PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal breaks up with Jay Perillo; touched by Jolo Revilla's willingness to wait for her

Kris on Jolo Revilla: "Nakaka-touch naman yun. Naghintay talaga siya sa akin, parang hindi naman karapat-dapat!"
Published Dec 15, 2011
Kris Bernal on breakup with Jay Perillo: "Pinatigil ko na rin talaga dahil may mga bagay na hindi naintindihan sa isa't isa. May misunderstanding na ganyan. Every time kasi na may away, parang hindi siya ma-solve kasi may ugali kami minsan na ako mataas ang pride ko, siya rin mataas ang pride niya. So, minsan hindi naaayos."

Hindi diretsahang maamin ni Kris Bernal na break na sila ng singer na si Jay Perillo dahil hindi naman nila kailanman inamin na naging sila.

Open naman sina Kris at Jay sa kanilang relasyon dahil nakikita ang sweetness nila kapag magkasama sila sa Party Pilipinas, pero sa mga interview ay hindi nila inaming mag-on na sila officially.

Kaya nang mapag-usapan ang tungkol sa kanilang breakup sa presscon ng Panday 2 kahapon, December 14, hindi maidetalye ng young actress ang dahilan ng hiwalayan nila ng singer.

Ayon kay Kris, basta walang third party involved at hindi selos ang dahilan.

"Mahirap siyempre. Ako ang nakipag-break," sabi ni Kris nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang nakipag-break at kung nahirapan din ba siya sa naturang breakup.

Dagdag pa niya, "Pinatigil ko na rin talaga dahil may mga bagay na hindi naintindihan sa isa't isa.

"May misunderstanding na ganyan.

"Every time kasi na may away, parang hindi siya ma-solve kasi may ugali kami minsan na ako mataas ang pride ko, siya rin mataas ang pride niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, minsan hindi naaayos."

Marami ang nakapansin sa Party Pilipinas noong nakaraang Linggo, December 11, na tila sweet na naman sila. Kaya pinag-usapang nagkabalikan silang dalawa.

Pero ayon kay Kris, walang balikang nangyari.

Nakita lang daw niya si Jay na napakalungkot kaya kinausap niya ito.

Kuwento ng StarStruck alumna, "Marami pong nakapansin nun.

"Nakita ko nga po sa Party P na malungkot.

"Siyempre, hindi ko naman kaya na makita siyang ganun, di ba?

"Siyempre, nilapitan ko siya, nag-usap kami kung ano ba ang problema, ganyan.

"Naayos naman namin.

"Pero dun na sa point na hanggang dun na lang talaga," kuwento ni Kris.

Na-maintain naman daw ang friendship nilang dalawa, pero hanggang dun na lang daw at malabo na raw silang magkabalikan.

Sabi ni Kris, "Yung sinasabi kasi niyang balikan, parang ako ang dapat manuyo. Ginawa ko naman.

"Pero minsan napapagod ka din, ganun."

JOLO REVILLA. Nang malaman naman ni Jolo Revilla na wala na sina Kris at Jay, muli itong nagparamdam dahil aminado ang young actor na crush niya ang dalaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lang siya makaporma noon dahil aware siyang meron nang Jay si Kris.

Nangulit si Jolo sa ilang kaibigan kung puwedeng mahingi ang contact number ni Kris dahil gusto raw niya itong tawagan.

Natuwa naman si Kris nang nalaman niya ito dahil noon pa man ay alam niyang balak siyang ligawan ni Jolo.

Hindi raw niya akalaing meron pang mga lalaking naghihintay talaga para sa isang babaeng gusto nitong suyuin.

Sabi ni Kris, "Nakaka-touch naman yun.

"Naghintay talaga siya sa akin, parang hindi naman karapat-dapat!

"Nakaka-touch siyempre.

"Alam mo naman mga guys ngayon, pero gusto mo pa rin siyempre yung dating panliligaw, yung dating panunuyo ng mga lalaki.

"Nakakatuwa dahil may naghihintay talaga?"

Tinanong naman ng PEP si Jolo kung natawagan na nito si Kris, napangiti lang ang young actor.

Nang makuha raw niya ang number, kaagad niya itong tinext pero hindi pa raw siya sinasagot ni Kris.

Ayaw raw muna ni Jolo na magkuwento kung ano ang balak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mahalaga, nakuha na raw niya ang contact number ni Kris.

Nang tanungin naman si Kris tungkol dito, ito ang naging sagot niya:

"Pero hindi pa ako maka-commit na, 'Oo siyempre dahil wala na akong someone special ngayon o someone close to me, o sige date na tayo.'

"Hindi naman ako ganun, e.

"Sabi ko nga, it would take time.

"Hintayin siguro muna ako makahinga.

"Hintayin muna mawala sa isip ko.

"Panget naman kung rebound lang, di ba?

"So, maganda yung malinis ka."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on breakup with Jay Perillo: "Pinatigil ko na rin talaga dahil may mga bagay na hindi naintindihan sa isa't isa. May misunderstanding na ganyan. Every time kasi na may away, parang hindi siya ma-solve kasi may ugali kami minsan na ako mataas ang pride ko, siya rin mataas ang pride niya. So, minsan hindi naaayos."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results