PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay Perillo on breakup with Kris Bernal: "I wouldn't say break because there's nothing going on na sinabi namin to begin with."

But Jay admits, "I never loved anybody the way I [loved] her."
Published Dec 18, 2011
Singer Jay Perillo on trying to win back Kris Bernal: "There is no lalaki ako or babae ako sa part na yun. Kung kasalanan mo, you have to face it. Kasalanan mo, di ba? Kasi si Kris, parang prinsesa ko 'yan, e. So, medyo malabo na ganun yung gagawin ko sa kanya."

Naisulat na rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pag-amin ng Kapuso young actress na si Kris Bernal sa pakikipag-break niya sa singer na si Jay Perillo.

Sabi ni Kris, "Ako ang nakipag-break.

"Pinatigil ko na rin talaga, dahil may mga bagay na hindi naintindihan sa isa't isa. May misunderstanding na ganyan.

"Every time kasi na may away, parang hindi siya ma-solve kasi may ugali kami minsan na ako mataas ang pride ko, siya rin mataas ang pride niya.

"So, minsan hindi naaayos."

(CLICK HERE to read related story.)

May paliwanag naman si Jay sa estado ng relationship nila ni Kris sa interview sa kanya ng Startalk TX, na napanood sa GMA-7 kahapon, Disyembre 17.

Ayon kay Jay, "I wouldn't say 'break' because there's nothing going on na sinabi namin to begin with.

"Pero yun nga, since she asked na medyo mag-lie low muna kami. So, yun ang ginawa namin ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO THIRD PARTY. Kahit nga never umamin ang dalawa noon, hindi ito maitatago sa ingay ng alingawngaw ng kanilang breakup.

Isa nga sa mga naiisip ng mga tao na dahilan ng breakup ay third party.

Pero nauna na nga itong pinabulaanan ni Kris.

Depensa naman ni Jay, "On my part, wala.

"Sobrang... katulad nga nung sinabi ko sa mga past interviews ko, na wala nang ibang magiging perpekto pang babae sa mata ko kundi si Kris."

May usap-usapan naman na ilang beses sumubok si Jay na makipagbalikan kay Kris.

Sabi ni Kris, "Yung sinasabi niya na gusto niya ng balikan, ako yung kailangang manuyo.

"Parang ganun yung sinasabi niya noon. So, ginawa ko naman.

"Hanggang sa...siguro minsan ano din, napapagod ka rin, ganun."

Paliwanag naman ni Jay tungkol sa pahayag ni Kris, "There is no lalaki ako or babae ako sa part na yun.

"Kung kasalanan mo, you have to face it. Kasalanan mo, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi si Kris, parang prinsesa ko 'yan, e.

"So, medyo malabo na ganun yung gagawin ko sa kanya."

Sa huli, may mensahe pang nais iparating si Jay para kay Kris:

"I never loved anybody the way I [loved] her.

"Whatever it is that you do, just make sure that you'll be happy and take care of yourself."

Read Next
Read More Stories About
Jay Perillo, Kris Bernal
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Jay Perillo on trying to win back Kris Bernal: "There is no lalaki ako or babae ako sa part na yun. Kung kasalanan mo, you have to face it. Kasalanan mo, di ba? Kasi si Kris, parang prinsesa ko 'yan, e. So, medyo malabo na ganun yung gagawin ko sa kanya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results