Aquino sisters defend PNoy's attendance at PSG Christmas party amid flood relief efforts in Mindanao

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino on criticisms against President Noynoy Aquino (in photo): "Pero siguro hindi n'yo maiaalis sa amin na sabihin namin na it's not like he doesn't care. Give me a break, di ba? Siyempre, pangulo siya ng Pilipinas at mahal niya ang ating mga kababayan. So, siyempre, gagawin naman niya ang lahat. Sana huwag napakabilis ng batikos kasi napakaraming ahensiya ang nagtatrabaho na. It's just that a President is not like you or me na we can hop on a plane and go there, because


Dinipensahan ng Aquino sisters na sina Kris Aquino, Pinky Aquino-Abellada, at Ballsy Aquino-Cruz ang kanilang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino mula sa natatanggap nitong mga batikos kamakailan.

Ang pagdalo ni PNoy sa Christmas party ng Presidential Security Group (PSG), sa kabila ng matinding pananalanta ng bagyong Sendong sa Mindanao, ang siyang pinagmulan ng batikos.

Umabot na ang death toll mula sa mga kababayan natin sa mahigit isang libo.

Sa ABS-CBN morning show na Kris TV, na hino-host ni Kris, live guests sina Ballsy at Pinky kahapon, Disyembre 19, para pag-usapan ang Christmas traditions sa kanilang pamilya, gayundin ang projects na ginagawa nila para sa ating mga kababayan.

Nang mapunta ang usapin tungkol sa nangyaring trahedya sa Mindanao dahil nga sa bagyong Sendong, hindi na naiwasang ipagtanggol ng magkakapatid si PNoy.

Ayon kay Ballsy, plano talaga ni Pangulong Noynoy na bisitahin ang Cagayan de Oro, ang lugar na pinakasinalanta ng bagyo.

Aniya, "Talagang pinaplano na nga [ng Pangulo] na pumunta sa CDO. Alam mo kapag pangulo ka, hindi hora-horada ay gagawin mo yun, at saka titingnan lahat.

"Pero narinig ko na pinag-uusapan na ng PSG [Presidential Security Group] at PMS [Presidential Management Staff] kung ano ang gagawin."

Sa pinakahuling ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, Disyembre 20, dinalaw na ng Pangulo ang Cagayan de Oro at pumunta rin siya ng Iligan.

Dala ni PNoy ang iba't ibang tulong, kasama na rito ang rehabilitation plans para sa mga lugar na nasalanta.

Paliwanag pa ni Ballsy tungkol sa PSG Christmas party, "Ngayon, yun namang party ay matagal nang naka-schedule 'yon.

"Siyempre, may mga masasamang nangyayari at may malungkot, but then, life should go on.

"Hindi naman puwedeng huminto na lang ang buhay at magmukmok na lang tayo.

"That party was for the PSG, ang mga nag-aalaga sa Pangulo at sa kanyang pamilya. Tradisyon yun na talagang every year ay nagsasama-sama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi it's time to thank them for always being there. At saka alam naman nating lahat na ibinibigay nila ang buhay nila para mapangalagaan ang Pangulo.

"At talagang nasa Constitution na dapat mapangalagaan ang Pangulo. Kung di man sa Constitution, there's some law."

Ayon naman kay Pinky, inaayos muna ng Pangulo ang lahat bago siya tumungo sa mga nasalantang lugar.

Ayaw raw kasi nito na magkagulo sa isinasagawang rescue operations.

Sabi ni Pinky, "Pinaghahandaan niya ang pagdating niya, ayaw niyang makagulo nang ganoon.

"So as early as Saturday, alam na natin na Tuesday ilalatag nila lahat.

"Sana ay hindi siya makaabala doon sa government agencies na talagang working hard to save as many lives as possible."

Nagpaliwanag naman si Kris sa ginagawa nilang pagdepensa kay PNoy.

Saad ng TV host-actress, "I think hindi n'yo po maiaalis sa amin na gusto naming idepensa ang kapatid namin.

"The entire night, also Saturday, when we were together, he was constantly on the phone monitoring everything.

"I think today [December 19] ang pagpunta ko, although I'm going with ABS-CBN. I'm also representing him.

"I think in many cases talaga, the three of us [Aquino sisters] were able to do that. And also there are a lot of security concerns as well.

"Pero siguro hindi n'yo maiaalis sa amin na sabihin namin na it's not like he doesn't care. Give me a break, di ba?

"Siyempre, Pangulo siya ng Pilipinas at mahal niya ang ating mga kababayan. So, siyempre, gagawin naman niya ang lahat.

"Sana huwag napakabilis ng batikos, kasi napakaraming ahensiya ang nagtatrabaho na.

"It's just that a President is not like you or me, na we can hop on a plane and go there, because there are a lot of national concerns."

VALERIE'S TWEET. Nagsimula ang pambabatikos kay PNoy dahil sa tweet ng aktres na si Valerie Concepcion noong madaling-araw ng Disyembre 18:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Done w/ work.. Tnx for having me.. :) It was nice to see Pres. P-Noy laughing at my jokes & enjoying my performance..├╝ #Malaca├▒ang #PSGNight"

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi maganda ang naging reaksiyon ng mga nakabasa ng tweet na ito. Ang iba ay galit na galit. Inakusahan pa nilang "insensitive" si PNoy.

Ayon sa karamihan ng mga nagkomento, nagawa pa raw ng Pangulo na makipagsaya sa gitna ng pananalanta sa Mindanao ng bagyong Sendong.

Agad na binura ni Valerie ang kanyang tweet nang malaman niya ang naging resulta nito, at mabilis ding nagpaliwanag sa Twitter tungkol sa kontrobersiya.

Humingi rin ang aktres ng paumanhin kung may na-offend man daw siya.

Ngunit sa tingin ng mga nakabasa ng depensa niya, tanggapin man o hindi ang apology nito, matalino at malinaw ang paglalatag ng depensa ni Valerie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN