Daiana Menezes denies relationship with Governor Chavit Singson; settles P2-million tax evasion case

IMAGE Courtesy of Daiana Menezes

"No, he is my ninong in baptism. I was baptized here, so naging Catholic ako dito," says Daiana Menezes when asked if it's true she's dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson because she's frequently seen in Ilocos.


Nakakahinga na nang maluwag ngayon ang Brazilian model-actress pero pusong Pinoy na si Daiana Menezes dahil natapos na ang problema niya sa P2-million tax evasion case na isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito nga ang ibinalita ni Daiana sa guest appearance niya sa Showbiz Exclusives ng GMA News TV Channel 11 kahapon, Pebrero 23.

"Clear na ang lahat. I paid everything.

"It took them a while to recompute everything.

"But this year, I paid na," sabi ni Daiana sa panayam sa kanya nina Nelson Canlas at Isabel Oli.

Kung tutuusin, hindi naman daw niya ito kasalanan dahil akala niya ay inaasikaso ito ng dati niyang manager.

Nagulat na lang siya nang makatanggap ng sulat mula sa BIR at dito na nga niya nalaman na malaki pala ang tax na hindi pa niya nababayaran.

Kaysa lumala pa ang problema, nakipag-settle na lang siya sa BIR at binayaran ang kulang niyang tax.

NOT DATING CHAVIT. Isa pang isyung binigyang-linaw ni Daiana ay ang balitang nagde-date diumano sila ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Paglilinaw ni Daiana, "No, he is my ninong in baptism. I was baptized in the Philippines, so naging Catholic ako dito."

Diumano'y madalas siyang makita sa Ilocos kaya nabibigyan ng kulay ng iba. Ano ang masasabi niya rito?

"Yeah, I'm always there. I'm always in Ilocos.

"Sometimes bini-visit ko sila. Parang sila ang family ko dito," sabi niya.

STILL NOT IN TALKING TERMS WITH GB. Kinumusta nina Nelson at Isabel ang puso ng Brazilian beauty. Matatandaang galing ito sa breakup mula sa relasyon nito sa direktor na si GB Sampedro.

In-announce pa nga noon na papakasalan si Daiana ni Direk GB. Pero hindi nga roon natuloy ang relasyon.

"Blessing naman na hindi natuloy yung kasal," ani Daiana.

Mukha raw silang masaya noon, pero sa hindi nga magandang paghihiwalay nauwi ang kanilang relasyon ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-uusap na ba sila ng direktor?

"Never na kami nag-usap.

"Actually, yung breakup niya is through text," kuwento ni Daiana.

Tanong ni Nelson, ano ba talaga ang dahilan ng breakup nina Daiana at GB?

"Yun... I think yung gusto niya, hindi ko binigay.

Ano naman yung gusto niya na hindi nga naibigay ni Daiana?

"Honestly, I don't know," sagot ng dalagang Brazilian.

THE CONDO ISSUE. Halos kasabay ng pakikipag-break ni Daiana kay Direk GB ay isa pang pangit na karanasan ang nangyari sa model-actress.

Nasunog kasi ang tinitirhan niyang condominium unit. Sa naturang condo rin two floors apart nakatira si Direk GB.

Nakadagdag din sa sama ng loob niya na hindi man lang daw siya tinulungan ng dating karelasyon.

"I just found out from the guard, sabi niya, 'Ma'am, nasaan po ang mga tao?' Sabi ko, wala namang mga tao.

"Sabi niya, 'Kasi we called him [Direk GB] to help you out.' Siguro tulog lang siya or baka wala.

"Yun pala, nandun siya. Parang wala lang sa kanya."

Nagpapasalamat na lang daw si Daiana sa Diyos na na-survive niya ang lahat ng ito.

WILL NOT LEAVE THE PHILIPPINES. Tinanong ni Isabel kung totoong iiwanan na ni Daiana ang Pilipinas. May nabalitaan kasi raw sila na may offer kay Daiana ang isang Brazilian TV network.

Kinumpirma naman ito ng banyagang dalaga, pero aniya, sa rami ng mga pinagdaanan niyang pagsubok sa Pilipinas, hindi niya kayang basta iwanan na lang ang bansang napamahal na sa kanya.

"I don't think I can ever, like, let it go," seryosong sabi ni Daiana.

Regular naman kasing napapanood si Daiana sa Eat Bulaga!. Mahal na mahal niya rin daw ang mga Dabarkads at hindi niya kayang iwan ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN