Aaron Villaflor admits he ignored Erich Gonzales when they were both finalists in a star search: "May girlfriend kasi ako nung time na yun."

IMAGE Nica Tomines

Is Aaron Villaflor ready to bare his body for a role?

"Yes naman! It's time na rin. I just turned 21 last July 5. Going to adulthood na tayo... Willing naman ako, paghahandaan natin yan. Kaya kami sa set [ng Maria La Del Barrio] talaga, nakalimit yung rice namin. Minsan, hindi na kami kumakain ng kanin para lang maging fit. Kasi yun ang goal namin, lalo na sa teleseryeng ito," he says.


Isa sa mga rebelasyong nagpamula sa mukha at nagpa-concious kay Aaron Villaflor sa nakaraang presscon ng bagong serye ng ABS-CBN 2, ang Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Maria La Del Barrio, ay ang pahayag ng lead actress na si Erich Gonzales na hindi siya pinapansin ng aktor noon.

Ang tinutukoy ni Erich ay noong magkasama pa lang sila sa Star Circle Quest bilang finalists.

Nabanggit kasi sa presscon ni Aaron na apat na taon na siyang walang girlfriend. Natukso si Aaron kay Erich na wala ring boyfriend sa kasalukuyan.

Ibinuko naman ni Jake Roxas, na kasama rin sa cast, na namangha si Aaron sa ganda ni Erich nang makita niya ito sa kabilang dressing room.

Nang marinig ito ni Erich, tinukso niya ang aktor at sinabing hindi siya nito pinapansin noon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aaron, pinatotohanan niya na hindi talaga niya pinapansin si Erich noong magkasama pa sila sa SCQ.

"To be honest, may girlfriend kasi ako nung time na yun, SCQ days," simula niyang kuwento.

"Everytime na kinakausap ako ni Erich — naguusap kami pero yung atensyon ko sa kanya parang nawawala dahil may girlfriend ako noon.

"Pero hindi natin alam," ang tinutukoy nito ay ang posibilidad na ligawan niya ang young actress.

Kung pagbabasehan ang takbo ng friendship nina Aaron at Erich, masasabi ng aktor na mas malapit sila sa isa't-isa ngayon dahil na rin sa madalas nilang pagkikita sa taping ng Maria La Del Barrio na pinagbibidahan rin ni Enchong Dee.

"Actually, mas close kami ngayon. Kasi nga sobrang tagal na nung panahong nagkasama sa SCQ. Pero ngayon mas nagkakausap kami, nagkakamustahan kami. Kumbaga, yung communication namin madalas," paliwanag niya.

Nataranta rin raw si Aaron sa rebelasyon ni Erich dahil sa harap-harapan nitong rebelasyon tungkol sa pambabalewala nito sa kanya.

Aniya, nalaman tuloy nang lahat na parang hindi siya interesado sa aktres noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba kasi talaga noon e. Siyempre, naka-focus ako sa girlfriend ko. Pero ngayon, mas may time na ako," saad niya.

Walang maibigay na kumpirmasyon si Aaron kung kailan niya isusulong ang panliligaw niya kay Erich, ngayong nagkakausap na silang dalawa.

"Hindi natin masabi," alinlangan niyang pahayag. "Depende kasi sa kung anong mangyayari. Pero maari. Kasi mas nagkakausap na kami ngayon. Mas may time na kami para sa isa't-isa."

Aminadong nagagandahan si Aaron kay Erich ngayon pero hindi raw siya nanghinayang at dinedma niya ito noon.

"Hindi naman ako nanghinayang. Kasi noong time na yun, masaya naman ako. Masaya rin siya. Siguro, naging harang lang yung may girlfriend ako before. Kumbaga, yung pag-uusap namin hindi kami naging close," paliwanag niya.

Gusto muna ni Aaron na maghinay-hinay sa anumang interes niya kay Erich. Isa rin raw kasi sa ikinatatakot niya kung liligawan niya ang aktres ay baka mabasted siya nito.

"Yun din. Yun din isang rason," pag-amin niya. "Nagi-enjoy kami na magkaibigan kami ngayon. Kasi nagsasabihan kami ng problema e. Hindi tulad dati.

"Mas naging close kami sa isa't-isa," lahad niya.

Maaaring umalma ang mga fans ng loveteam nina Enchong at Erich kapag pinormahan ni Aaron si Erich. Sigurado kasing mapag-uusapan ito bagay na posibleng tutulan ng mga supporters ng dalawa lalo't magiging threat ito sa magandang estado ng team-up nina Erich at Enchong.

"Hindi naman. Wala naman akong intensyon na masama kina Erich at Enchong," paglilinaw niya. "Actually, friend ko si Enchong at two days ago, lumabas kaming magbabarkada. So, okey po kaming lahat."

Hindi man taktika, pero natutuwa si Aaron na nakakapag-usap sila nang husto ni Erich ngayon.

"Magandang simula ito para mabuong muli yung pagkakaibigan namin. Masasabi kong nabuo na dahil nakakapag-usap na kaming dalawa. Nakakapagsabihan na kami ng problema. Nagkakamustahan kami. Kumbaga, naging open na kami sa isa't-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas nagugustuhan ko siya ngayon. Dati kasi yung atensyon ko nasa girlfriend ko. Bata pa kami. Okey kaming magkaibigan ngayon."

Samantala, inaasahang hindi lang si Enchong ang magpapakita ng kanyang magandang katawan sa kanilang serye. Malamang na i-require ng production na magpakita rin ng kanyang kamachohan si Aaron. Handa na ba siyang sumabak sa ganito?

"Yes naman! It's time na rin. I just turned 21 last July 5. Going to adulthood na tayo.

"Willing naman ako, paghahandaan natin yan. Kaya kami sa set talaga, nakalimit yung rice namin. Minsan, hindi na kami kumakain ng kanin para lang maging fit. Kasi yun ang goal namin lalo na sa teleseryeng ito.

"Ang pangit kasi na ang taba-taba mo. Siyempre, mako-concious ka sa katawan mo dahil yung mga kasama mo, ang gaganda ng katawan, tapos yung katawan mo hindi pormado."

Handa na rin raw si Aaron sa anumang planong paglulunsad sa kanya ng ABS-CBN 2 para maihilera sa kategorya ng mga young leading men gaya ni Enchong.

"Yes, I'm ready!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN