PEP EXCLUSIVE: Magic 89.9 station manager Andrew Santiago confirms Grace Lee's resignation from radio show Good Times

IMAGE 0

Base sa Twitter post ni Grace Lee kaninang umaga, nakatakda siyang magpaalam sa mga listeners ng programang Good Times sa Huwebes, Marso 8. Ito ay matapos niyang mag-file ng resignation kahapon, Marso 5, mula sa programa.


Nag-resign na si Grace Lee sa programang Good Times ng Magic 89.9.

Ito ay kinumpirma mismo ng manager ng naturang FM station na si Andrew Santiago nang makausap siya PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ngayong hapon, March 6.

Ayon kay Andrew, sa programa lamang nag-resign si Grace at hindi sa istasyon.

Dagdag pa niya, hindi kagulat-gulat ang naging desisyon na ito ni Grace dahil simula't sapul ay "very edgy" na ang tema ng programa para sa Korean host.

"Ever since, the content talaga of Good Times is very edgy and we noticed that people really react to everything that Grace says [on air].

"So the management has decided to design a more decent, safe kind of show for Grace."

Aminado si Andrew na mas dumami ang listeners ng naturang programa mula nang ma-link si Grace kay Pangulong Noynoy Aquino.

"People became interested, they want to know more about Grace, e," aniya.

Kaya naman hindi maiiwasan na marami ang pumuna at bumatikos kay Grace dahil sa mga komentong ibinibigay niya sa programa.

Ayon pa kay Andrew, pinayuhan ng management ng istasyon si Grace na umiwas muna sa mga bagay na maaaring pagmulan ng kontrobersiya.

"Grace kasi is opinionated and sometimes people take whatever she says differently."

ISSUE WITH ANGELICOPTER. Itinanggi rin ni Andrew na may kinalaman sa isyu kay Angelika "Angelicopter" Schmeing-Cruz ang pagre-resign ni Grace.

Matatandaang sinabi ng half-German, half-Filipina host na may kinalaman ang naging awayan nila ni Grace kung bakit siya natanggal bilang disc jockey ng istasyon.

(CLICK HERE to read related article.)

Paglilinaw ni Andrew, "Definitely not. This has nothing to do with the Angelika issue.

"Kung meron mang kinalaman, dapat noon pa siya nag-resign."

Matatandaang sinabi ni Grace sa isang panayam na Disyembre noong nakaraang taon pa nangyari ang away nila ni Angelika.

(CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As we've said in our official statement, prior to that [fight between Grace and Angelika], we've already called her attention due to internal issues.

"Ayaw na lang naming ilabas [sa media] kung ano iyong internal issues na iyon because we're a big company; and it's not nice to disclose information that might ruin Angelika.

"Matagal na, we've been trying to address to her iyong problema, pero hindi talaga [maayos], e."

MO TWISTER. Tumanggi namang magkomento si Andrew tungkol sa isang pang isyu na diumano'y sinalungat ni Mo Twister ang official statement ng istasyon.

(CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "Napaintindi na namin kay Mo iyon, so okay na.

"And [huwag na lang mag-comment] dahil gano'n din kasi, e, it goes back doon sa sinabi namin sa statement tungkol sa internal issues.

"You know, we're dealing with emotions here, emotional si Angelika.

"We don't want to speak further because we're also trying to protect Angelika."

Sa susunod na linggo, inaasahang magaganap ang meeting sa pagitan ang management ng Magic 89.9 at ng kampo ni Grace para pagdesisyunan ang bagong programa nito sa radyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN