Aljur Abrenica falls in love with Sagada

IMAGE Noel Orsal

Aljur Abrenica on why he wants to go back to Sagada: “Palabati, palangiti. Palangiti mga tao do’n. Para kang nasa ibang mundo. Pag nakarating ka do'n, iba. Ibang klase mga tao do’n.”


Ilang araw bago ang kanyang 22nd birthday noong March 24, umakyat si Aljur Abrenica ng Sagada kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Unang beses raw na nakita ni Aljur ang Sagada, pero babalik-balikan daw niya ang naturang lugar.

Ito ang itinuturing niyang hindi pinakamalilimutang bakasyon.

Para sa aktor, isa itong pagbubukas sa kanyang kamalayan, na may bahagi pala ng Pilipinas na gaya ng Sagada.

“Kaya siya naging memorable sa 'kin… gusto ko ring i-suggest sa mga tao na pumunta sila do’n.

“Kasi yung Sagada napaka-sacred. Grabe. Kahit artista, kilala-kilala ka... may respeto sila.

“Hindi ko naman sinasabing walang respeto yung mga tao dito,” sa patag ang ibig niyang tukuyin.

“Marespeto [rin] ang mga tao dito. Sila din [mga taga-Sagada, kumbaga… A, sabihin na lang natin na, do’n natin makikita talaga ang ugali ng mga Filipino. Ang totoong Filipino.

“Grabe, sobrang accommodating nila. Talagang sasamahan ka nila. A, sobrang pasensiyoso, pasensiyosa,” pahayag ni Aljur na ramdam mo ang pagkamangha sa kanyang naranasan.

“Palabati, palangiti. Palangiti mga tao do’n. Para kang nasa ibang mundo. Pag nakarating ka do'n, iba. Ibang klase mga tao do’n.”

SAGADA FOOD. Kasama sa pamamasyal ang pagtikim ng mga pagkain sa pinuntahang lugar.

Ayon sa hunk actor, “Adobo. Chicken adobo. Pork adobo. Chicken curry.

"Mga usually nakikita dito, pero kakaiba lasa,” kuwento niya sa mga natikmang pagkain sa Sagada.

“A, kasi wala silang ginagamit na mga pampalasa. More on natural…ang saraaap,” saad niyang parang ninanamnam pa rin ang lasa ng kanyang nakain.

“Tsaka yung kanin nila, may inihahalo silang hindi ko alam kung ube, o… may inihahalo silang violet, e.

"Ang sarap. Ang sarap at ang lagkit pa,” pagtukoy niya sa black mountain rice na unang beses niya marahil natikman.

May isang lugar naman daw na nagmarka sa kanyang isipan.

“Ang di ko talaga makakalimutan do’n…kaya ko sinabing di ko makakalimutan, yung cave do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung burial cave. Tradisyon. Siguro ninuno natin yung mga yun.

"Kasi may tradisyon sila na mga… ilang daang taon na daw yun. So, malamang lolo na natin yun,” pagbanggit niya sa hanging coffins sa Eco Valley at makikita rin sa iba pang kuweba sa Sagada.

EUROPEAN DREAM. Kung mabibigyan naman daw ng pagkakataong makalabas ng bansa si Aljur ay gagalugarin niya ang Europe.

Lahat daw ng mga magagandang lugar ay pipilitin niyang puntahan.

Anu-ano ang kanyang gagawin?

“Ako kasi yung tao na excited ako pag napupunta ako sa isang lugar na wala akong alam.” Ibig sabihin, di niya paplanuhin ang kanyang magiging lakad.

May gusto ba siyang isama sa Europe?

“Kahit ako lang mag-isa. Mas masarap kasi yung trip pag kasama mo yung someone close to you… like your brother.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN