Dingdong Dantes on not entering politics: "I think I am already helping enough or as much. So, para sa akin, that's it."

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Dingdong Dantes returns to the turf of ABS-CBN for a live interview with Boy Abunda in the late-night news program Bandila. Dingdong's appearance on the show is part of the promo for his movie with Kris Aquino, Segunda Mano, which is co-produced by Star Cinema.


Tinupad ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang inanunsiyo nila ng Kapamilya actress-TV host na si Kris Aquino, sa presscon ng pelikula nilang Segunda Mano, na magpapalitan sila ng TV stations para sa promosyon ng naturang pelikula.

Ang Segunda Mano ay entry ng Star Cinema, Agosto Dos Pictures, at MJM Productions sa Metro Manila Film Festival 2011.

Si Kris ay magge-guest sa TV shows ng GMA-7 habang si Dingdong naman sa ABS-CBN shows.

Una ngang binisita ni Dingdong ang late-night news program ng Kapamilya network, ang Bandila, kung saan in-interview siya ni Boy Abunda para sa "Ikaw Na" segment.

Napanood ang live interview ni Dingdong kagabi, Disyembre 14.

KAPUSO IN KAPAMILYA TERRITORY. Malugod na winelcome ni Boy si Dingdong sa ABS-CBN at agad tinanong kung ano ang pakiramdam na nasa bakuran siya ng Kapamilya network.

"Wow, the last time I was here was years ago!

"The hallways are huge, parati akong naliligaw ngayon.

"Ang daming toll gates 'baga," biro ni Dingdong.

Ang sinasabing gates ni Dingdong ay ang mga gate sa ABS-CBN hallways na tulad sa MRT at LRT entrance/exit gates.

Binalikan ni Boy ang panahon ng pagsisimula ng showbiz career ni Dingdong noong nagsasayaw pa siya para sa dance group na Abztract Dancers.

During that time, did he ever think na mararating niya ang estado niya ngayon?

"Never, never ko pong naisip, e.

"Kasi kahit noong nandun ako, I was doing it more for fun.

"Hindi ko siya masyadong sineryoso.

"Pero dumating na lang, parang ganun," sabi ni Dingdong.

Noong 2008, napili si Dingdong ng E! Entertainment bilang isa sa 25 Sexiest Men in the World. How did that feel?

Natatawang sagot ni Dong, "Weird!

"Hanggang ngayon, hindi naman ako makapaniwala.

"But I mean, ang tagal na rin nun.

"So, whatever it's worth, I'm thankful, you know, there's a recognition like that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero para sa kanya, sino ang pinaka-sexy na babae?

"Well, alongside my mother is a woman named Marian Gracia," sagot ni Dingdong.

Ang tinutukoy ay walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

EVOLUTION AS AN ACTOR. Bakit ayaw niyang pumasok sa mundo ng pulitika samantalang siya'y napakaaktibo sa kanyang mga adbokasiya para sa kabataan?

"Kasi po, mas enjoy ko pong maging isang aktor talaga.

"And bilang isang aktor, nagagawa ko rin naman itong mga bagay na ito.

"And I think I am already helping enough or as much.

"So, para sa akin, that's it," paliwanag ni Dingdong.

Mula sa kanyang unang pelikula noong 1994, ang Shake Rattle and Roll V sa episode na "Anino," ngayon naman ay ginawa ni Dingdong ang Segunda Mano.

How much has he evolved as an actor?

"Malaking bagay sa evolution ko as an actor yung mga nakakasama ko.

"Kumbaga, most of who I am right now, I owe to them.

"Kasi dahil sa mga naituro nila sa akin, mga naibahagi.

"Lahat ng mga experiences na yun, e, it made me who I am right now.

"Ang dami ko pong nalaman tungkol sa kanila."

Ano ang maaasahan ng mga tao sa Segunda Mano?

"Grabe, many twists, many revelations.

"Bukod sa magugulat at matatakot sila, e, marami ring core values ng isang pamilya at siguro yung istorya behind acquiring second-hand items.

"Kumbaga, mas iisipin mo yung history behind that before actually getting it," saad ni Dingdong.

JUST FRIENDS WITH KRIS. Not so long ago, umikot ang usap-usapan na diumano'y meron silang espesyal na relasyon ni Kris Aquino.

Umabot ba ito kay Dingdong?

"Hindi," tugon ng Kapuso actor.

So, good friends lang sila?

"Yes, from the start."

Sa presscon ng Segunda Mano, naging vocal si Kris sa pagsasabing Dingdong delivered an excellent performance sa movie na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong dating sa kanya nito? Na-pressure ba siya?

"Oo, very much, sobra.

"Pero higit sa pressure, mas nananaig yung tuwa kasi, I mean, these words coming from her, e talagang... are truly inspiring.

"So, para sa akin, it really makes me want to do better sa aking susunod na gagawin.

"So, sobrang excited ako."

SECOND-HAND TALKS. Dahil nga Segunda Mano ang title ng pelikula nina Dingdong at Kris, tungkol sa second-hand, second chances, at iba pang may kaugnayan sa "second" ang sumunod na naging usapan ni Boy at ng Kapuso actor.

Favorite second-hand na binili?

"That would be a vintage car na binili ko sa auntie ko."

Kung ikaw ay may second chance na mabuhay, ano ang gusto mong baguhin?

"Baguhin? Siguro yung sana mas maaga akong naging mas seryoso sa craft ko."

Would you settle for second best? Yes or No?

"No."

Kung may isang tao ka na hihingan ng second chance, sino ito?

"A...parang wala, kasi lahat naman ng major decisions na nagawa ko, e, wala namang regrets."

Smart or pretty?

"Both."

Morena or mestisa?

"Mestisa."

Singer or actress?

"Actress."

Fight or flight?

"Fight."

Lights on or lights off?

"Lights on."

Boxers or briefs?

"Wala... hindi, boxers."

Sexiest part of your body?

"Hindi ko alam, mahirap 'yan.

"Siguro yung sinabi na lang sa akin, opinyon ng ibang tao. Yung shoulders."

Last day on earth, what are you doing and who are you with?

"Probably, on my farm by the porch watching my children play while having my favorite drink. Sunset, beside my wife."

Nang tanungin ni Boy kung ano ang pangalan ng wife, nagkatinginan na lang sila na parang nagkaunawaan pagkatapos ay sabay na tumawa nang malakas.

Hypothetical, ani Boy, ilalabas ko ang aking mahiwagang salamin, pero ang nakikita mo ay hindi ikaw. Ang nakikita mo ay si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sabi ni Marian, "Dong, kailan tayo magpapakasal?" Ano ang sagot mo?

"A... anong script ba 'yang binasa mo? I think that should be my line!" tumatawang sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN