Sam Milby on lessons learned from his relationship with Anne Curtis: "To really step up and be a man... If you really love someone, you have to fight for it."

IMAGE Sany Chua

"Even if nothing happens, itong year na 'to, itong pilot season, I'm not gonna give up because, you know, if nothing happens, I'll gonna go back naman. I have an agency, one of the best agencies. At yun ang ano... that alone is something hard to get," says Sam Milby about trying his luck in Hollywood.


Sa Miyerkules, February 1, ay lilipad na si Sam Milby patungong Amerika para subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood.

Sa The Buzz noong Linggo, January 29, live na nag-guest ang Fil-Am actor-singer para magpaalam pansamantala sa mga sumusuporta sa kanya.

Pero ang unang inusisa kay Sam ng mga hosts ng programa na sina Boy Abunda at Charlene Gonzalez ay ang VTR message ni Anne Curtis para sa kanya.

Si Anne ang dating girlfriend ni Sam.

Ayon kasi kay Anne, may "special part" parati sa kanyang puso si Sam.

Inamin din ng aktres na si Sam ang kanyang "last and most painful breakup."

Ano ang reaksiyon ni Sam sa mga naging pahayag ni Anne?

"For the both of us, I would say, yeah," nakangiting pag-amin din ni Sam.

Sa interview naman ni Sam kay Kris Aquino sa Kris TV, sinabi ng actor-singer na ang "deepest love" niya ay si Anne.

Kaya kung tatanungin si Sam ngayon, ano ang masasabi niyang biggest regret as far as his relationship with Anne is concerned?

"Biggest regret, I think, I said this naman sa Bandila... In my past relationship, I feel I'm not mature and man enough to be a leader, I guess," sagot niya.

Masasabi kaya ni Sam na ang nangyari sa kanila ni Anne ay "right love at the wrong time"?

Natawa muna si Sam saka sinabing, "No, I think whoever you meant to be with, I think, it would happen pa rin. You know what I mean?"

Pero ano ang natutunan niya sa relasyon na yun na puwedeng baunin sa kanyang susunod na pakikipagrelasyon?

"Yun nga, to really step up and be a man. And I think, if you really love someone, you have to fight for it," sagot ni Sam.

Sa concert ni Anne sa Araneta Coliseum noong Sabado, January 28, isa si Sam sa naging special guests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-duet sila ng "Always Be My Baby."

How was it performing with Anne at the concert?

Sagot ni Sam, "It was nice.

"You know, it's been a while. We've both moved on, of course.

"And for me, it was a great moment that I was actually there.

"Alam ko na it was her dream talaga niya to sing, to do a concert.

"And she's there for my first major concert, and that was the song we sang actually in my first major concert.

"But it's... Siyempre, she'll always have a very special part in my heart like what she said."

Nagkaroon ba ng moment si Sam during the concert na sinabi niya na, "Ang ganda-ganda ng babaeng ito. What did I do?"

"Of course," pag-amin niya.

"But there are times na alam ko na happy na happy siya with Erwan [Heussaff, Anne's current boyfriend].

"Parang, 'Ano ba ang ginawa kong mali?' You know, you have to think about that—'What did I do wrong?'

"Siyempre, hindi ako perpekto. I made a lot of mistakes.

"But you take everything that you do as a learning.

"It's all about learning process."

Kaya na bang humarap ni Sam kay Erwan?

"Yeah," nakangiting sagot ni Sam.

"Actually last night, I saw Anne's family.

"I haven't seen Anne's dad nang matagal na. I wanna say 'Hi!' to them.

"So, when I was walking past, I saw sina Erwan, Solenn [Heussaff], and Georgina [Wilson].

"So, I said 'Hi!' to them."

What were their reactions?

"'Hi! What's up, bro?' Ganoon lang.

"They are very nice kids. I've known them from before."

REALLY WORTH A TRY. Tinanong naman ni Boy si Sam kung bakit kumbinsido siya na ang gagawin niyang pag-alis ng Pilipinas papuntang Hollywood "is really worth a try"?

Saad ni Sam: "There are things that you feel that you are called for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's a gut feel, and life is about taking risks. You know what I mean?

"If you think about it, I came to the Philippines na walang trabaho.

"I came on a risk just to stay here.

"So, you know, just to see what would happen and everything that happened to me already."

Sa tatlo o hanggang apat na buwan na mawawala siya—puwede siyang maalala ng mga fans, pero puwede rin siyang makalimutan.

Handa na ba si Sam kung sakaling hindi na siya maalala ng mga tao pagbalik niya sa Pilipinas?

"Sana hindi naman po mangyari yun. Siyempre, gagawa po ako ng paraan.

"Siyempre, may Twitter. In abroad, yung mga TFC, interview..." sabi niya.

Dagdag ni Sam, "It's gonna be a big step. Bagong chapter talaga."

Mahigit sa tatlong buwan daw plano ni Sam na manatili sa U.S. para mag-audition doon.

Pero paano kung walang mangyari, ano ang gagawin ni Sam, babalik ba siyang muli sa Pilipinas?

"I will come back," sabi niya.

"You know, even if I get a project, the taping is by September or May, and I will come back.

"There's already plan for a teleserye and a movie.

"But even if nothing happens, itong year na 'to, itong pilot season, I'm not gonna give up because, you know, if nothing happens, I'll gonna go back naman.

"I have an agency, one of the best agencies. At yun ang ano... that alone is something hard to get."

Naniniwala ang marami sa malalapit kay Sam na ang tagumpay niya ay magiging tagumpay rin ng Philippine showbiz industry.

Sambit naman ni Sam, "That's what I really hope. That if I'll make it there, I wanna bring... the success is the success of the Philippines."

Sa huli, hiningan si Sam ng mensahe para sa kanyang mga tagahanga na pansamantala niyang maiiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First, I wanna thank you. You know, mula sa PBB [Pinoy Big Brother], you guys have been so supportive talaga. Grabe talaga ang suporta ninyo sa akin.

"I hope na kahit nandoon ako sa States, hindi ninyo ako kakalimutan and you guys will still support me and babalik naman po ako.

"So, my place would still be here. You know, kahit anong mangyari, I'll still be based here.

"I'll be going back and forth kung may work."

Kahit wala na sa Pilipinas si Sam, mapapanood pa rin siya sa episode ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado, February 4, kasama si Jessy Mendiola.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN