Part 1 Daiana Menezes on removing tattoo symbolizing her love for ex-boyfriend GB Sampedro: "The same way that I want to erase the person from my mind and my life, the same way it should be erased from my body."

IMAGE Jerome Ascano

Daiana Menezes on why she doesn't want to discuss reasons of her breakup with Direk GB Sampedro: "Huwag na muna kasi may mga anak siya, e. I'd rather na huwag kong saktan yung mga taong hindi naman connected sa amin. I'd rather keep it to us na lang. Alam naman niya kung ano ang ginawa niya, e. So sana makonsensiya... Ako ang nakipag-break, pero alam naman niya kung ano ang ginawa niya. And I'm sure na yung mga tao sa paligid namin, alam naman din nila kung ano ang reason. Pero


Nakatulong kay Daiana Menezes ang bakasyon niya abroad, partikular na ang pagbabalik niya sa Brazil at pagliliwaliw sa Paris, noong December 2011 hanggang January 2012.

Nakapaghinga raw siya at nagkaroon ng pagkakataong makita muli ang kanyang mga magulang, kapatid, at kamag-anak sa Brazil na matagal na niyang hindi nakikita.

Dapat nga raw ay babalik siya uli sa Brazil para sa Rio Carnival nitong nagdaang February, pero hindi ito natuloy.

"I had to turn it down kasi ang dami kasi akong contracts here na kailangang tapusin," paliwanag ni Daiana sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last March 7, nang dumalo siya at makisaya sa thanksgiving party ng PEP na ginanap sa Centerstage Makati.

"Dahil kung umoo sa kanila," patuloy niya, "hindi ako puwede dito. It requires me two months of rehearsal.

"Hindi ako puwedeng mawala because of my contracts here. And I think na mahirap mawala ka ng two months.

"I mean, I have to be very responsible to the contracts that you've signed before and if I'd done that, hindi naman magiging maganda sa mga tao dito, hindi rin magiging maganda sa akin."

Pinairal lang daw ni Daiana ang pagiging professional niya kaya hindi masasabing inisnab niya ang sarili niyang bansa.

"Hindi naman negative yung pagte-turn down ko doon. Kasi hindi naman ako sikat-sikat doon.

"Hindi pa ako artista doon, hindi pa ako nagsisimula sa showbiz doon.

"Dito ako may career.

"Like what I said, may mga contracts ako dito."

BODY TATTOO. Napansin ni Daiana ang pagsulyap namin sa tattoo niya sa kanang braso na simbolo ng pagmamahalan nila ng dati niyang boyfriend—ang TV and concert director na si GB Sampedro.

Ipapatanggal na raw niya ang nasabing tattoo.

Aniya, "Mawawala na ito. Ipapa-laser ko na ito.

"I will erase everything that doesn't make me feel good. So, this one will also be erased.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will start this month and it's gonna take raw mga six months para talagang mabura.

"Yun nga, e, yung paglalagay ng tattoo, it will only take five minutes. Pero yung pagtatanggal, mga six months to remove it."

Wala bang pagsisisi sa paglagay ng simbolo ng pagmamahal mo sa isang tao pero hindi naman kayo nagkatuluyan? 'Tapos mayroon pang marka sa balat?

"No, not at all," sagot ni Daiana.

"Kasi by that time I had a tattoo, I was so happy, I was so in love.

"So, I know what I was doing.

"But now, natuto naman ako na hindi dahil sa emotions mo dadalhin mo sa mga bagay na permanent, like dito nga sa tattoo.

"Parang it's like having a baby na you will carry it for the rest of your life.

"So, next time, maingat na ako sa mga bagay na hindi pa ako sure."

RELATIONSHIP WTH DIREK GB. Positibo na ang tingin ni Daiana sa pagdadaanang hirap at haba ng panahon para tuluyang mabura ang alaala sa katawan niya ni Direk GB.

"Wala, you think na lang na it's part of growing up... its part of you becoming more mature.

"Saka, I have no regrets at all because I don't look at the past in a bad way.

"It was all done with love and it's going to be done with love again.

"Gusto kong mas mahalin muna ang sarili ko. Hindi yung titingin ako sa braso ko na hindi naman maganda yung memories na naalala ko."

Apelyido nila ni Direk GB ang naka-tattoo sa braso ni Daiana.

Kapag binasa ito nang paharap sa Brazilian, pangalan ni Direk ang mababasa.

Kapag binasa naman ito nang nakatalikod kay Daiana, pangalan niya ang mababasa.

Sinubukan na raw ni Daiana na takpan ang tattoo sa paglalagay ng ibang design. Kaya lang ay mas lumaki ito kaya gusto na lang niyang ipatanggal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pa, gusto na raw talaga niyang matanggal ang alaala sa katawan niya ng dating kasintahan.

"The same way that I want to erase the person from my mind and my life, the same way it should be erased from my body," saad niya.

RECOVERY FROM BREAKUP. Naka-recover na raw nang husto si Daiana sa pagiging heartbroken at nakatulong daw ang bakasyon niya sa abroad.

"That's why I went home, nag-unwind. Nakita ko yung family ko.

"I saw everbody that is worth to love, because if that person is worth loving, you would be after whatever he claimed in the beginning—which he didn't do.

"Yun nga, parang lalake kasi, e. They come, they promise you things, you fall in love with them... it's up to you to believe. Ma-hurt ka or..."

Nilinaw rin ni Daiana ang isyung tinanggihan niya ang offer na kasal ni Direk GB.

"I told him it wouldn't that easy or fast. Hindi naman yung kinabukasan magpakasal na agad.

"Of course, I totally committed naman to him talaga. I was really in love and willing to marry that person.

"And then, at the end of the relationship, nagiging pangit naman talaga ang ending.

"Yes, of course, every breakup naman, hindi nagiging maganda."

Matibay ang rason ni Daiana kung bakit pigil siyang magsalita sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni direk GB.

"Huwag na muna kasi may mga anak siya, e.

"I'd rather na huwag kong saktan yung mga taong hindi naman connected sa amin.

"I'd rather keep it to us na lang.

"Alam naman niya kung ano ang ginawa niya, e. So, sana makonsensiya...

"Ako ang nakipag-break, pero alam naman niya kung ano ang ginawa niya.

"And I'm sure na yung mga tao sa paligid namin, alam naman din nila kung ano ang reason.

"Pero if somebody wants to know further, just dig the history di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dig the history na lang.

"Ako, babae lang ako, na-in love lang talaga ako, sorry."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN