Segunda Mano director Joyce Bernal describes Kris Aquino as "laging handa" on the set

IMAGE Noel Orsal

Bb. Joyce Bernal is directing the first movie project of Kris Aquino and Dingdong Dantes, Segunda Mano.


Sa imbitasyon ng isang kaibigan, napadalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Spoon ni Ms. Janice de Belen sa Net 25.

Tiyempo namang guest sa naturang taping ang direktor na si Joyce Bernal, na malugod kaming pinaunlakan para sa isang interbyu.

Ang unang pinag-usapan ay ang upcoming entry niya sa Metro Manila Film Festival, ang Segunda Mano, na itinatampok sina Kris Aquino at Dingdong Dantes.

Isang malaking karangalan daw para sa kanya na siya ang napili nina Kris at Dong na mag-direk ng kanilang unang tambalan.

Sakto lang daw ito sa gusto niyang makagawa ng isang pelikula na magiging entry sa Metro Manila Film Festival.

"Inisip ko rin na kasi, hindi ako nagpi-film festival so inisip ko rin dati na mag-festival kaya ako na movie, ano kayang maganda, kasi usually pinaghahandaan mo 'yan, e."

Muntik nang hindi ito natuloy dahil may isa pa siyang project na pinagkaka-abalahan.

Ang kanyang kuwento, "Ay, gagawa ako nang ganitong script para sa festival ganun, ganun, e...Ako wala akong ganung inisip hanggang sa actually, ako talaga yung gusto nila and then, sabi ko, 'Ako, may Kimmy Dora ako,' so tumanggi ako sa kanila.

"Nung na-postpone yung Kimmy Dora, so, sabi ko, 'Sige, okey na ako.' 'Tapos bumalik yung Kimmy Dora ulit right after [nung tinanngap ko ang Segunda Mano], so naka depende yung Kimmy Dora dun sa schedule ng Segunda Mano. 'Pag natapos ko na 'to saka palang ako puwede mag-Kimmy Dora."

WORKING WITH KRIS. Maraming "first time" daw si direk sa pelikulang ito.

First time niyang makatrabaho ang bunsong kapatid ni PNoy, at napabilib daw ito sa professionalism nito.

Aniya, "Si Kris, nagulat nga ako, wala akong kaproble-problema sa kanya, laging handa, always ready, kung minsan nagpapa-late call kami sa kanya, 'tapos sabi niya, 'Ay, hindi papunta na ako diyan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba nakaka-pressure na ang aga-aga niya pumunta kahit wala pa namang kukunang eksena sa kanya."

Biniro namin si direk kung nakaramdam ba siya ng takot na isang Kris Aquino ang kanyang ididirek?

Ang kanyang sagot: "Di naman. Hmmm, actually yun yung gusto kong i-maintain—yung hindi ako takot sa kanya. Kasi ayokong matakot, kasi kung hindi, mati-takeover niya yung mga gusto kong mangyari sa set. So, kailangang hindi ako matakot.

"E, epal naman talaga ako, e, as a person," sabay halakhak niya nang napakalutong.

Aminado siyang nakakaramdam ng pressure dahil ang bida sa pelikula ay kilala sa larangan ng horror genre.

Ani direk Joyce, "Oo nga, e, yun yung pressure dun kasi alam mo na nga yung kalidad niya, e. Alam mo na yung kaya niyang ilabas sa pelikula, so sana umabot man lang kami dun sa expectations niya."

BRINGING OUT MORE FROM DINGDONG. First movie rin niya ito with the Kapuso actor. Nakatrabaho na niya ito sa mga television series gaya ng Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

"Pinag-aaralan ko talaga yung mga kayang ibigay pa ni Dingdong, kaya pinag-aaralan ko talaga.

"Silang dalawa kasi kung minsan, parang okay naman, kaya after dito pupunta ako sa Roadrunner [post-production company], papanuorin ko yung mga nagawa namin.

"Apat na eksena na yun, ha, at saka medyo may iyakan na, titingnan ko kung ano yung register nila sa malaking screen."

Natutuwa daw siya wala siyang problema sa mga main stars ng movie.

"Paagahan silang dalawa [ni Dingdong]. 'Tapos hindi natutulog, karamihan kasi ng mga artista...Ngayon lang ako nakakita nang mga artista na hindi puyat.

"Karamihan kasi sa mga artistang nakatrabaho ko, puyat, pagdating sa set, ayun, tulog sila."

Gusto rin niya na "alam nila ang mga gagawin nila, memorized na nila yung script."

FIRST HORROR FILM. Ito ang unang horror na ginawa ni direk Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kuwento niya, "Yung isa kasi, yung D' Anothers ni Vhong Navarro, horror comedy. So, wala masyadong...yung parang nag-e-establish ka ng mga nakakatakot na eksena."

Ano ba ang kuwento ng Segunda Mano?

"A, di ba, mahilig tayo sa mga second hand—second hand bags, things na mamahalin, antiques—mamahalin, pero yung mga bagay na 'yan ay pre-owned, may mga istorya na yan.

"May mga previous owner na 'yan, so may mga kuwento na 'yan, may mga sariling kuwento na sila.

"So ngayon, dahil binili mo sila or napunta sa 'yo nang hindi mo mini-mean na mapunta sayo, yung kuwento ng bagay na 'yun at tsaka yung kuwento mo ngayon mag-me-merge."

Maganda raw ang kuwento kaya hopeful si direk Joyce na magtagumpay ito sa film festival.

Dugtong niya, "Sana kumita kami, alam ko naman na malalaki yung mga ano [ibang entries], at subok na yung iba na talagang kumikita. Sana lang kumita kami at hindi malugi, at merong bonus, charing!

"At sa awards night, mananalo kami ng mga awards, pero mga editing editing lang, huwag naman yung mga major awards, hahaha."

OTHER PROJECTS. Bago nagwakas ang panayam, nag-update si direk tungkol sa kanyang mga projects.

Una na rito ang Kimmy Dora, na naging box office hit noong 2009.

"Iniintay namin yung script, natagalan yung script, and then, yun nga, yung dapat na magsu-shooting na kami, yun nga yung schedule ng mga tao.

"Remember si Uge, nagsunud-sunod siya, hindi na kami magtagpo ng schedule.

'Tapos, okey na ngayon, meron na kaming script, si Uge hinihintay na lang niyang matapos yung series niya sa TV5, so mukhang sabay-sabay kaming matapos at magtatagpo na ang schedule namin."

Samantala, napapabalita ring pagkatapos ng kauna-unahang teleserye ng TV5, ang Babaeng Hampaslupa, kung saan siya ang director, ay inalok naman siyang gawin ang P.S. I Love You pero tinanggihan daw niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng direktor, "Kaya tinanggihan ko yung P.S. I Love You ng TV5 dahil dalawa ang pelikula ko.

"Pero sabi ko sa kanila na okay lang naman na mag-pilot lang ako, ganun. Kaya lang, hindi pa rin umubra kasi nakadepende sila sa schedule ng pelikula ko, at siyempre may mga artista kang kausap 'di ba, kaya mahirap talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN