(UPDATED) President Noynoy Aquino admits he and TV personality Grace Lee are "seeing each other"

IMAGE 0

Inamin na sa wakas ni Pangulong Noynoy Aquino na nagde-date sila ng GMA News personality na si Grace Lee. "We're seeing each other," ang naging maikling tugon ni PNoy nang tanungin siya kung totoong nagde-date sila ni Grace.


"Well, we're seeing each other."

Ito ang maikling pahayag ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kaugnay ng usap-usapang nagde-date sila ng TV personality na si Grace Lee.

Ginawa ni PNoy ang pag-amin sa isang press conference kaninang umaga, February 1.

Pero tumanggi nang magbigay ng anumang detalye si PNoy dahil, biro niya, may constitutional right daw siya to privacy.

Sa news program naman ng GMA News Channel 11 na Balitanghali kanina, tinanong si Grace ng co-anchor niyang si Raffy Tima kung ano ang reaksiyon niya sa pag-amin ni PNoy.

Nakangiti at tila nahihiyang sagot ni Grace: "What the President said is true."

Pero nang tanungin kung gaano katagal na silang nagde-date ng Pangulo, ngumiti uli si Grace at sinabing "Secret."

Pero sa panayam sa kanya ng 24 Oras, inamin ni Grace na "recently" lang sila nagsimulang lumabas ng Pangulo.

Aniya, "We've been dating for a short while. We're in the stage of getting to know each other."

Nakilala na rin daw ni Grace ang mga kapatid ni PNoy na sina Ballsy at Pinky at ang kanilang mga asawa.

Pero hindi pa raw niya nakikilala ang bunsong kapatid ni PNOy na si Kris Aquino.

THE DATE. Ang balita tungkol sa pagde-date ni PNoy at Grace ay nagsimula nang mag-post sa Twitter ang kaibigan ni Grace na si Mo Twister, na kasalukuyang nasa Amerika.

Ito ang tweet ni Mo noong January 26: "We are talking about Grace Lee's date last night with President Aquino. #itsmorefuninthephilippines."

Kinabukasan, January 27, ay may lumabas na report sa website ng Philippine Star, kunsaan nakasaad na si Grace ay "reportedly been telling her colleagues that Aquino, a 51-year-old bachelor, is her textmate, and that the President tries to visit her if he has time."

Mariin itong pinabulaanan ni Grace sa kanyang magkakasunod na tweets noon ding araw na 'yon:

"@PhilstarNews I never said we dated. Nor did I say we are text mates. Nor that he comes to visit me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"@PhilstarNews and I don't speak cebuano!!"

"@PhilstarNews one more thing, I'm 29, not 28... How can you guys publish an article on the front page with so much wrong information?"

Nagbigay rin ng pahayag si Grace sa Balitanghali, kunsaan isa siya sa anchors.

Ayon sa Korean TV personality, "'Wag po muna kayong maniwala sa lahat ng nababasa ninyo.

"Lalo na 'pag ang article na 'yon ay sinasabi na si Grace Lee ang nagsabi or according to her.

"Wala pa akong nire-release na statement and I have never spoken of him [PNoy] publicly yet."

Pero ipinapaubaya na ni Grace kay PNoy ang pagsagot sa balita tungkol sa kanilang dalawa.

Aniya, "You know, I have the highest respect for the President and I respect his privacy. I leave it up to him to speak on the matter...

"Best thing to do now ay abangan na lang nila [kung] ano ang sasabihin ni President," sabi niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Unang nagkakilala sina PNoy at Grace sa inagurasyon ng Korea Electric Power Corp. power plant sa Cebu, kunsaan nagsilbing co-host ang TV personality.

Sa kanyang speech, sinabi ni PNoy na: "Pati ang bisita nating si Miss Grace Lee, 'kala ko tuloy Pinay, e. Hindi nga pala, Korean.

"Pero pati yung mga Korean na dumarating, talagang guwapa lahat. Kailangan yatang buhayin ang MalacaƱang sa Sugbu. Baka dito na rin tayo magkatuluyan."

Ang "guwapa" ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay maganda.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naiugnay si PNoy sa isang babae magmula nang maluklok siya sa puwesto noong 2010.

Ilan sa mga na-link sa kanya ay ang celebrity stylist na si Liz Uy...

ang stockbroker na si Len Lopez...

si Bais City Mayor Karen Villanueva...

si Cebu Governor Gwendolyn Garcia...

ang aktres na si Iza Calzado...

at ang Singapore-based Channel News Asia reporter na si Sabrina Chua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dating girlfriend naman ni PNoy na si Shalani Soledad ay ikinasal nitong January 22 kay Pasig City Congressman Roman Romulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN