Mara Yokohama shares her number one plan this summer: “Surfing!”


Mara Yokohama happily shares: “My dream summer destination, well I haven’t been, siguro... Australia—gusto kong i-explore yung Great Barrier Reef.”


“Ahm… plans for this summer?

“Siyempre, surfing!

“Given na ‘yan with my dad,” excited na sagot ng Survivor Doubles Showdown castaway na si Mara Yokohama.

Nagkaroon ng magandang kuwentuhan tungkol sa summer ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasama ang anak ng beauty queen at actress na si Maria Isabel Lopez.

Patuloy ni Mara, “‘Tapos, I’m about to shoot a movie for Cinemalaya sa late April, so I’m gonna be busy working.

“Pero kapag may free time naman, kapag may long weekend or whatever—I have to go to the beach, then get a tan.

"Parang Survivor lang. So ‘yon lang yung basic plan ko.

“And I’m trying to go out of the country for my twentieth birthday sa May. Ayon.”

Saang country naman ‘yon?

“Baka Australia, ‘tapos New Zealand siguro. Kasi hindi pa ako nakakapunta do’n.

“Si Mommy naman magmo-Morocco ‘tsaka Spain.

"So ta-try ko na rin pumunta do’n,” natutuwang sabi ni Mara.

UNFORGETTABLE SUMMER. Siyempre, bawat summer vacation merong tumatatak talaga sa atin.

Kay Mara kaya, anong pinaka-unforgettable memory niya ng summer?

“My most unforgettable summer... I think the time we went to Hawaii.

“I’m in Hawaii kasi every year with my family.

“I think it’s unforgettable kasi it’s a really small island.

“‘Tapos puwede mong maikot yung buong island in four hours, can you believe that?

“In Honolulu, ha, yung main island ng Hawaii.

“And there were very nice beaches. I was able to do a lot of exploring, hiking, you know, a lot of sporty stuff.

“And, you know, kapag wala, kapag ‘tapos na mag-surf, pagtapos na mag-explore sa beach, maganda rin mag-shopping sa Hawaii.

“Ayon, beautiful place,” paglalarawan ng young surfer.

FAVORITE. Nagsimulang mag-surf si Mara sa edad na six dahil sa kanyang ama na si Hiroshi Yokohama na siyang nagtayo ng unang surfing school sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naging paborito na ng dalaga ang pumunta sa iba’t ibang beaches.

“Pag summer I’m always at the beach,” sambit niya.

“I like shopping for bikinis. I love surfing, and do a lot of water sports—scuba diving.

“'Pag walang alon, scuba diving, pag may alon surfing.

“‘Tapos I like exploring surf spots with my dad.

“I also like exploring places I haven’t been to, lalo na sa Philippines.

“Kung may time I want to explore Palawan.

"Kasi aside from Survivor hindi pa ako nakaka-visit ng Palawan."

DREAM SUMMER DESTINATION. Pero kahit marami nang napuntahan ang dalaga, tinanong namin kung meron pa rin siyang gustong puntahan.

“Dream summer destination? Hmmm… ang hirap.

“My dream summer destination, well, I haven’t been... siguro Australia, gusto kong i-explore yung Great Barrier Reef.

“Kasi I’m a scuba diver, e, and I think it’s one of the places that all scuba divers should see, yung Great Barrier Reef in Australia.

“And, siyempre, sa Australia may mga surf spot diyan and I’ve never been there.

“I’ve only been to Hawaii, to the States, Europe pero di pa ‘ko nakakapuntang Australia.

"So that would be a great place to visit I think,” ngiti niya.

Sino naman kaya ang gusto niyang isama sa kanyang dream summer destination?

“A, siyempre mom ko at si Arnold [Aninion].”

Nakasama ni Mara si Arnold Aninion bilang isang Survivor castaway rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN