Kim Chiu serenaded by Xian Lim on the set of My Binondo Girl; but says she wants to take things slow for now

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu on reason why she is smiling again: "Ano, masaya lang. And nakakatuwa kasi siyempre time na rin para...hindi naman forever malungkot sa buhay. Dapat naman maging masaya. Pero mag-ingat-ingat lang tayo ng konti para hindi na ulit masaktan."


Isang thanksgiving presscon ang ginanap kaninang tanghali, January 12, para sa "dragon finale" ng ABS-CBN primetime series na My Binondo Girl.

Ginanap ang presscon sa Choi Garden restaurant sa Annapolis, Greenhills, San Juan.


Ayon sa gumaganap sa title character na si Kim Chiu, "Ako, masaya ako sa naging outcome ng My Binondo Girl.

"Pati sa team-up namin dito ni Xian. Nakakatuwa."

CLOSENESS WITH XIAN. At nagkuwento na nga ang young actress sa magandang pagtitinginan nila ngayon ng kanyang leading man na si Xian Lim.

Aniya, "These past few months na almost every day kaming magkasama, nakilala ko siya nang husto.

"Nahihiya pa siya noong una, pero no'ng nagtagal-tagal, nag-o-open up na siya.

"Dati, 'yong mga jokes niya, walang dating sa akin. Pero ngayon, meron na.

"Bakit? Kasi friends na kami."

Lalo pa nga raw silang nagiging close base na rin sa obserbasyon ng mga taong nasa paligid nila.

Tila patungo na talaga ang pagiging malapit nila ngayon sa posiblidad na maging sila na.

Sabi naman ni Kim tungkol dito, "Masyado pang maaga para masabi 'yon, pero masayang kasama si Xian."

Marami rin ang nakakapansin na kinikilig si Kim sa special treatment at atensiyon na ibinibigay sa kanya ni Xian.

"Ganyan talaga? Hindi ko alam!" sabay tawa ng Primetime Princess ng ABS-CBN.

May mga naghihinala rin na baka raw nakapagsabi na si Xian ng tunay nitong nararamdaman para kay Kim.

"Hindi po. Hindi po. Ano lang, a...ako talaga ang tinatanong?" tawa ni Kim.

Bukas kasi si Xian sa pagsasabing ginagawa nito ang lahat para maiparamdam ang espesyal na pagtingin at turing niya kay Kim.

THE SWEETEST THING. Ang pinaka-sweet na ginawa nga ni Xian kay Kim ay nang hinarana niya ang dalaga.

Kuwento ng direktor ng My Binondo Girl na si Francis Pasion sa presscon kanina, minsang natapos silang mag-taping ay nag-hire si Xian ng choir upang haranahin si Kim sa standby area nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod ang pagbibigay ng binata ng lap pillow na siyang Christmas gift nito para kay Kim.

Ano ang naging reaksiyon ni Kim sa ginawang iyon ni Xian?

Natatawang kuwento ng young actress, "A, siyempre nagulat ako. Tanong ko do'n sa choir, 'Taga-saan kayo? Anong meron?'

"Akala ko kasi magsu-solicit o magka-caroling!

"Kaya sabi ko sa... 'Sila [co-stars niya] muna. Sunod na lang ako.'

"E, sabi naman ng choir, wala raw bayad. May nag-utos lang daw sa kanila na kantahan ako.

"Tapos no'ng kumakanta na, lumabas si Xian. May dalang bulaklak."

Biro namin kay Kim, di pagkahaba-haba naman ng kanyang buhok noong moment na iyon?

Ngingiti-ngiti lang si Kim. Parang hindi alam kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Pogi points" ba para kay Xian iyon?

"Ayos naman! Ayos naman!" sabay tawang sabi ng dalaga.

Ano nga ba talaga ang naramdaman niya noong oras na yun?

"Siyempre, nakakagulat at nakakatuwa.

"Lalo na no'ng lumabas na siya [Xian] habang kumakanta ang choir.

"And 'yon, nakakatuwa. Nakakatuwa.

"Siyempre rin, I don't want to talk na parang wala lang sa akin iyon.

"Siyempre, pusong-babae naman ako."

XIAN'S OTHER SURPRISES. Ano pa ang ibang sweet na ginawa ni Xian bukod sa pagpapaharana sa kanya?

"Uhm...kasi mahilig siyang mang-surprise ng mga bulaklak.

"Kahit sa sasakyan, magugulat ka na lang na pagsakay mo, may flowers sa loob.

"Pero siyempre, at the same time, nag-iingat din ako sa nararamdaman ko and sa...kung kanino ko ibibigay ang puso ko.

"'Yon!" saad ni Kim.

Paano kung magpatuloy ang "panunuyo" sa kanya ni Xian kahit natapos na ang taping at pagpapareha nila sa My Binondo Girl?

"'Yon, do'n talaga mapu-prove na totoo 'yong ginagawa niya for me.

"Na talagang after ng show, e, nandiyan pa rin siya," sagot ni Kim.

Matatagalan pa ba bago siya makumbinsi na wala nang dapat pang patunayan si Xian sa intensiyon nito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A...depende. Siyempre, I want to take things slow.

"And dahan-dahan lang para sigurado ka talaga sa nararamdaman mo."

FALLING IN LOVE AGAIN. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami kung gaano nasaktan si Kim sa naging pagtatapos ng relasyon nila noon ng dating ka-loveteam niyang si Gerald Anderson.

Pati fans nila ay naapektuhan din talaga.

Dahil ba dito ay matatagalan pa bago niya muling buksan ang kanyang puso para sa isang panibagong pag-ibig? Malabo ba siyang magka-boyfriend ulit ngayong 2012?

Ayon kay Kim. "Uhm, ako, dahan-dahan muna. Kasi hindi naman ako nagmamadali, e.

"And kilig-kilig lang muna. Hanggang do'n lang muna."

Bukas din ba siya sa ibang lalake na gustong manligaw sa kanya?

"Yes. Opo. Okey lang 'yon."

Pero sa ngayon, si Xian ang masasabing pinakamalapit sa puso niya?

"Kasi siya ang nakakatarabaho ko at nakikita ko araw-araw," sagot ni Kim.

Si Xian din ba ang may pinakamalaking tsansa na naghahangad makuha ang puso niya?

"Hindi ko masasabi. Ayokong magsalita ng tapos."

Pumapasok ba sa isip niya na kaya siya espesyal at sinusuyo ni Xian ay dahil sa tambalan nila?

"Minsan. Minsan. There are times.

"Pero nakikita ko naman 'yong sincerity niya, e."

Ano ba 'yong mga nakita niya kay Xian na patunay na totoo nga ang nararamdaman nito sa kanya?

"Uhm, nandiyan lang siya lagi. And hindi naman...basta!

"Mararamdaman mo naman iyon, e."

Ano ang pinakagusto niya tungkol kay Xian?

"Si Xian, hopeless romantic type of guy. Lumang tao...parang gano'n.

"Sa physical naman, siyempre 'yong tindig niya...matangkad, ganyan."

MOVIE WITH XIAN AND GERALD? Balitang may project daw na pinaplano na posibleng pagsamahan nilang tatlo nina Xian at Gerald.

Ano ang masasabi ni Kim dito?

"Hindi ko pa alam ang tungkol do'n, e.

"Pero kung meron man, siyempre open naman ako.

"Puwede naman. Walang masama do'n. Trabaho 'yon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Gerald, siyempre lagi naman siyang nandiyan.

"Suportahan naman kami sa isa't isa, o sa bawat mga projects namin individually.

"We're good friends. At thankful ako na magkaibigan kami."

Okey na ba ang puso niya ngayon?

"Hindi ba mukha?" nangiting tanong ng young actress.

"Okey naman. Okey na okey.

"Hindi ko pinagsisisihan ang mga pinagdaanan ko."

Malaking bagay ba ang pagdating ni Xian sa buhay niya, bilang ka-loveteam at kaibigan, para makalimutan kung anumang pinagdaanan niya noon?

"Uhm, siyempre. In a way...in a way din. And part of growth din naman 'yon, e," sabi ni Kim.

Matagal-tagal din bago muling naging kapansin-pansin na nakakangiti at nakakatawa na naman siya nang husto.

Ano kaya ang dahilan nito?

"Ano, masaya lang," sambit ni Kim.

"And nakakatuwa kasi siyempre time na rin para...hindi naman forever malungkot sa buhay.

"Dapat naman maging masaya.

"Pero mag-ingat-ingat lang tayo ng konti para hindi na ulit masaktan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN