Aljur Abrenica happy that his friend Joseph Bitangcol is out of the hospital and making a full recovery

IMAGE Noel Orsal

Isa si Aljur Abrenica sa mga artistang tumulong sa benefit show na idinaos kamakailan para makalikom ng perang pampa-opera ng naaksidente at ngayon ay nagpapagaling ng young male star na si Joseph Bitangcol.


Isa ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica sa mga artistang tumulong sa benefit show na idinaos kamakailan para makalikom ng perang pampa-opera ng naaksidente at ngayon ay nagpapagaling ng young male star na si Joseph Bitangcol.

Sa taped interview ng StarTalk TX kay Aljur na ipinalabas kahapon, September 17, sinabi ng hunky young male star na...

"Oo magkakilala kami ni Joseph. Madalas kaming nagkakasama sa Eat Bulaga! Tsaka minsan, nagkikita kami sa mga hang-outs sa gabi.

"Lalo na yung mommy niya, magkakakilala sila ni mama, e.

"And talagang fan na fan ako ni mama [Joseph's mom] pagdating sa barbecue niya. Ang sarap, e," says Aljur referring to the barbecue business ng pamilyang Bitangcol.

Ikinagulat nga ni Aljur ang balitang naaksidente ang kaibigan.

"Nagulantang nga kami, e! Hindi namin ini-expect na mangyayari, kasi si Joseph, si Joseph sobrang bait niyan, sobrang... tahimik lang yan, tahimik lang yan at jolly.

"Kaya nung nagkaroon ng fund-raising para sa kanya, talagang hindi na ako nagdalawang-isip, pumunta na kami lahat ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko para sumuporta."

At ngayong nagpapagaling na lang sa therapy si Joseph ay may mensahe para dito si Aljur...

"Joseph, sobrang nagpapasalamat ako kay Lord at nakalabas ka na at napanood na kita at okay na okay ka na.

"Para ngang walang ipinagbago, e. Parang walang pinagbago!

"Sana one of these days magkita tayo at hang-out tayo ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN