa gano'n. Basta, okay..."

Gusto talaga ni JC na maging private yung mga nangyayari sa kanila?

"Oo. Alam n'yo naman ako, napaka-open ko.

"Pero yung sa mga problems namin, e, yun na yun.

"Basta ngayon, gusto ko lang mag-work."

Hindi ba siya puwedeng magpaligaw?

"Hindi naman sa hindi allowed. Nasa akin naman yun kung ma-feel ko siya na ako'y...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung wala, hindi ko siya hahanapin."

Pero wala raw siyang balak mag-entertain ng bagong manliligaw.

"Hindi ko talaga siya iniisip ngayon. Hindi talaga. Kung ano na lang yung mangyari.

"I'll take it day by day. Wala akong plano na, 'Eto ang gagawin ko?'"

HARD TO FORGET? Umaayon si Danita na hindi niya agad-agad makakalimutan ang isang taong minahal niya at naging bahagi ng kanyang buhay.

"Korek! Saka ang hirap ng iba-iba, e. So, ngayon, trabaho muna ako," pahayag niya.

Maliban sa trabaho, ini-enjoy rin daw niya ang pagimik-gimik kasama ang kanyang mga kaibigan.

Pagpapatunay na hindi ang kanyang paglabas-labas ang naging ugat ng hiwalayan nila ni JC.

"Hindi, 'no! Lagi ko yun kasa-kasama dati, e.

"Ayan, sina Victor Basa, nakikita ko 'pag lumabas silang dalawa ng girlfriend niya, si Divine [Lee]," kuwento ni Danita.

NINANG ALICE. Pinatotohanan ni Danita na totoong ninang niya sa tunay na buhay ang co-star niya sa Isang Dakot Na Luha na si Alice Dixson.

"Ninang ko siya talaga. And first time ko siyang nakatrabaho [noon] sobrang bata ako.

"Ano bang movie yun? Yung Jessica Alfaro The Movie, yun."

Sinabi ni Alice sa isang interbyu na gusto niyang magkaroon ngayon ng personal relationship sa inaanak niyang si Danita.

Ano ang masasabi niya rito?

"Ay, oo. Nung workshop namin, sinabi na niya na nahihiya nga raw siya, kasi the whole time na lumaki ako, wala siya as my ninang.

"Sabi niya, this time 'pag kailangan ko raw siya, lapit lang raw ako. Approach ko lang raw siya.

"Nahihiya ako kasi Ms. Alice Dixson yun. Pero natutuwa ako at sinabi niya yun sa akin."

Hindi pa raw bumabawi si Alice sa mga pagkukulang niya kay Danita bilang inaanak.

"Ngayon kasi hindi pa kami nagkakatrabaho," na ang tinutukoy niya ay ang magkasama sila sa eksena.

"Pero 'pag may teasers at events na kami magkasama, tsika naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ramdam ko yung sincerity niya."

Gusto rin daw ni Danita na magkaroon ng personal relationship sa kanyang ninang Alice

"Lalo na sa show kasi ang tagal naming magsasama. Kailangan meron kaming intimate bond. "

Ayaw ni Danita na maging pangatlong nanay niya sa showbiz si Alice kasunod sa ina niyang si Daisy at manager na si Annabelle.

"Kahit ate nga, okay sa akin," sagot niya.

Ngayon lang daw talaga sila nagkausap ni Alice.

Isa raw si Alice sa mga ninang niyang ngayon lang niya nakita.

"As in sobra kong daming ninang. Hindi ko alam ninang ko pala.

"Si Mommy [Daisy Romualdez] ang nagsabi sa amin, ninang ko raw si Ms. Alice.

"Sinabi sa akin yung ni Mommy nung nag-TV5 na nga si Ms Alice."

Sinang-ayunan din ni Danita ang kuwento ni Alice sa mga kaharap na press na nagkuwento siya sa kanyang ninang na dumaan siya sa isang mahirap na teenage life.

"Oo, sinabi ko sa kanya na, 'Nung nasa States ka, lumayas ako.'

"Kasi kailangan namin... meron kasi kaming exercise [sa acting workshop] na ang tawag dun ay intimate sharing.

"So, meron kaming sasabihin sa bawat isa na hindi makakalabas para maging kumportable kayo sa isa't isa.Yun.

"May mga sinabi siya sa akin, ang dami nga, ang haba.

"Ang advice lang niya sa akin, if ever na gusto ko raw ng kausap, tatawagin ko lang daw siya sa kotse."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN