Aljur Abrenica denies choosing movie with Robin Padilla over project with Bong Revilla

IMAGE Glen P. Sibonga

Aljur Abrenica on favoring movie with Robin Padilla over project with Bong Revilla: "Walang pilian yun. Parehas ko silang tinanggap. Yung Panday kasi nakapag-shoot na ako. Tapos pumunta ako ng States. Nagkaroon ng conflict sa schedule kaya kailangan kong i-give up. Hindi totoo na mas pinili ko yung movie with Kuya Robin."


Ayaw nang pansinin ni Aljur Abrenica ang sinasabi ng iba na supporting na lang ang roles na ibinibigay sa kanya ng GMA-7 ngayon.

Pagkatapos kasi ng title roles niya sa The Last Prince at Machete ay tila hindi pa siya nabibigyan ng pagbibidahan niyang teleserye.

Sa ngayon kasi ay ipinasok lang siya sa Amaya, na pinagbibidahan naman ni Marian Rivera. Ginagampanan niya rito ang role ng mandirigmang si Dayaw.

Pero ayon kay Aljur, "Hindi naman ibig sabihin na nagbida ka na, e, dapat maging bida ka for the rest of your life.

"Hindi ibig sabihin nun na hindi na ako tatanggap ng supporting roles.

"Artista tayo, e. 'Yan ang trabaho natin. Kumbaga, yung pagiging artista, dapat maging flexible ka, na lahat ng characters, lahat ng shows na ibibigay sa iyo ay kaya mong gampanan.

"And para sa akin, every show, every character is a challenge for me.

"So, hindi ako tumitingin sa ganung estado na kailangan bida ka lagi," paliwanag ni Aljur.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa Gabay Guro Grand Gathering ng PLDT-Smart Foundation na ginanap noong Linggo, October 9, sa SM Mall of Asia Music Hall.

Isa si Aljur sa mga celebrity na nagbigay kasiyahan sa mga guro mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas kaugnay ng selebrasyon ng Teacher's Day noong October 5.

Hindi na rin daw iniintindi ni Aljur ang mga nagsasabi at nagsusulat ng negatibo sa kanya. Ang mahalaga raw ngayon ay may trabaho siya at patuloy na binibigyan ng proyekto ng GMA-7.

"Ayoko nang isipin yung mga negative kasi mada-down ka lang.

"Kahit ano naman ang gawin mo, hindi naman nawawala yung mga naninira na 'yan, e.

"Mas gusto ko ngang pagtuunan ng pansin kung paano ko pa mapagbubuti ang trabaho ko para sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa akin."

WORKING WITH MARIAN. Challenge nga raw para kay Aljur ang pagpasok niya sa Amaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pagpasok ko sa Amaya, talagang sobra akong kinabahan, e.

"Hindi ko alam kung magiging katanggap-tanggap ako sa Amaya dahil una, ang Amaya ay number one sa primetime.

"Pangalawa, ang daming magagaling na artista [na nasa cast] at saka hindi siya ganun kadali [gawin].

"So, yung pagpasok ko, talagang challenge po siya sa akin.

"Hindi ko ine-expect na kahit paano may makaka-appreciate.

"Kaya thank you sa mga pumupuri. Salamat sa suporta.

"Asahan n'yo na marami pa kaming gagawin dito sa Amaya para mas mapaganda yung proyekto, lalo na't extended pa ang airing niya."

Kumusta naman katrabaho si Marian?

"Wow, si Marian, sobra-sobrang professional, sobrang galing.

"Sobrang galing umarte, tapos parang hindi siya nagpapahinga kasi dire-diretso ang taping.

"Hanga po talaga ako sa kanya, talagang pursigido siya sa trabaho.

"Gusto niya laging maganda ang kalalabasan ng trabaho," papuri ni Aljur sa Primetime Queen ng GMA-7.

Nagkasama na sila ni Marian sa ilang proyekto noon at mas naging close ba sila ngayon dito sa Amaya?

"Oo, noon pa naman malapit na kami sa isa't isa e. Si Marian, lagi ko 'yang kakuwentuhan.

"At saka siyempre, si Dong [Dingdong Dantes, Marian's boyfriend].

"Siyempre girlfriend siya ni Dong. Si Dong para ko na ring kuya yan e.

"And si Marian, nakatrabaho ko rin 'yan sa Temptation Island. Actually, Dyesebel pa lang, malapit na kami."

MOVIE WITH ROBIN. Samantala, nagpaliwanag din si Aljur tungkol sa lumabas na balita na umano'y mas pinili niya na makasama sa 2011 Metro Manila Film Festival movie entry ni Robin Padilla kaya inayawan na niya ang Panday 2 ni Sen. Bong Revilla.

"Walang pilian yun. Parehas ko silang tinanggap. Yung Panday kasi nakapag-shoot na ako.

"Tapos pumunta ako ng States. Nagkaroon ng conflict sa schedule kaya kailangan kong i-give up.

"Hindi totoo na mas pinili ko yung movie with Kuya Robin."

Nag-start na ba silang mag-shoot ng movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa," sagot niya.

Ang pumalit sa kanya sa Panday 2 ay si Alden Richards. Wala bang naging isyu sa kanila ni Alden?

"Well, nung nalaman ko na si Alden yung pumalit sa akin, natuwa ako.

"Kaibigan ko si Alden at saka pangalawa, magaling siya.

"So, alam ko talaga na para sa kanya yung [role ko sa] Panday."

STILL FRIENDS WITH KYLIE. Kasama ni Aljur sa gagawin niyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ang rumored girlfriend niya at anak ni Robin na si Kylie Padilla.

Kumusta naman sila ni Kylie ngayon?

"Okay naman. Kaya lang ngayon, hindi kami masyadong nagkikita dahil marami kaming schedules sa work."

Bakit ba ayaw pa rin nilang umamin tungkol sa totoong relasyon nila?

"Wala naman talaga, hindi naman kami," diin niya.

Pero tuluy-tuloy ba ang panliligaw niya?

"Wala, walang ligawan," sabi ni Aljur.

Ano ang ibig sabihin pag lumalabas sila at pag pinupuntahan siya ni Kylie sa mall shows niya dati?

"Ang [pagpunta ko sa] mall shows... suporta yun bilang isang kaibigan.

"Magkaibigan lang po kami. Kung mero'n man kaming espesyal na namamagitan sa isa't isa, sasabihin naman namin.

"Siguro, espesyal ang tingin niya sa akin, ganun din naman ako sa kanya.

"Yun nga lang, wala kaming relasyon. Magkaibigan lang kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN