Aljur Abrenica admits being intimidated by Amaya co-star Marian Rivera: "Kapag may eksena kami, hindi ako nakakahinga. Hindi ako nakakapag-relax."

IMAGE Rommel Gonzales

Aljur Abrenica on Amaya co-star Marian Rivera: "Minsan, hahawakan niya ako sa kamay, magugulat talaga ako. Naiilang, nai-intimidate ako sa kanya... Bihirang mangyari sa akin 'to, ha! Pero sa kanya, nai-intimidate ako kasi, sobrang ganda niya. At saka, stunning. Sikat kasi, reyna nga ng primetime, GMA."


Para na ring gumawa ng isang buong teleserye si Aljur Abrenica kung pagbabasehan ang haba ng panahon na nakasama siya sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya.

Gumaganap si Aljur dito bilang isang mandirigma, si Dayaw.

May dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula nang pumasok siya sa Amaya, na nagsimulang umere noong May 30, 2011.

Isa si Aljur sa natuwa nang malamang na-extend ang kanilang programa hanggang sa January 2012.

Kuwento ni Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Tomas Morato, "Masaya ako sa Amaya kasi marami akong nakakatrabahong batikang aktor.

"Tapos, nandiyan si Marian Rivera na isa sa...kumbaga, itinuturing nating reyna ng primetime.

"Kaya isang malaking karangalan na makatrabaho siya, lalung-lalo na sa direktor namin na si Direk Mac Alejandre."

TEAM UP WITH MARIAN. Ito rin ang unang pagkakataon na naging love interest ni Aljur si Marian sa isang proyekto.

Hindi itinanggi ng young actor na noong una ay nailang siya sa bida ng Amaya.

Ayon kay Aljur, "Kami ni Marian, marami na kaming trabahong pinagsamahan.

"Mula sa Dyesebel, tapos Temptation Island.

"Ang bago lang sa amin, nagkaroon ako ng love interest sa kanya.

"At first, nai-intimidate ako sa kanya.

"Kapag may eksena kami, hindi ako nakakahinga. Hindi ako nakakapag-relax.

"Pero si Marian, sobrang suportado ako niyan.

"Kahit sa Temptation Island, sinusuportahan niya ako.

"Palagi niya akong gina-guide kahit sa Amaya."

Kuwento pa niya, "Ipinapaintindi niya sa akin ang mga hindi ko maintindihan. Pati sa eksena mismo.

"Minsan, may love interest...parang hindi nakikita sa akin, kasi nauuna hiya ko.

"Siya na ang nagsasabi na, 'Hawakan mo ako sa kamay.'

"Minsan, hahawakan niya ako sa kamay, magugulat talaga ako.

"Naiilang, nai-intimidate ako sa kanya... Bihirang mangyari sa akin 'to, ha!

"Pero sa kanya, nai-intimidate ako kasi, sobrang ganda niya. At saka, stunning.

"Sikat kasi, reyna nga ng primetime, GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ba, nawala na ang ilang niya kay Marian?

"As compared noon, masasabi kong oo," sagot ni Aljur.

Paliwanag niya, "It takes time naman para maging kumportable ako sa kanya.

"And isang malaking break sa akin na makapasok sa Amaya, sa number one show ng GMA-7 at, yun nga, makasama siya. "

DEFENDING MARIAN. Ipinagtanggol din ni Aljur si Marian sa mga negatibong isyu na ibinabato sa aktres.

Ayon kay Aljur, "Lahat ng negative para sa akin na sinasabi sa kanya, hindi totoo.

"Siyempre, natural naman yun, lumalabas ang mga yun, nasa showbiz tayo.

"Pero it takes time and effort para makilala mo ang isang tao, di ba?

"Ako, nakilala ko na rin si Marian sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi siya yun.

"Sa totoo lang, kapag nakilala n'yo si Marian, mas hahangaan n'yo siya."

Looking forward ba siya na makatrabahong muli si Marian?

"Oo!"mabilis niyang sagot.

"Isang malaking karangalan na makasama ko siyang muli sa any job, project or character, okay na okay po."

MACHETE MEETS MACHETE. Naaliw naman kami sa kuwento ni Aljur na nakita niya sa Amaya ang isa sa mga gumanap ng Machete—si Gardo Versoza.

Matatandaang si Gardo ang pangalawang gumanap bilang Machete, pagkatapos ni Cesar Montano.

Si Aljur naman ang gumanap sa TV remake nito na ipinalabas sa GMA-7 early this year.

Ngayon ay magkasama sila sa Amaya, kung saan gumanap si Gardo bilang Rajah Mangubat.

Bagamat patay na ang karakter ni Gardo sa Amaya, muli siyang bumalik para mag-taping ng isang mahalagang eksena.

Kuwento ni Aljur sa PEP, "Yun ang bago. Nagkita kami ni Gardo, tapos nagpa-picture kami. Ang saya!

"Pero wala kaming eksena together. Nagkasama lang kami sa taping.

"Nakakatuwa lang kasi parehas kami ng request. Naunahan niya lang ako.

"Ire-request ko sana sa mga kasama ko, 'Pare, magpa-picture tayo kay Machete.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inunahan na niya ako, sabi niya, 'Cabalen, baka puwedeng magpa-picture tayo?'

"Sabi ko, 'Naku, Sir, naunahan n'yo lang po ako, magpapa-picture din ako, e.'

"Talagang nagbihis pa kami ng Amaya costume.

"Talagang ako, gumising ako, mga two minutes lang, nakabihis na ako."

Hirit pa raw ni Gardo sa kanya, "Isa na lang, kumpleto na tayo."

Si Cesar Montano ang tinutukoy ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN