Enchong Dee prefers to earn respect more than admiration

IMAGE Noel Orsal

"Bilang isang artista, ginagawa mo ang trabaho mo. Ipinapakita mo ang best mo. Isine-share mo yung kalahati ng pagkatao mo. So, respect lang," says Enchong Dee when asked what else he wants as an actor and achiever.


Si Enchong Dee ang makabagong Luis Fernando dahil sa local remake ng Mexican telenovela na Maria la del Barrio na pinagbidahan ni Thalia.

Sa The Buzz noong Linggo, August 7, live na na-interview ni Charlene Gonzalez sa segment nito na "Straight From The Heart" ang Kapamilya young actor.

Ilan sa mga taong malalapit kay Enchong ay bumati sa kanya sa VTR, including his swimming coach and his brother AJ Dee.

Ayon kay Enchong, parang nahiya raw siya.

"E, kasi parang lahat na lang sinabi nila. At saka, parang nahihiya ako kasi, di ba, you have this other side na hindi mo naman ipinapakita?"

Charlene asked Enchong kung ano raw ang hindi pa alam ng tao sa kanya.

"That I'm very normal. I'm very human being. May mga days na, sorry to tell you, pero may mga days na, di ba, tinatamad tayo?

"Nasa bahay lang tayo nagku-computer. Hindi ka naliligo nang buong araw.

"Yung mga ganoong bagay na parang you get to show the people na hindi porke't nandito ka sa estadong ito, e, extraordinary na kami.

"At saka, ano, wala, ganito lang ako," sabi niya.

THE ACHIEVER. Sabi nga ni Charlene, one thing she likes about Enchong is his being an achiever.

Sa school, sports at maging sa pag-aartista nito, Enchong managed to be on top.

At after ngang maka-graduate ni Enchong ng college, nag-enroll siyang muli to take up his master's degree.

"Yeah, kasi gustung-gusto ko talagang mag-stay sa school.

"Sabi ko nga, if probably I am not doing what I am doing now, I'm probably a teacher. Kasi, gusto ko yung environment ng school.

"Kailangan ko lang talaga siyang i-stop [masteral course] because of the schedules.

"Once you have a low grade, hindi mo na siya mababawi. Yun na talaga siya."

MR. POLITICIAN. Pangarap niya rin before ang maging politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like what I'm saying, mahirap ang mundo ng pulitika.

"Sabi ko nga, that my purpose in entering politics is to help other people.

"Baka naman puwede kang makatulong sa ibang tao na hindi ka pumapasok ng pulitika, di ba? E, di mas maganda."

Sa lahat ng hard work na ginagawa ni Enchong sa buhay niya, sino ba ang nagiging inspiration niya to be the best?

"Well, honestly, of course, family. Para sa kanila naman 'to.

"Plus before entering showbiz, sinabi ko na kailangan kong mag-spend ng oras dito at mababawasan ang panahon ko sa swimming.

"And sabi ko sa sarili ko, once na pumili ako sa dalawang ito, sisiguraduhin ko na hindi ako magsisisi sa pipiliin ko.

"And I'm gonna work hard on it."

CHARITABLE HEART. On the other hand, mula sa Boys Town, binigyan si Enchong ng plaque of recognition. Mula raw kasi noong mag-taping si Enchong ng Your Song sa naturang lugar, naging tuluy-tuloy na ang pagtulong ng young actor sa institusyon.

"Tulad nga ng theme song ng Maria la del Barrio, 'Tuloy-tuloy ang pangarap," sambit niya.

"I just wanna say na ipagpatuloy n'yo lang kung ano ang pinapangarap n'yo. At isipin n'yo lang kung paano ninyo maa-achieve ito.

"One day, alam ko na maabot n'yo yun at babalik ako riyan."

HIS INSPIRATION. Naniniwala ba si Enchong sa love at first sight or love grows through time?

"Love grows through time," ang mabilis na sagot ni Enchong.

Sa loveteam nila ni Erich Gonzales, was there ever a time ba na na-in love siya sa dalaga?

"Noong pasimula pa lang kami. Noong sinabi na makaka-partner mo si Erich. Ganoon, 'Uy' [kinilig ako]," nakangiti niyang sabi.

Alam ba ni Erich 'yun?

"Oo," nakangiti siyang sagot.

Bakit di niya itinuloy?

"Kasi mahirap. Lalung-lalo na ako, makikita mo sa akin. Di ba, nakasalubong mo ako sa stairs, nakangiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabilis akong mahalata ng tao kung masaya ako [o] may problema ko. Ganoon, hindi ko naitatago.

"So, kung nagtatrabaho kami at may problema kami, mahirap yun kahit sabihin mong umaarte kayo. Mahirap kung may problema kayo."

At dahil nabanggit nga ni Enchong ang pagkikita nila sa stairs, naikuwento na ni Charlene ang pangyayaring sinabihan daw niya na mukhang inspired ang binata.

Ang sagot naman daw ni Enchong, "Yes, for the first time."

"Bakit ko nga ba na-brought up pa," comment pa ng ka-loveteam ni Erich.

Sino ba ang tinutukoy ni Enchong that time?

"Nakalimutan ko na, matagal na kasi yun. Dapat ngayon [ang pag-usapan]."

At the moment, inspired ba siya?

"Inspired? Of course. Of course."

With something or someone?

"Both... something of course [itong ] project."

Yung someone?

"Family of course and some other people."

RESPECT ME. Sa lahat ng nangyayari sa buhay niya, what else does his heart ask for?

"Siguro I always ask respect from people. You don't have to admire me.

"Hindi mo naman ako kailangang magustuhan. Kailangan ko lang ng respeto ng isang tao.

"Bilang isang artista, ginagawa mo ang trabaho mo. Ipinapakita mo ang best mo. Isine-share mo yung kalahati ng pagkatao mo.

"So, respect lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN