Jay Perillo spotted with Iwa Moto at theme park; claims there's nothing going on as they're "practically related"

IMAGE Noel Orsal

"Ah wala yun, wala talaga. Ano lang, sobrang... hindi nga friends, di ba sabi ko nga we're like practically related. Siya yung confidante ko, parang ganun. Nakukuwento ko sa kanya yung mga problema ko, tsaka yung mga problema niya nakukuwento niya rin, parang ganun," says Jay Perillo, describing his friendship with Iwa Moto.


Ilang linggo matapos umalingawngaw ang intrigang hiwalay na sina Kris Bernal at Jay Perillo, agad namang napabalitang nililigawan na si Kris ng dati pang nali-link dito na si Jolo Revilla.

Si Jay naman ay nali-link ngayon sa StarStruck batchmate ni Kris na si Iwa Moto.

Just recently, the two were spotted at a theme park with their friends.

"We went out with my siblings, kasama niya mga kapatid niya and then our friends," ayon sa taped interview ng Startalk TX kay Jay na ipinalabas kahapon, January 7.

Sa kanyang pagkaka-link kay Iwa o Aileen Iwamoto in real life, ito ang katwiran ni Jay...

"Well si Aileen, parang ano na siya... we're practically related.

"Parang ganun, kasi parang ninong niya yata yung tito ko dun sa ano... yun nga, nalaman namin ngayon lang.

"So iyon, medyo malabo magkaroon ng ibang meaning yung paglabas na iyon.

"Siyempre sa Twitter, may mga nagtu-tweet na 'Uy!' ganyan-ganyan, di ba, so...

"Hindi na lang namin pinapansin, and iyon... makikita din naman nila sa Twitter e, yung tawagan namin ni Aileen, 'Twin!'

"So para kaming twins.

"Siya yung female counterpart ko," ang natatawa pang sinabi ni Jay.

Ito naman ang reaction ni Iwa sa pagkaka-link nila ni Jay sent as a direct message via Twitter...

"Di ako papasok sa isa pang ikaka-stress ng buhay ko. Family friend namin si Jay."

Ayon naman kay Jay...

"Ah wala yun, wala talaga. Ano lang, sobrang... hindi nga friends, di ba sabi ko nga we're like practically related.

"Siya yung confidante ko, parang ganun.

"Nakukuwento ko sa kanya yung mga problema ko, tsaka yung mga problema niya nakukuwento niya rin, parang ganun.

"Sa lahat po ng nag-iisip na may something sa amin ni Iwa e wala po, magkaibigan po kaming mabuti.

"At iyon nga, sana huwag ninyong bigyan ng ibang kahulugan dahil lang sa lumabas kami, dahil medyo magulo pa," ang natatawa pang sinabi ni Jay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At this point I want to focus on my music, focus on my career, myself, my family and my friends din, iyon lang muna siguro yung room left for me."

Ano naman kaya ang reaksyon ni Jay sa umano'y pagnu-New Year daw ni Kris sa bahay ng mga Revilla?

"Nagulat ako dun pero at least masaya, di ba?

"At least yun na, dumating na sa point na si Kris, masaya na siya ngayon. So sobrang masaya ako para sa kanya.

"Katulad naman ng dati, ang gusto ko lang, maging masaya si Kris."

Kung wala namang plano ang binata na ligawan si Iwa, wala na ba itong planong balikan si Kris?

"Hindi na siguro. Iyon lang... yung sa amin ni Kris ay... iyon na yun.

"Kung ano yung... what we had before is that—had.

"Iyon na yun siguro, and at this point I just want her to be really, really happy with her life, with her career and everything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN