Matteo Guidicelli happy for friend Xian Lim's successful tandem with Kim Chiu in My Binondo Girl

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli on Kim Chiu-Xian Lim loveteam: "Masaya naman ako na na-appreciate ng tao 'yong tanden nina Kim and Xian. You know, they're both single. And they work more together. And they're both Chinese. They have good chemistry. I guess everybody has different chemistry with other people."


Tatlo ang orihinal na leading men ni Kim Chiu sa My Binondo Girl—sina Jolo Revilla, Xian Lim, at Matteo Guidicelli.

Pero si Xian ang masasabing nag-shine nang husto sa tatlo at mas tinanggap ng publiko bilang katambal ni Kim.

Sa parte naman ni Matteo, natutuwa siya sa magandang kinalabasan ng pakikipagpareha ng kanyang kaibigan na si Xian kay Kim.

"Xian is like a brother to me," sabi ng Filipino-Italian actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 12, sa presscon para sa finale week ng My Binondo Girl.

Ginanap ang presscon sa Choi Garden Restaurant sa Annapolis, Greenhills, San Juan.

Patuloy pa ng dating race-car driver, "I got to know him more from this project. And I'm proud of him.

"Sabi ko talaga sa kanya, 'Bro, hindi ito kumpetisyon, ha. Huwag kang magalit sa akin. Hindi rin ako magalit sa 'yo. Talagang...work is work. And magkapatid tayo.'"

May nagtangka raw intrigahin sila at gatungang magkaroon ng rivalry, pero hindi sila nagpadala.

Tanging sa istorya lang daw ng My Binondo Girl nangyari ang pagiging magkaribal nila, na sa bandang huli ay si Xian ang nakaungos sa puso ng character na ginagampanan ni Kim.

"Oo nga, e!" sabay tawa ni Matteo.

"But it's the fans...the people's choice.

"They like Xian's tandem with Kim.

"I know he's been trying his best naman. So, congratulations sa kanya."

PROUD OF PAPA CHEN AND XIAN. Sa pagtatapos ng My Binondo Girl, ano ang pakiramdam niya?

Ayon kay Matteo, "It's always sad when something ends. But you have to accept it.

"And we have to accept that maraming-maraming things popped out from the show.

"Like si Papa Chen [Richard Yap]. I'm very proud of Papa Chen.

"I always tell everybody...wherever Papa Chen goes, he's gonna trend sa Twitter.

"And I'm also very proud for Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, I told him since the beginning na, 'Bro, kung kanino man mapupunta sa ending ng story si Kim, alagaan talaga natin. And...blessing talaga 'yon.'"

Meron bang panghihinayang on his part na hindi pinalad na magustuhan ng nakararami ang tanden nila ni Kim?

"Hindi naman po," sagot ni Matteo.

"Like in the beginning, kay Jolo muna.

"'Tapos ako, then si Xian.

"And sabi ko nga, kung kanino man mapunta si Kim, it's a blessing to be partner with her.

"On my part, I was partner with her also.

"And now, the people really loved their [Xian and Kim] tandem. It really worked.

"So, masaya ako para sa kanila."

REAL-LIFE TANDEM WITH MAJA. Sa palagay ba ni Matteo ay nakaapekto sa public response sa tandem nila ni Kim na may Maja Salvador siyang karelasyon sa tunay na buhay?

"Hindi naman. I don't think so," sagot niya.

"Uhm, you know, I'm open naman with my relationship with Maja.

"Masaya naman ako na na-appreciate ng tao 'yong tanden nina Kim and Xian.

"You know, they're both single. And they work more together.

"And they're both Chinese. They have good chemistry.

"I guess everybody has different chemistry with other people."

MY CACTUS HEART. May upcoming movie sina Matteo at Maja, ang My Cactus Heart. Kasama rin nila rito si Xian.

Sino naman kaya sa kanila ni Xian ang panalo sa istorya nito?

"Hindi pa natin alam," nangiting sabi ni Matteo.

"Panoorin na lang natin.

"Pero I'm proud naman he's there with me. Also, this is his introducing movie.

"Unang lead movie ko ito. I'm very, very excited and scared.

"I'm nervous at...lahat-lahat. Mixed emotions, e.

"So sana magustuhan ito ng moviegoers. Pinaghandaan talaga natin ito ng Star Cinema, ni Sir Enrico Santos, at ng buong Star Cinema.

"We're working so hard for this movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And we're gonna be very, very proud na sana magustuhan n'yo lahat."

Ano ba ang istorya ng pelikula nilang ito ni Maja?

"Uhm, di ba, kapag nagmahal tayo ng isang tao, minsan when you love somebody, may parang phobia tayo na matinik 'yong pagmamahal? Di ba?

"May parang thorns na sometimes masundot tayo. And then may phobia na tayo sa past ng buhay natin.

"So sometimes we're scared to love.

"Dito makikita natin ang iba-ibang problems ng love."

WORKING WITH HIS GIRLFRIEND. Mahirap ba na karelasyon niya sa tunay na buhay ang kanyang kapareha sa pelikula dahil mas personal ang samahan?

O mas madali dahil mas kilala na nila ang isa't isa?

Ayon kay Matteo, "Mas may challenge kung ang katrabaho mo ay 'yong may relationship kayo.

"Kasi, parang weird, e. Sometimes maraming tao diyan, may camera diyan, di ba?

"So, it's kinda weird.

"But after a while, you know, I learned so much about Maja.

"I learned so much to love my craft more because of Maja."

Kumusta naman ang relasyon nila ni Maja sa ngayon?

"Masaya po.

"Pero ngayon, busy, busy. Araw-araw ang trabaho namin.

"So, konti lang ang time namin para sa isa't isa."

Hindi na sila nag-aaway?

"Minsan, konting tampuhan. Normal naman 'yong gano'n, di ba?"

Ano ang dahilan ng tampuhan? Selosan pa rin?

"Hindi naman. Wala...mga maliit na bagay lang."

Matatandaang nakaaway ni Matteo ang dating kapareha ni Maja na si Coco Martin sa Star Magic Ball last year dahil sa selos.

Ano 'yong maliliit na bagay lang?

"Wala. Mga bagay na pambata lang na...minsan hindi tayo responsible.

"Ganyang maliliit lang na bagay," sabi ni Matteo.

Sino ang mas umiintindi at nagpapasensiya ngayon kanino?

"Kaming dalawa pareho!" natawa si Matteo.

"Kaming dalawa. Kasi ay mga mali-mali naman tayo, di ba? Lahat tayo.

"Kung sino ang may mali, siya ang dapat na umiintindi at nagpapasensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At communication talaga ang pinaka-importante.

"Kailangan mag-usap talaga kayo para maging okey."

Hindi na ba siya isip-bata? May tendency raw kasi na maging carefree siya sa relasyon nila ni Maja?

"Hindi naman. Inaalagaan ko naman talaga siya.

"And, uhm, I try to do my best. I try to do the best for her."

Sa tingin niya, si Maja na ba ang makakatuluyan niya?

"Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, di ba?

"Pero for now, ang feeling ko, siya. Oo."

May mga napapag-usapan na ba silang plano na para sa kanilang dalawa lang?

"Wala.

"'Yong plans, we're just like dreaming...planning, travelling, doing stuff in the future. 'Yon lang."

'Yong kasal?

"Wala pa po!" bulalas ni Matteo.

"Wala pa. Wala pa.

"I'm only 21.

"Siguro right age for me to get married, mga 28 o 29.

"Matagal pa. Oo naman po.

"Marami pa akong mga pangarap sa buhay. Marami pa akong gustong gawin.

"As of ngayon, sigurado ako kay Maja.

"Pero hindi natin masabi ang mangyayari bukas, di ba? Or next month. Or next year.

"God only knows.

"Sana... We pray every day that every day's gonna go well. 'Yon!"

HAPPY YIPEE YEHEY!Nang mapunta naman ang usapan sa balitang hanggang katapusan na lang ng buwang kasalukuyan ang noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!, kung saan isa siya sa mga co-hosts ng show, ayaw nang magsalita ni Matteo.

"Wala akong comment diyan. Wala akong masasabi do'n, e!" sabay tawa niya.

Personally, ano ang feeling niya na balitang mawawala na ang nasabing programa?

"Wala akong masasabi. No comment ako muna.

"As of now, wala pa kasi akong alam.

"Hindi pa ako nasabihan about that."

Pero balita ring magkakaroon siya ng bagong serye na ang tema ay fantasy. Ano ang masasabi niya rito?

"Talaga? Hindi ko pa rin alam ang tungkol diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, di...maganda 'yan. Blessing, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN