Enchong Dee on being open about his feelings for Julia Montes: "Kung may mga hindi nakakatanggap, marami din naman na nakakaintindi."

IMAGE 0

Enchong Dee on reaction of fans about his feelings for Julia Montes: "Nakakatuwa nga yung mga fans na napaka-understanding. Doon mo malalaman kung sino talaga ang sumusuporta sa iyo all throughout. Up or down, loveteam or no loveteam, nandun talaga sila."


Kung dati ay tikom ang bibig ni Enchong Dee sa katauhan ng sinasabi niyang espesyal na babae na pupursigihin niyang ligawan, ngayon ay bukas na ang young actor sa pag-amin kung sino ang tinutukoy niya.

Ito ay ang kapwa niya Star Magic talent na si Julia Montes.

Sanhi ng kanyang pag-amin, iba't ibang reaksiyon ang natanggap ni Enchong mula sa kanyang mga tagahanga at maging sa fans ng tambalan nila ni Erich Gonzales.

May ilan na natanggap at naintindihan ang desisyon na ito ng young actor, pero meron ding ilang Erich-Enchong fans ang hindi pabor dito.

May balita pa ngang nagpapadala raw ang mga fans nito ng hate mail kay Julia.

PROTECTING JULIA. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong, tinanong namin siya kung ano ang proteksiyon na ibinibigay niya kay Julia ngayong nakakatanggap siya ng hindi magandang trato mula sa ilan niyang mga tagahanga?

Ayon kay Enchong, "Gusto ko lang ipaalala na iba yung sa amin ni Erich, iba yung sa amin ni Julia. Magkaiba silang mundo.

"Kung may mga hindi nakakatanggap, marami din naman na nakakaintindi.

"Nakakatuwa nga yung mga fans na napaka-understanding.

"Doon mo malalaman kung sino talaga ang sumusuporta sa iyo all throughout.

"Up or down, loveteam or no loveteam, nandun talaga sila."

Dagdag pa niya, "To be honest, hindi namin napag-uusapan 'yan ni Julia, kasi alam namin na trabaho namin ito, ganun talaga ang mundong ito.

"Hindi yata nila [fans] alam na pag may sinasabi sila sa amin, o sinisiraan nila kami, the more na nandun ang atensiyon sa amin. People want to know more about that.

"Sila na rin ang nagiging way para umangat kami."

Bakit bigla-bigla yatang naging open siya sa feelings niya para kay Julia? Masasabi ba niya na habang tumatagal ay lumalalim ang damdamin niya para sa dalaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Enchong, "Kasi matagal pa yun, confident ako.

"Ako naman, ever since, sinabi ko naman na crush ko talaga si Julia.

"Kasi lalalim yun pag wala nang trabaho.

"Kasi sa ngayon, focus naming pareho ang work namin."


WHAT HE LIKES ABOUT JULIA. Sa hiwalay na panayam kay Julia, sinabi nito na natutuwa siya kay Enchong dahil nakita niya na nirerespeto ng binata ang pamilya niya, lalo na ang kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

Ayon naman kay Enchong, "Importante yun lalo na sa Filipino, di ba?

"Pag may gusto ka na someone, kailangan pati minamahal ng someone na yun, minamahal mo rin."

Nang tanungin naman kung anong katangian ni Julia ang nagustuhan niya rito, una nang sinabi ni Enchong ang pagiging totoong tao raw ng young actress.

Dagdag pa niya, "Siguro gusto ko yung idea na wala sa amin yung show business.

"Hindi namin ramdam na artista kami, hindi namin ramdam na mas mataas kami kaya nagdya-jibe kami."

Nagpapasalamat din si Enchong sa media na nirerespeto ang mga sinasabi nila ni Julia.

Saad niya, "I'm very happy kasi nga ibinibigay sa amin nung mga nag-i-interview sa amin na hindi muna, hindi nila talaga pinipilit.

"Kumbaga, kung kami steady, nag-aantay, nag-aantay lang din sila.

"Hindi sila yung namimilit na, 'Hindi, mayroon na, mayroon na.'"

Samantala, kinumpirma ni Enchong na may proyektong hinahanda ang ABS-CBN na pagtatambalan nila ni Julia.

Pero aniya, "Siguro, announce na lang namin pag malapit na o kung matutuloy. Sa ngayon, kumbaga, ano siya, nilalaga pa lang."

TANDEM WITH ERICH. Masaya naman si Enchong na kahit bukas na siya sa kanyang nararamdaman para kay Julia, marami pa rin ang sumusuporta sa tambalan nila ni Erich Gonzales sa Maria La Del Barrio.

Sabi ni Enchong, "Yeah, very happy. Walang pressure.

"Kumbaga, napi-pressure na kami ni Erich on how to act, on how to perform well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And on that part, ibinibigay na sa amin yun ng management.

"Okay naman kami ni Erich, steady lang."

BEST ACTOR TROPHY. Nanalo si Enchong ng Best Single Performance by an Actor sa 25th Star Awards for TV para sa pagganap niya sa "Parol" episode ng Maalala Mo Kaya.

Sabi ni Enchong, inspirasyon sa kanya ito para higit na pagbutihan ang kanyang trabaho.

"Ang sarap na feeling na napansin nila yung paghihirap mo.

"Kasi bilang Enchong, hindi ako seryosong tao pag first impression.

"So, hindi nakikita ng tao kung gaano ako kaseryoso sa trabaho ko.

"Sobrang saya din kasi dream come true na makatanggap ng Best Actor award.

"Nandun yung inspiration na mas seseryosohin ko pa ang trabaho ko.

"Ang gagaling din ng mga kalaban and I look up to those co-nominees of mine.

"Magagaling sila at ramdam ko ang pagiging bunso ko sa showbiz," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN