Julie Ann San Jose considers Europe her ultimate summer getaway

IMAGE Noel Orsal


Julie Ann San Jose will serve her church this Holy Week rather than go out of town.


Wala raw planong mag-out-of-town ngayong Holy Week si Julie Ann San Jose, dahil may panata siyang magsilbi tuwing Siyete Palabras sa San Domingo Church.

Bukod pa, kailangan kasi niyang bumalik sa shooting ng launching movie nila ni Elmo Magalona, Just One Summer ng GMA Films.

Pero sabi nga namin kay Julie Ann, kung mabibigyan naman ng pagkakataon, ano ang gusto niyang gawin ngayong summer?

“Siguro po, mag-a-out-of-town po with the family.

"Kasi, hindi pa naman po sure kung ano ang mga schedules.

“Magsu-shoot pa rin po ng movie. Pero yun nga po, kung may chance talaga, I wanna spend my summer in Europe.”

Bakit sa Europe?

“Wala lang. Parang sobrang ganda lang po kasi ng continent na yun.”

Ano ang mga alaala niya sa mga nakaraang summer niya?

“Ganoon po, outing. Kung minsan, pupunta po kami ng province nila Mama sa Marinduque po. O kaya naman po sa Tagaytay, Batangas.

“Minsan naman po, nagba-bonding kami with relatives and some friends.”

Hindi masasabi ni Julie Anne na active summer person siya.

Sabi nga niya, “Minsan po kasi, may mga summer rin ako na nasa bahay lang ako.

“Nag-aaral din po ako. Nagbabasa ng mga libro. Yung mga usual na ginagawa ko.

“Nagpi-play ng piano, guitar, nagpa-practice ako ng drum.”

Pero kung siya ang masusunod ano ang gustung-gusto niyang gawin?

“Yun nga po yun, pupunta po akong talaga ng Europe!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN