Enchong Dee refuses to reveal identity of his "inspiration"

IMAGE Noel Orsal

"Pero habang lumalaki ako, lumalakas talaga yung pagka-kuripot ko," nadulas na paliwanag ni Enchong tungkol sa kung bakit wala itong bad habits.


Sa isang press conference na dinaluhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Sabado, October 22, sa 55 Events Place sa may Scout Rallos, dumalo ang brand ambassador ng Nutrilite na si Enchong Dee.

Si Ernest Lorenzo Velasquez Dee, o mas kilala bilang Enchong Dee, ay kilala bilang isang magaling na aktor, sa ilalim ng Star Magic management ng ABS-CBN at siya rin ay kilala bilang isang modelo at magaling na swimmer.

Sa healthy lifestyle ng young hunk actor, napili ito bilang ambassador ng Nutrilite na Double X.

Tinanong si Enchong kung paano niya napapanatili ang kanyang healthy lifestyle at kung paano rin nakaka-iwas sa mga masasamang bisyo (i.e. smoking, drinking, and the like).

"Ahm...part talaga siya ng pagiging swimmer ko before, yung training ko," paliwanag agad ni Enchong na pinagpatuloy ang kanyang swimming career noong pumasok ito sa De La Salle Univesity in Manila.

Naging bahagi rin si Enchong ng Philippine national swimming team at lumahok sa SEA Games at 2006 Asian Games.

Nagpatuloy na nagpaliwanag si Enchong at sa 'di sinasadyang pagkakataon, nadulas ito at umaming, "Pero habang lumalaki ako, lumalakas talaga yung pagka-kuripot ko," sabay tawa ng mga taga-press.

Aniya, "Hindi, hindi, kasi ganito 'yan, imagine, if you're going to smoke, everyday, one pack, how much is that, yung isang pack, 'di ba?

"Imbes na gumagastos ka do'n, bibili ka na lang ng Nutrilite, healthy ka pa."

LOVE LIFE?. Sa 'di sinasadyang pagbanggit ni Enchong Dee sa pagiging kuripot niya, natanong tuloy ng press kung ito din daw ba ang dahilan kung bakit wala pa rin daw ba itong girlfriend.

"Hindi naman po sa gano'n," mabilis na tugon ni Luis Fernando (karakter ni Enchong sa Maria La Del Barrio).

"I don't think it's like that, because I think here [in love] is quite a progress."

Ayaw mo lang daw mang-libre kaya wala ka pa ring love life hanggang ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po, hindi po," ngumingising pagtanggi ni Enchong.

So may girlfriend ka na?

"Hindi naman, wala po," sambit ng dating host sa dating youth-oriented show ng ABS-CBN na Shoutout.

Biglang masayang ibinalita nito, "Inspiration, I think masasabi ko na inspiration."

Sino 'yon? Sino 'yong inspiration mo?

"Itago na lang muna po natin," batid agad ng aktor.

Biglang pabiro nito, "Huwag po muna nating banggitin, sa ibang presscon na lang po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN