Leandro Muñoz on "colorful past" of rumored girlfriend Iwa Moto: "Alam mo yun, past is past. Bata pa siya noon."

IMAGE Noel Orsal

"Sa ugali, contrary to public opinion and public knowledge, napakabait niyang tao. Hindi natin alam na marami siyang tinutulungan. Parang inampon na mga tao na sinusuportahan, pinapaaral, at pinapakain. She's very family-oriented, sweet. Lahat ng traits of being a good girlfriend-to-be, nasa kanya," says Leandro Muñoz when asked what he likes about his rumored new girlfriend Iwa Moto.


Hindi na pinapansin ni Leandro Muñoz ang sinasabi ng iba na mabilis siyang magpalit ng babaeng mamahalin.

Pagkatapos kasi ng short-lived romance nila ni Nadine Samonte ay may bago ng aktres na nali-link sa kanya—si Iwa Moto.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Leandro kahapon, Pebrero 15, sa big launch ng TV5 para sa mga bagong shows na ilulunsad sa NBC Tent sa Fort Bonifacio Global City, Taguig City.

Kabilang si Leandro sa upcoming afternoon Kapatid teleserye, ang Felina: Prinsesa Ng Mga Pusa, na mapapanood simula sa Pebrero 27.

Kaagad itinanong ng PEP kay Leandro ang tungkol kay Iwa: Ano na ba ang estado ng relasyon nila?

"Ganun pa rin, getting-to-know-each-other stage," simpleng sagot ng aktor.

So, hindi pa sila?

"A, parating na doon. Wala namang problema kasi pareho naman kaming single."

Madalas kasing makita na sila ang laging magkasama ni Iwa.

Sa birthday party kamakailan ng veteran entertainment writer na si Nene Riego ay magkasabay silang pumunta.

Paliwanag ni Leandro, "Yeah, that's true. Kasi kaibigan namin si Nanay Cristy [Fermin], nandun din siya sa party.

"It just happens na na-invite kami ni Nay Cristy, pati ng may birthday."

Ano ba ang nagustuhan niya kay Iwa?

Ayon sa aktor, "Siyempre, sa physical, maganda siya at mestisa-tsinita.

"Sa ugali, contrary to public opinion and public knowledge, napakabait niyang tao.

"Hindi natin alam na marami siyang tinutulungan. Parang inampon na mga tao na sinusuportahan, pinapaaral, at pinapakain.

"She's very family-oriented, sweet. Lahat ng traits of being a good girlfriend-to-be, nasa kanya."

ACCEPTING IWA'S PAST. Hindi ba siya nag-aalala sa mga isyu ni Iwa noon, pati ang magulong lovelife nito noon sa ex-boyfriend na si Mickey Ablan?

Sagot dito ni Leandro: "Alam mo yun, past is past. Bata pa siya noon. Lahat tayo dumaan sa ganun.

"Kahit ako, dumaan sa ganung experience din. It just so happens na artista siya kaya lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo yung mga ganung experience, it just makes you a better person.

"So, ngayon, suwerte ako na nakilala ko siya na better person na siya."

Napag-usapan din ba nila ang tungkol sa isyu na ikinasal umano si Iwa kay Mickey?

"Nagsabi na siya sa akin. Ang alam ko, hindi sila ikinasal. Matagal din silang nagsama.

"Pero ayokong magsalita para sa kanya," diin niya.

Ilang babae na rin kasi ang dumaan sa buhay ni Leandro.

Nagkaroon siya ng isang anak na babae—ang 17 years old na ngayong si Francheska.

Hindi sila nagkatuluyan ng nanay ng anak niya, pero ikinasal siya sa ibang babae na eventually ay nauwi rin sa divorce.

Ang pinakahuling nakarelasyon nga ni Leandro ay si Nadine, pero tumagal lamang ito ng isa o dalawang buwan.

Sa tingin ba niya ay si Iwa na ang tamang babae para sa kanya?

"Puwede. Pero ngayon, I'm really taking it slow.

"Nagko-concentrate din ako ngayon sa trabaho, para sa future siyempre.

"Kasi itong lahat na ito, ginagawa ko para sa anak ko, e.

"So, every decision I make, para sa anak ko talaga, hindi para sa sarili ko.

"Ngayon, kung magkakaroon ako ng relationship at magiging hadlang iyon sa pagiging tatay ko, hindi ko itutuloy," saad ni Leandro.

Nagkakilala na raw si Iwa at ang anak ni Leandro sa pamamagitan ng Skype.

"Ipinakilala ko siya. Nag-chat kami isang beses," banggit ng aktor.

Kumusta naman ang naging pagtanggap ng anak niya kay Iwa?

"Ang anak ko, very mature kasi, e.

"Para sa kanya, kung sino man ang magpapasaya sa akin, susuportahan niya.

"Honest din naman siya na kung ayaw niya yung tao, kokontrahin niya ako.

"What matters to her more is yung happiness ko.

"E, kasi ako, yun din naman ang iniisip ko—yung happiness niya at future niya."

LOOKING BACK AT NADINE. Hindi ba siya nanghinayang sa relasyon nila ni Nadine dahil hindi ito nagtagal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Leandro, "Siyempre, noong una, nanghinayang din ako kasi napakabait din ni Nadine. Family-oriented din si Nadine, e."

Ano ba ang nangyari sa kanila at nauwi ito sa hiwalayan?

"Siguro, kasi si Nadine, very sweet na tao iyan, e. Very sweet na girlfriend.

"Gusto niya lagi ka niyang katabi. E, kaso, pabalik-balik ako sa Amerika, 'tapos sa Pilipinas.

"Siguro natakot siya na baka I won't be there for her always.

"Siguro meant talaga silang magkabalikan ng boyfriend niya dati."

Matapos kasing mag-break sina Leandro at Nadine, muli namang sinuyo ang aktres ng ex-boyfriend nito na si Emerson Chua.

Matagal din kasing naging magkarelasyon si Nadine at ang non-showbiz-businessman guy bago sila naghiwalay. Ngayon nga ay nagkabalikan din sila.

May mensahe ba si Leandro para kay Nadine?

"I'm happy for her. Congratulations sa new show niya, yung Valiente, napakaganda."

FELINA. Maging si Leandro ay may bago ring show sa TV5—ang Felina: Prinsesa ng mga Pusa, na pinagbibidahan ni Arci Muñoz.

Kasama rin sa cast sina Ahron Villena, Carla Humphries, Bing Loyzaga, Jestoni Alarcon, at si Iwa.

Ginagampanan ni Leandro ang role ni Joaquin, isang mekaniko sa perya na mag-aalaga kay Felina (Arci) at magkakagusto rin sa babaeng pusa.

Ayon kay Leandro, "Excited na ako dahil finally maipapalabas na kami sa February 27.

"Ang sarap ng feeling. Kasi in-offer sa akin itong Felina two weeks before matapos ang The Sisters."

Ang tinutukoy ni Leandro ay ang teleseryeng pinagsamahan nila ni Nadine.

"Pinag-isipan ko nga ito, kung kukunin ko ba o babalik na ako sa Amerika. I'm happy na pinili kong tanggapin ito."

Kumusta namang katrabaho si Arci?

"Si Arci, true rocker iyan, e. Cowboy... I mean, cowgirl siya, e. Kahit anong ipagawa mo, gagawin niya.

"Humanga talaga ako sa kanya kasi kahit mahirap, ginagawa niya para sa palabas namin.

"E, ako kasi, cowboy din ako kaya nagkasundo din kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nag-aalala na baka pagselosan ni Iwa si Arci?

"Yun nga ang maganda sa amin ni Iwa, e.

"Kasi kung maging kami man, pareho kaming artista, naiintindihan namin ang trabaho namin.

"Ako, I make it clear sa kanya na hindi ako magiging hadlang sa career niya.

"Wala rin namang problema kina Iwa at Arci kasi magkaibigan sila.

"Pareho silang galing sa StarStruck."

Ang StarStruck ay ang star search ng GMA-7 kung saan nadiskubre si Iwa.

"Actually, nagkakilala kami ni Iwa dahil dito sa Felina, e," lahad ni Leandro.

Natutuwa nga si Leandro na may guest role si Iwa sa Felina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN