Dingdong Dantes says acting recognition is not his first priority in taking a role

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on him and Marian Rivera working on separate projects: " I know that she also grows as an individual without me around. And I'm always here to watch her and see her grow as an artist.So, I'm proud of her."


Kahit tapos na ang performance ni Dingdong Dantes sa concert ni Janno Gibbs, ang Janno Gives, sa Music Museum noong Sabado ng gabi, October 15, hindi pa rin siya umalis at hinintay talaga niyang matapos ang concert.

Masaya at very proud ang matinee idol dahil ang kanyang Yes Pinoy Foundation ang naging beneficiary ng naturang concert ni Janno.

"Thank you talaga dahil sa dami-rami ng pwedeng mapili, e, ang Yes Pinoy Foundation ang napili ni Janno para pagkalooban.

"At the same time, enjoy rin ako. I'm a big fan and kasama rin ako sa concert.

"At the same time, maraming pupuntahan ang concert na ito," sabi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage.

"Magkapatid" sa PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansigan sina Dingdong at Janno.

Bukod kay Dingdong, isa rin sa guest sa concert ang girlfriend niyang si Marian Rivera.

Biniro nga ni Janno si Marian on stage na kaya raw siguro siya pumayag na mag-guest sa concert niya ay dahil kay Dingdong.

Pero ayon kay Dingdong, "A, hindi, siyempre, call na yun nila at ni Kuya Janno kung ano ang sa tingin niya ay magpapaganda sa show na yun, e, yun talaga ang makikita nila."

SEGUNDA MANO. Sa ngayon, ang pelikulang Segunda Mano ang isa sa pinagkakaabalahan ni Dingdong.

Excited na rin daw siyang matapos ang shooting ng movie nilang ito ni Kris Aquino.

"Medyo marami na rin ang nasu-shoot namin kaya excited na rin akong matapos. Although, marami pa rin shooting days."

Ayon pa kay Dingdong, more than the effects, ang istorya raw ang mas nakakatakot.

Kakaibang Dingdong daw ang character na ginagampanan niya rito.

May nagsasabi pa nga na posible siyang mapansin ng mga award-giving body base sa mga pahayag ng nakakaalam na ng kuwento ng pelikula.

Pero ayon sa actor, "A, wala... never ko namang iniisip ang mga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That would come last. Never siyang nagiging unang priority.

"Kung darating, darating. Pero wala naman po akong hinahangad na ganoon."

Pero totoo bang first time niyang gumawa ng ganoong klaseng role?

"Well, yes, especially in the movie," sagot niya.

WORKING WITH KAPAMILYA STARS. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang working relationship nila ni Kris, lalo pa nga't first time nilang magkasama.

"Nakaka-ilang shooting days pa lang din kaming magkasama but, so far, ang ganda ng experience.

"I'm sure, mas marami pang magagandang mangyayari. And I'm looking forward talaga sa kalalabasan niya."

Nag-shoot na rin daw si Dingdong na si Angelica Panganiban naman ang kasama niya.

Kung tutuusin nga, pawang Kapamilya stars ang kasama niya ngayon sa movie.

How was it working with them?

"Very professional," sambit ni Dingdong.

"Si Angelica, sobra rin galing.

"Sobrang galing din ng kumbinasyon naming tatlo together with the other members of the cast na magpapaganda lalo ng istorya."

DINGDONG VS MARIAN? Isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival this year ang Segunda Mano.

Kasali rin sa entries ngayong taon ang Panday 2, kung saan isa sa mga artista si Marian Rivera.

Nang biruin namin na magkakumpitensiya pala sila ni Marian sa MMFF, nakangiting sinabi ni Dingdong na, "Oo nga, pero okay lang yun. Nagsusuportahan naman kami."

SUNDO. Samantala, ngayong linggong ito ay posibleng simulan na rin ang taping ng bagong primetime series ni Dingdong sa GMA-7, ang Sundo. Gaganap siya rito bilang Angel of Death.

Kapansin-pansin din ang mas magandang pangangatawan niya ngayon. Ayon kay Dingdong, bahagi raw ito ng preparasyon niya para sa Sundo.

"Siyempre lahat ng role, kailangan paghandaan.

"Pero siguro mas maganda kung panoorin na lang nila at ayoko nang magbigay ng anumang mga preamble."

Masaya naman si Dingdong na okay at wala namang problema sa pagitan ng girlfriend niyang si Marian at ng magiging leading lady niyang muli na si Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Alam ko naman yun since the start naman. So, okay na yun.

"At kahit naman dati na may trabaho kami ni Rhian, wala namang intriga.

"Very professional at dedicated lang talaga kami sa trabaho namin.

"And coming from a positive tandem naman sa Stairway [To Heaven], I'm looking forward to a more pretty and promising project."

DONG-YAN TANDEM. Dahil may kanya-kanya silang projects ngayon, marami sa kanilang mga tagahanga ang nakaka-miss na magkasama silang muli nina Dingdong at Marian sa isang proyekto.

Wala pa bang plano ng muli nilang pagsasama?

"Well, ako po, miss na miss ko rin yun. Pero siyempre, hindi rin kami makapagdesisyon niyan.

"We're just waiting for the right timing.

"Ako naman, as long as ginagawa namin pareho ang gusto naming gawin, okay sa akin yun."

Ano naman ang nakikita niyang difference sa relationship nila ni Marian ngayong hindi sila magkasama sa anumang project, hindi tulad noon na, on and off-cam, ay silang dalawa ang palaging magkasama?

"Siyempre, nakaka-miss na makasama siya sa set.

"But I know that she also grows as an individual without me around.

"And I'm always here to watch her and see her grow as an artist.

"So, I'm proud of her," pahayag ni Dingdong.

In a way, nakakatulong din daw na nami-miss nila ang isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN