Grace Lee says she will no longer answer questions about PNoy: "Kasi I'm really trying to be as normal as possible."

IMAGE 0

Nuong nakaraang Miyerkules lang daw naikwento ni Grace Lee kay PNoy tungkol sa kanyang pag-resign sa radio program na Good Times sa Magic 89.9.

"Of course I have to inform him of certain changes in my career. Sinabi ko sa kanya kahapon to let him know. He just asked me why, and then I explained to him and he understands," says Grace.




Iniiwasan na ni Grace Lee na pag-usapan si Presidente Noynoy Aquino, ito ang sinabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang panayam nuong nakaraang Huwebes, ang huling araw niya sa radio program na Good Times sa Magic 89.9.

"No more questions about the President, kasi I'm really trying to be as normal as possible and the more you ask me about it, it isn't..."

Matagal nag-isip ang Korean radio/TV celebrity ngunit hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin.

Gayun pa man, sinundan ito ng media ng mga tanong at tukso na siya na raw ang First Lady, na kaagad niyang sinagot ng, "Let's not go there...no details, no details so that's all I'm gonna say about that."

Matipid din ang sagot niya sa pagtatagpo nila ni Kris Aquino dahil ayaw na raw niyang idetalye pa ito.

"We were introduced over dinner," pakli nito.

"Mabait siya at saka very interesting.

"She's such a wonderful person and she's so fun to talk to parang hindi kami nauubusan ng kuwento, 'cause magkatabi lang kami and kasama niya yung anak niya and of course he's [Bimby] so adorable also."

Hindi naman daw sasabihing naging close sila agad ng kontrobersyal na Presidential sister, pero mabait daw ito sa kanya.

"For me, it was parang...it was more than I expected [because] you know, she's Kris Aquino and all that, and I didn't expect her to be so candid with me...so open, mabait siya," dagdag na pahayag ni Grace.

Hanggang dun na lang ang puwedeng maisagot ni Grace tungkol sa pagkaka-link niya kay PNoy.

Inaasahan niyang pagkatapos niyang mag-resign sa radio program nila ni DJ Mo Twister ay medyo matatahimik na siya.

Muli niyang nilinaw na wala raw kinalaman sa pagkaka-link niya sa Presidente ang pag-resign niya sa Good Times.

Pero nuong nakaraang Miyerkules lang daw niya naikwento kay PNoy tungkol sa kanyang pag-resign sa naturang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course I have to inform him of certain changes in my career, sinabi ko sa kanya kahapon to let him know.

"He just asked me why, and then I explained to him and he understands," pahayag nito.

Kinlaro rin ni Grace na hindi rin daw rason yung isyu nila ni Angelicopter at pati na rin ang kay DJ Mo.

"Wala talagang catalyst ang aking pagri-resign dahil matagal ko nang pinag-iisipan to.

"It's difficult to resign from a show that's been a part of your life for four years, mahirap din so pinag-isipan ko talaga at hindi lang siya yung overnight decision.

"Napikon lang ako, kaya ako nag-resign? No!

"Or somebody came into my life, or something happened to me and someone that's why I'm resigning? No!

"Kung ganyan lang, e di matagal na 'kong nag-resign, kung ganun lang kadali.

"But this was something I contemplated over and over again for about two years, to be honest.

"Two years ago pa, I was thinking about it. Yun nga lang laging me nangyayari sa show namin.

"Alam mo naman, controversial show, so laging may nangyayari.

"So, hindi ko nahahanap yung right time, yung tamang panahon para umalis nang maayos at ngayon, parang this is the right time.

"I truly believe this is the right time for me to say goodbye to our listeners," saad nito.

Ayaw na ring pahabain pa ni Grace ang isyu nila ni Angelicopter dahil nasabi na raw niya ang dapat niyang sabihin tungkol sa kanilang hidwaan.

Kung ano man ang mga pasaring pa ni Angelicopter sa Twitter account nito, hindi na lang daw niya pinapansin at hindi na siya nagpapaapekto.

Ani Grace, "Only she can say what her true intentions are.

"Ako, I don't know, I've stopped trying to understand her because it's difficult.

"I'm not offended, only because I don't read it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't listen to it and I don't watch it, and whatever it is, as I've said before, kahit papaano, naging kaibigan kami at one point.

"So I really do wish her all the best not only professionally, but personally.

"For me kasi, when a certain line is crossed it's better na, no communication na lang, I think it's best."

Nilinaw din ni Grace sa programa lang nila ni DJ Mo siya nag-resign.

Mananatili pa rin daw siya sa Magic 89.9, pero pinag-uusapan pa kung ano ang programang puwedeng ibigay sa kanya.

Ayon kay Mr. Andrew Santiago na station manager ng Magic 89.9, kailangan lang daw ngayon ng programa para kay Grace na babagay sa kanya.

"With her current state right now, e medyo sensitive yung mga listeners pagka may sinasabi siya about certain things. Sometimes, people misunderstand kung ano yung mga sinasabi niya," pahayag ni Mr. Santiago.

Hindi naman daw maitatangging malaking kawalan si Grace sa programang iiwan niya.

"She's a big part of the morning show, but then again you see things naman.

"You fast forward, and you get excited because we're going to come up with a show for her," saad ni Mr. Santiago.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN