Angelicopter's message to Grace Lee: "Kung meron kang hindi gusto sa akin, sabihin mo sa akin."

IMAGE 0

Tanggap na daw ni Angelicopter (right) ang desisyon ng istasyon na Magic 89.9 at nakapag-move on siya, pero hindi niya itinatangging masama pa rin ang loob niya kay Grace Lee (left).

"Kung may nagawa ako sa 'yo na hindi ko akalain na nasaktan pala kita... tell me. Tell me kasi hindi kami acquaintance lang e. Almost two years na rin kaming magkasama, araw-araw, 6 to 9 in the morning di ba? Apart from that, more than anything, kahit na close friend, or I mean kah


Emotional si Angelika Schmeing-Cruz o mas kilalang si Angelicopter nang nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, dahil sa pagkatanggal sa kanya sa radio program nila ni Grace Lee sa Magic 89.9.

Kahit itinatanggi ng manager ng naturang radio station na si Grace ang dahilan nang pagkatanggal nila kay Angelicopter, naniniwala pa rin ang huli na may kinalaman ang hidwaan nilang dalawa.

Ang sabi ng manager ng Magic 89.9 na si Andrew Santiago, naawa raw sila kay Grace dahil nadamay ito sa desisyon nilang tanggalin si Angelicopter.

Marami lang daw nag-pile up na mga isyu na hindi na-resolve kaya napagdesisyunan nilang i-let go na ito.

Ayon sa press statement ng Magic 89.9 na lumabas February 22 sa PEP:

"Recently, an article came out on Pep.PH which featured an interview with former Magic 89.9 jock Angelika 'Angelicopter' Schmeing-Cruz.

"In the article, it was alleged that it was a misunderstanding between her and Good Times jock Grace Lee that caused her termination from the Station.

"It is true that there was a misunderstanding between the two ladies. Admittedly, conflicts happen between jocks in radio shows specially in a high pressured show like Good Times.

"However, it was NOT the reason Mrs. Schmeing Cruz was terminated. Her attention has been called several times due to internal issues. It was a matter decided after an on going assessment of her overall performance."

MANAGEMENT DECISION. Ano ang reaksyon ni Angelicopter dito?

"Definitely management decision yan, kasi hindi naman ako pwede kausapin ni Grace at sabihin na I'm out.

"Siyempre I [get] my instructions from my management.

"Una kasi talaga they said, 'Ayusin n'yo, take a break and you decide.'

"But for some reason hindi talaga maayos, walang communication, doors were not opened," aniya.

"Yung nangyari, if meron silang na-mention na mga unresolved issues na hindi napag-usapan before, sana pag-usapan di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero as far as I know, in terms naman sa trabaho ko or sa skills ko, I tried my best.

"I tried na makisama. I tried to be friendly," ayon sa radio/TV personality.

"Hindi naman kami magiging close ni Grace kung masama akong tao.

"But hindi ako perpektong tao, kaya siguro nagkakabanggaang braso kami.

"Maski ordinaryong tao sa trabaho na minsan hindi magkasundo, nagkakaayos din. Trabaho yun.

"Pumasok ka, magtrabaho ka, umuwi ka. Iwan mo sa opisina, di ba?

"... Mag-aadjust ako kung talagang kailangan. Yun nga tina-try kong suyuin, tina-try kong tawagan," aniya.

"Wala e. Ayaw. I guess hindi niya talaga ma-forgive yung nangyari. Maybe in time she will forgive me.

"Hindi ko lang alam kung kelan yun. Or at least sabihin niya sa akin kung ano talaga," patuloy na himutok ng Survivor castaway.

Tanggap na rin naman daw ni Angelicopter ang desisyon ng istasyon at nakapag-move on siya, pero hindi niya itinatangging masama pa rin ang loob niya kay Grace.

"Hanapbuhay ang pinag-uusapan dito.

"Single mom na ko ngayon, hiwalay na ko sa asawa ko.

"Hindi ko gagawin ang radio at TV kung hindi ko kailangan ng malaking income to support me and my son," aniya.

Tuluyan na raw kasing sinara ni Grace ang komunikasyon nila dahil hindi raw sinasagot nito ang mga tawag at text niya.

Tinanggal na rin ni Grace sa Facebook niya si Angelicopter at na-block na siya sa Twitter. Kaya hindi niya masasabi kung posibleng magkaayos pa ba sila.

'TALK TO ME.' "She [Grace] knows my number if she wants to talk to me.

"Sana hindi mangyari sa 'yo yung nangyari sa akin," umiiyak na pahayag ni Angelicopter.

"Grace, you can talk to me anytime; I can take it.

"Kung meron kang hindi gusto sa akin, sabihin mo sa akin.

"Lahat ng tao, lahat ng kaibigan, alam kung may tampo ka sa akin. Kung may nagawa ako sa 'yo na hindi ko akalain na nasaktan pala kita... tell me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tell me kasi hindi kami acquaintance lang e. Almost two years na rin kaming magkasama, araw-araw, 6 to 9 in the morning di ba?

"Apart from that, more than anything, kahit na close friend, or I mean kahit I'm a good friend of Mo and Mojo, si Grace ang... out of the four [of us], kaming dalawa ni Grace ang magka-hang out.

"Madalas magkasama talaga outside work," saad nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN