Dawn Zulueta bonds with Coco Martin in one-week shoot in Italy

IMAGE Noel Orsal

Dawn Zulueta on Coco Martin: "Napakabait niya at ang gaan-gaan niyang katrabaho. Gentleman talaga siya. Tinutulungan niya ang kung sinuman sa amin na may mabigat na dala-dala. Sobrang gentleman niya. Gusto ko ngang iuwi na lang siya, e!"


Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng ABS-CBN primetime series na Walang Hanggan sa isang malaking bahay sa Antipolo kahapon, February 17. Dito namin nakausap ang isa sa mga bida ng teleserye na si Dawn Zulueta.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Dawn sa PEP ang nangyaring one-week taping nila ng co-star niya sa Walang Hanggan na si Coco Martin sa Italy.

Sa istorya ay si Dawn ang gumaganap na ina ni Coco bilang Daniel, pero hindi nila alam pareho na mag-ina pala sila.

Lahad ng aktres, "Kinunan na namin ang mga eksena namin sa Italy. Ito yung niyaya ko siya na sumama sa akin.

"Sometime next week pa ito ipapalabas.

"We went there January 22, one week kami roon. Kasama ko lang manager ko, si Vivian Recio.

"Ang saya-saya talaga!"

Dagdag pa ng aktres, "Well, nakapag-shopping din naman ako.

"I had only two days na mag shopping—the first day na pagkarating namin and the day we left.

"It is the only time I spent with myself. And all the days, taping na talaga."

Winter daw nang magpunta sila sa Italy.

"Super-lamig doon!" bulalas ni Dawn.

"Sayang nga, hindi namin nakunan yung snow.

"Kasi kung nag-extend pa sana kami ng konti, e, nakunan sana namin yung grabeng pag-ulan ng snow."

WORKING WITH COCO MARTIN. Pawang mga eksena lang daw nila ni Coco ang kinunan sa Italy, kaya nakapag-bonding daw talaga silang dalawa ng aktor.

Kumusta katrabaho si Coco?

"Well, si Coco, wala siyang kaere-ere at walang arte 'yan sa katawan," sagot agad ni Dawn.

"Dinudumog na kami doon, pero production people siya.

"Siya pa ang nag-iilaw sa akin, siya pa ang may hawak ng reflector. Hindi siya mareklamo sa trabaho.

"Siyempre, ang daming mga fans doon, kaya hindi siya nahihiyang ipinakita sa mga fans ang mga ginagawa niya para sa teleserye namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakabait niya at ang gaan-gaan niyang katrabaho.

"Gentleman talaga siya. Tinutulungan niya ang kung sinuman sa amin na may mabigat na dala-dala.

"Sobrang gentleman niya.

"Gusto ko ngang iuwi na lang siya, e!" natatawang biro ng aktres tungkol sa kanyang co-star.

Banggit pa ni Dawn, "special" ang naramdaman niyang pagtrato sa kanya ni Coco, at ganun din naman daw siya sa aktor, habang nasa Italy sila.

"I feel special, pero si Coco, special na 'yan. Kasi siya ang bida sa Walang Hanggan.

"Pero nagpasalamat nga ako kay Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head], kasi yung character ko talaga ang napili nila na magkaroon ng opportunity na makasama ni Coco sa Italy.

"Like I said, it's my first time din sa Italy," ani Dawn.

Pagkatapos ng Walang Hanggan, gusto ba ulit ni Dawn na gumawa ng teleserye kasama si Coco, at sa pagkakataong ito ay sa kanilang dalawa na iikot ang istorya?

"Hindi kaya magsawa sa amin ang tao!" napatawang sabi ng aktres.

"Sa totoo lang, I've been watching sa mga dating ginagawa ni Coco, bilib talaga ako sa kanya.

"And noon pa, e, sinabi ko sa sarili ko na sana makatrabaho ko siya.

"Mas lalo pa ngayon na nakilala ko na siya."

Bagamat close na silang maituturing, hindi pa naman daw ito umaabot sa level na nagsasabi na ng mga problema sa kanya ang aktor.

"Wala pa kami sa level na sinasabi niya sa akin ang mga sikreto niya.

"Pero tuwang-tuwa na ako, and for me, it's more than enough na tawagin niya akong 'Mi'—as in Mommy, o baka naman yummy!" hagikhik ni Dawn.

DAWN'S HUSBAND. Sa magagandang sinabi ni Dawn kay Coco, hindi kaya magselos na sa aktor ang mister niyang si Congressman Anton Lagdameo?

Paano ang ginawang pagpapaalam ni Dawn sa asawa niya, considering na silang dalawa lang ni Coco ang magkasama sa Italy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, hindi rin madali ang pag-alis ko noon," sabi ni Dawn.

"Birthday niya kasi nung umalis kami—January 22 ang birthday niya at yun ang araw ng flight namin.

"Meron naman sanang ibang flight, pero pangit ang naging ruta niya.

"Siyempre, mas pipiliin ko yung praktikal at hindi mahirap sa katawan ko.

"Kasi pagdating doon, trabaho na agad. Kumbaga, kailangan mo pang mag-adjust sa klima doon."

Patuloy pa ni Dawn, "Well, medyo sumama ang loob niya [Anton].

"That was the day ng kasal din nina Congressman Roman Romulo and Shalani [Soledad].

"Dapat kasama talaga niya ako doon, pero naunawaan din naman niya na trabaho ito.

"Medyo nalungkot lang talaga siya."

Kuwento pa ni Dawn, bago naman siya umalis papuntang Italy ay nakapag-lunch sila ni Anton kasama ang buong pamilya.

Pero siyempre, bumawi raw siya nang husto pagdating niya. Bukod pa sa personal niyang pasalubong na talagang "bonggang-bongga" raw para sa asawa.

Sa isang linggong nasa Italy si Dawn ay ang asawa raw niya ang nag-alaga sa dalawang anak nila.

Ipinagpaliban daw ng asawang kongresista ang pagbisita sa lugar ng mga constituents nito sa Davao para lang sa pag-aasikaso ng mga anak nila.

Every Monday, Wednesday, and Friday ang taping ni Dawn sa Walang Hanggan at may cut-off daw siya every 2 a.m. At ang mga nalalabing mga araw niya ay para na raw sa kanyang pamilya.

Sabi ni Dawn, "Hindi ko na kasi kaya ang katawan ko.

"Dahil mother nga ako, gusto ko maging productive din naman ako the next day pagkagising ko para sa mga anak ko."

"So, ever since na bumalik ako after a long time kong nawala sa showbiz, nilagyan ko na ng cut-off ang trabaho ko.

"Iba na talaga yung dalaga pa tayo, may nararamdaman na tayo kahit konti sa mga katawan ko. "

MOVIES WITH ATE VI AND GOMA? May balitang gagawa ng pelikula si Dawn sa Star Cinema, at makakasama raw niya rito ang Star For all Seasons na si Governor Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Dawn, "Hindi ko pa alam 'yan. Wala pang nakapagsabi sa akin.

"Pero kung meron, at movie with Ate Vi, okey na okey sa akin."

How about a movie with Richard Gomez, na co-star niya rin sa Walang Hanggan?

"Wala namang problema, basta maganda ang material at okey sa mga schedules namin ni Richard, then why not, di ba?" sagot ni Dawn.

Ayon pa sa aktres, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na bumisita sa taping nila ng Walang Hanggan ang mister niya, at maging ang misis ni Richard na si Lucy Torres, na isang ring kongresista.

Dating magkasintahan sina Dawn at Richard.

Sabi ni Dawn, "Ang maganda lang sa amin ni Richard, e, na-get over na namin yung anumang bitterness namin before.

"Matagal nang tapos yun."

Nabanggit din ni Dawn na constant pa rin ang communication nilang dalawa ng kaibigan niyang si Sharon Cuneta. Textmates daw sila ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN