Janelle Manahan says Ramona Bautista is the "missing piece" in Ramgen Revilla slay case; pleads with PNoy to intervene

IMAGE Noel Orsal

Janelle Manahan on her last recourse to bring Ramona Bautista back to the Philippines: "I just wanna ask also the President and the government... nahihiya akong gawin 'to, but I have no choice. Sila lang ang hope ko. Yung process sana, hindi ko alam kung paano nila makakausap yung ambassador or President ng Turkey para mapauwi si Mara [Ramona]. Kasi, hindi po talaga uuwi si Mara. Wala po tayong extradition treaty. Yun na lang po yung only hope ko. Kasi, kapag umuwi si Mara, maaa


Photo by Noel Orsal


Kung noong isang Linggo, March 4, ay ang ina ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay ang nag-guest sa The Buzz, nitong March 11 ay ang girlfriend naman ng pinaslang na aktor na si Janelle Manahan ang live na nagpa-interview sa showbiz talk show ng ABS-CBN.

"Getting better," tugon ni Janelle sa tanong ni Boy Abunda kung kumusta na siya.

Tuluy-tuloy pa rin ba ang therapy niya?

"Tuluy-tuloy pa rin po ang therapy, thrice a week.

"Muscle stimulation kasi na-paralyzed po siya," pagtukoy niya sa kanyang muscles sa pisngi na napinsala dahil sa tinamong tama ng baril sa mukha.

Patuloy niya, "Pero ngayon, hindi na siya paralyzed. Weak na lang ang muscle niya."

RAMGEN'S "BIRTHDAY." Noong February 12 ay 23rd birthday sana ni Ramgen, kaya tinanong ni Boy si Janelle kung paano niya inalala ang kaarawan ng yumaong kasintahan.

"Actually, I requested yung mommy ko na magpa-mass.

"Kasi, kahit gusto kong magpunta do'n sa puntod niya, alam ko na yung family niya, pupunta do'n.

"And I'm not ready yet to face them. Kasi medyo complicated nga ang mga bagay-bagay," sagot ni Janelle.

DREAMING OF RAMGEN. Sa naunang panayam ni Boy sa kanya noon, nasabi ni Janelle ang pagnanais na kahit sa panaginip ay magparamdam sa kanya ang namayapang boyfriend. Nangyari na ba ito?

Ayon kay Janelle, "Actually, meron akong mga dreams na parang sequence.

"Sunud-sunod na nakakausap ko siya sa dream ko.

"Actually, palagi niyang sinasabi sa dream ko, buhay siya.

"Siguro, subconsciously, gusto ko buhay siya kaya ganoon ang dream ko."

Natanggap na ba ni Janelle ang pagkawala ng nobyo?

"I'm trying to move on.

"Kasi alam ko naman na hindi na siya babalik. At least, in this lifetime.

"And kung tanggap ko na... I'm trying also.

"Kasi, nandoon pa ako sa stage na in denial. Aware ako do'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na dine-deny ko sa sarili ko na wala na siya, pero alam ko na wala na siya.

"Pero yun nga, dine-deny ko lang."

Wala pa naman daw kinokonsultang espesyalista si Janelle para mas matanggap at maintindihan ang mga nangyayari sa kanyang buhay.

RAMGEN'S FAMILY. Alam ng lahat na hindi maganda ang relasyon niya ngayon sa pamilya ni Ramgen.

Pero kung makakausap niya ang namayapang katipan, ano kaya ang posibleng masasabi nito sa nangyayari?

Sabi ni Janelle, "I always ask myself that. Kaya nga pini-pray ko rin na sana kausapin niya ako.

"Sa pagkakakilala ko sa kanya, siyempre ayaw niya na nasasaktan ko ang pamilya niya at ayaw niya na nagkakagulo kami.

"Pero hindi ko yun maiwasan ngayon. Magkaiba kami ng side."

MARA, COME HOME! Hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon na makausap niya isa man sa pamilya ni Ramgen na labas sa mata ng publiko.

Pero ayon kay Janelle, kung may gusto man daw siyang makausap, ito ay Ramona "Mara" Bautista—ang nakababatang kapatid ni Ramgen na suspek sa pagpaslang sa aktor.

Sa pakikipag-usap ni Boy kay Genelyn Magsaysay sa programang Bottom Line, isiniwalat nito na may ibang girlfriend na raw si Ramgen noong huling magkasama silang dalawa ni Janelle.

Ayon kay Genelyn, isang abogada raw ang girlfriend ni Ramgen at si Janelle ay may iba na rin daw boyfriend.

So, ano ang totoo?

Sagot ni Janelle, "Sinabi ko rin naman po yun sa inyo, Tito Boy, na we were not officially together that time.

"Our relationship was on-hold.

"Ang pagkakaalam ko... ako talaga, I was not in a relationship with anybody then. I'm single.

"At sa pagkakaalam ko, wala rin karelasyon si Ramgen noong time na yun.

"Kasi, I wouldn't be there kung meron siyang karelasyon."

Ang tinutukoy ni Janelle ay ang presensiya niya sa bahay ng

"But prior to that, if he's seeing someone, hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I go out with my friends, may mga nakikilala akong boys, but we were single then."

WANTED LIST. Ano naman ang naging reaksiyon ni Janelle nang malaman niyang napasama na si Ramona sa Red Notice List ng Interpol kung saan ay puwede na itong dakpin sa mga kaanib na bansa na mayroon tayong extradition treaty o kasunduan?

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Janelle, "Nalaman ko lang siya sa lawyer ko. Hindi ko alam kung magiging happy ako about it.

"Hindi na mangyayari sa extent na yun kung umuwi siya voluntarily, sa sarili niya.

"Yung napanood ko na sinabi niya na may kinalaman kami."

Ano nga ang reaksiyon niya na hindi raw dumaan sa tamang proseso ang pagkakalagay sa pangalan ni Ramona sa Red Notice List at, ayon kay Genelyn, may kinalaman daw sila rito?

"Actually, nagulat na lang din po kami ng mga abogado ko, kasi wala po kaming kinalaman as to... paano siya nailagay do'n.

"And that time na malaman ko yun at ng lawyer ko, we don't even know kung ano yung magagawa ng pagkakalagay niya do'n."

Kung nanonood si Genelyn ngayon, ano ang mensahe niya rito?

"Noong time na hiningan ako ng pulis ng side ko sa story, hindi ko ine-expect na sila ang magiging behind everything.

"Hindi ko intentionally dinidiin sila. I'm not fighting against them. I'm only fighting for justice here.

"So, ewan ko. Ako kasi, iniintindi ko sila sa sinasabi nila and everything.

"Pero yung laban ko dito, hindi lang para sa sarili ko 'to, para kay Ramgen 'to.

"Hindi ko ine-expect na sila ang magiging behind everything.

"Masakit din para sa akin kasi naging pamilya ko rin sila.

"Hindi madali 'to at hindi ko sila dinidiin. Yun lang.

"Yun lang ang laging gusto kong klaruhin sa kanila, hindi ko sila dinidiin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung pinatawad na niya ang gumawa ng krimen?

"Nagpatawad ako, pero hindi ibig sabihin na wala na silang pananagutan.

"I did that para gumaan ang loob ko at para wala na akong galit sa puso ko.

"And I did that, kasi sinabi ng lola ko na makakatulong yun sa soul ni Ramgen to be at peace.

"Yun lang ang ginawa ko, that's why I tried to forgive them," saad ni Janelle.

Noon bang lumabas at magsalita siya tungkol sa mga nangyari, hindi niya inakalang baka involved ang sinuman sa pamilya ni Ramgen?

"I was trying to have that doubt kasi nga alam ko na pamilya sila.

"Pero after everything that happened, 'tapos yung nalalaman ko na statement nila, alam naman namin kung ano ang totoo.

"Alam naman nila yun. Doon na ako naging sigurado," sagot niya.

Kung uuwi si Ramona, kaya ba niya itong harapin?

"Yes, yes... yun talaga ang gusto kong mangyari.

"Kasi, kaming dalawa ang nandoon. Gusto ko siyang intindihin.

"Gusto kong malaman kung saan nanggaling ang iba't ibang kuwento at kung totoo man 'to na sila ngang talaga.

"Gusto kong malaman kung bakit nila nagawa yun."

Ano ang mensahe niya kay Ramona?

"Sana umuwi na siya. Siya ang missing piece sa kasong ito.

"Kung talagang gusto niyang mabigyan ng hustisya ang kapatid niya, uuwi siya.

"At kung talagang wala siyang kinalaman dito, kasi gusto ko lang din marinig ang side ng story niya."

HELP FROM THE PRESIDENT. Her final message?

"I just wanna ask also the President and the government... nahihiya akong gawin 'to, but I have no choice. Sila lang ang hope ko.

"Yung process sana, hindi ko alam kung paano nila makakausap yung ambassador or President ng Turkey para mapauwi si Mara.

"Kasi, hindi po talaga uuwi si Mara. Wala po tayong extradition treaty.

"Yun na lang po yung only hope ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kapag umuwi si Mara, maaayos po ang kasong ito. Yun na lang po ang pakiusap ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN