Angel Locsin on her choice for next leading man: "Si Vice [Ganda] bet ko..."

IMAGE Noel Orsal

"Pero gusto ko ring makatrabaho si Bea [Alonzo], Angelica [Panganiban]. Gusto kong magkatrabaho kaming tatlo," says Angel Locsin when asked about stars she'd want to work in her future projects.


Sa ginanap na victory at thanksgiving party ng Unofficially Yours noong Miyerkules, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, ramdam ang saya ni Angel Locsin dahil certified blockbuster ang kauna-unahang pelikula na pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz sa Star Cinema.

Sa kinitang P165 million ng Unofficially Yours sa loob ng apat na linggong pagpapalabas sa mga sinehan, ito raw ang pinakamalakas sa lahat ng pelikulang nagawa ng aktres at maaaring maglagay sa kanya sa trono bilang Box-Office Queen 'pag nagkataon.

STRIKE WHILE THE IRON IS HOT! Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at CinemaNews kay Angel, sinabi ng aktres na gusto sana muna niyang magpahinga sa paggawa ng pelikula. Pero ngayon pa lang ay ihinahanda na raw ang susunod niyang gagawin.

"May sinasabi sa akin, pero kapag final na saka ako magsasalita.

"Actually, gusto ko nga sanang magpahinga sa movie, pero may pinag-uusapan na," sabi niya.

Sa tagumpay ng Unofficially Yours, mas magiging mapili na ba si Angel sa susunod na mga pelikulang gagawin?

"Hindi naman," sagot niya.

"Kapag gumawa ka naman talaga ng next projects, kailangan mo talagang pag-isipan, di ba?

"Kung maganda rin for you, kung kaya mong paninidigan yung character, kung ano ba ang matutuhan mo.

"I'm hoping na better projects," pagtukoy niya sa mga susunod niyang proyekto.

Dagdag ni Angel, "Kung anuman yung ginanda ng pagkakagawa ng Unofficially Yours, ganun din, pero something different."

LEADING MEN? Kung mabibigyan siya ng karapatang mamili, sinu-sino ang mga gusto niyang mga makatrabaho sa susunod na mga proyekto.

"Kung sino yung mga nakatrabaho ko before. Okay sana para nandun na yung connection.

"Pero gusto ko ring makatrabaho si Bea [Alonzo], Angelica [Panganiban] at Anne Curtis. Gusto kong magkatrabaho kaming apat.

"Sa lalake naman, si Vice [Ganda] bet ko.

"Sila Coco [Martin], Jericho [Rosales], Piolo [Pascual], Diet [Diether Ocampo]."

ACTION TELESERYE? Matagal-tagal na ring natapos ang Imortal at ang susunod na teleserye na gustong gawin ni Angel ay action.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong gumawa ng action. Alam mo naman ako, medyo naiilang ako kapag nilalagay ako sa drama.

"Hindi ako sanay, naninibago pa rin ako. Ang gusto ko sana talaga action ang concept," sabi niya.

Bukas ba siya sa posibilidad na makatrabaho ulit si Robin Padilla na nakatambal na niya sa Asian Treasures noon sa GMA-7?

"Kahit naman sino okay sa akin," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN