Part 1 Edgar Allan Guzman defends himself against "pasaway" and "matigas ang ulo" tags

IMAGE Monching Jaramillo

Edgar Allan Guzman on what is troubling him nowadays: "Meron po akong pinagdadaanang proseso para maayos yung buhay ko. Siguro po huwag na po muna nating pag-usapan yung tungkol doon, kasi ayoko rin pong makasakit ng mga tao kung puro salita lang ang sinasabi ko. Ako po, gagawin ko na lang po at papatunayan ko po sa lahat ng mga tao na kaya ko pong ayusin ang buhay ko. Siguro po sa next na pag-uusap natin, yung good news ko pong maihahatid sa inyo ay yung nakabalik na ako at nak


Hindi mawala-wala ang isyu ng diumano'y matigas ang ulo at pasaway na talent si Edgar Allan Guzman.

Nagsimula ang impression na ito noong isang taon nang mabalita ang pagsamâ ng loob ng manager niyang si Noel Ferrer dahil sa pagsisinungaling ng aktor.

Sa isang pagkatataon kasi ay sinabi ni Edgar na nasa bahay na siya at nagpapahinga. Pero may nagparating kay Noel na nakita raw ang aktor sa isang mall kasama ang kanyang girlfriend—ang Sexbomb member na si Johlan Veluz.

Dumagdag pa tuloy ang intrigang tila mas inuuna pa raw ni Edgar ang lovelife niya kaysa sa career at pamilya.

Marami kasi ang nanghihinayang kung mauuwi lang sa wala ang naging paghihirap nila ng manager niya.

Noong isang taon, napansing unti-unti nang umaangat ang career ni Edgar, lalo na noong manalo siya ng Best Actor sa Cinemalaya 2011, para sa pelikulang Ligo Na U, Lapit Na Me.

TALENT-MANAGER RELATIONSHIP. Binigyang-linaw naman ni Edgar ang mga isyu sa kanya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kinabibilangan niyang Star Cinema movie, ang Unofficially Yours.

(Ang pelikula ay pang-Valentine's at pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.)

Ginanap ang presscon kahapon, Pebrero 1, sa 9501 restaurant, sa loob ng ABS-CBN compound.

Kumusta na ba sila ng manager niyang si Noel Ferrer?

"Okay na po," sagot ni Edgar.

"Nagkausap na po kami last December, nagkaayos na po kami.

"Kumbaga, lahat naman ng sinasabi ni Sir Noel, sinusunod ko.

"Kaya ngayon po, focus po muna ako sa career ko, sa family ko.

"Mas pinagtutuunan ko po ngayon yung karera ko sa showbiz.

"Alam ko po yung mga dapat kong itama, yung mga maling nagawa ko po sa buhay."

Dagdag pa ng young actor, "Sabi ko nga, nakapag-usap na kami ni Sir Noel.

"Sinabi ko po sa kanya na meron po akong pinagdadaanang proseso para maayos yung buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po huwag na po muna nating pag-usapan yung tungkol doon, kasi ayoko rin pong makasakit ng mga tao kung puro salita lang ang sinasabi ko.

"Ako po, gagawin ko na lang po at papatunayan ko po sa lahat ng mga tao na kaya ko pong ayusin ang buhay ko.

"Siguro po sa next na pag-uusap natin, yung good news ko pong maihahatid sa inyo ay yung nakabalik na ako at nakasama na ang pamilya ko."

PASAWAY. Ano naman ang masasabi niya sa isyung matigas ang ulo niya at pasaway na talent daw siya?

"Wala na po yun.

"Hindi naman po siguro pasaway at matigas ang ulo. Nagkaroon lang po ng misunderstanding.

"Hindi naman po totally pasaway at matigas ang ulo.

"Ako po kasi, mahal ko po talaga ang trabaho ko.

"So, ako po ngayon, mas focus po ako.

"Sinabi ko kay Sir Noel na kung ano yung kailangan kong paghandaan ngayong 2012, mas magiging focus po ako," tuloy ni Edgar.

STILL IN A RELATIONSHIP WITH JOHLAN. Sa kabila ng pangako sa kanyang manager na mas pagtutuunan niya ang career, hindi naman tinapos ni Edgar ang relasyon niya kay Johlan.

"Opo, kami pa rin po," pag-amin niya.

"Nag-usap na rin po kami tungkol nga sa priorities ko sa buhay ngayong 2012. Yun nga, medyo lay low muna sa lovelife.

"Naiintindihan naman po niya at sinusuportahan niya po ako."

Nagpaliwanag din si Edgar tungkol sa bagong isyung nahuli raw ulit sila ni Johlan na magkasama sa Robinsons Mall.

"Ako po kasi, after ko pong mag-gym, naggo-grocery po ako ng pagkain ko para sa taping at shooting.

"Ano lang po yun, sandaling-sandali lang," paliwanag niya.

Ano ang reaksiyon niya na tila marami ang may ayaw sa relasyon nila ni Johlan?

"Tanggap ko naman po yun," sambit niya.

"Kumbaga, lahat naman po tayo, minsan may isang relasyon na maraming may ayaw, meron ding may gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ako, tanggap ko po yun. Siya [Johlan] rin po, tanggap niya rin po."

Ano naman ang masasabi niya na sa mga nagsasabing si Johlan ang sagabal sa pag-angat pa ng career niya?

Sagot ni Edgar, "Hindi naman po siguro.

"May mga nagsasabi ngang ganun. Pero, kumbaga, siguro nasa sarili ko rin yun kung paano ko dalhin ang sarili ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN