Jennica Garcia scoffs at pregnancy rumor

IMAGE Noel Orsal

"'Tsaka ang taong buntis, kahit anong deny niyan, di ba, bubukol at bubukol 'yan, lalaki at lalaki 'yan? Kaya lang, naisip ko na lumalaki kasi [ang isyu], nag-umpisa lang nahimatay, tapos naging nahimatay, nagsusuka, tapos nahimatay, nagsusuka, buntis," says Jennica Garcia about rumor that she is pregnant.


Nilinaw ni Jennica Garcia ang kumalat na balitang buntis siya sa live interview niya sa Showbiz Central kahapon, July 10.

Ang unang binanggit ng host na si Raymond Gutierrez ay ang tungkol sa pagkahimatay ni Jennica sa taping ng Captain Barbell, kung saan nag-guest ang young actress. Dahilan upang umusbong ang intrigang nagdadalang-tao siya.

Paliwanag ni Jennica, "Totoo naman, kasi hinimatay naman ako.

"Dini-dysmenorrhea kasi ako noon, tapos at the same time, gastritis. So, nagsabay.

"Tapos madaling-araw na nun, tapos dalawang araw na magkasunod na taping yun, natapos kami nun mga 5:30 ng umaga.

"Call time namin the following day is nine o clock, so pagod na rin. Pagod na rin, ganyan, ayun."

Dinala ba siya sa hospital?

"A, hindi naman," sabi ng dalaga.

"Nag-panic sila, nag-panic sila kasi bumagsak ako sa batuhan, so nagsugat ang tuhod ko, ayan, dumugo!

"Tapos nung nahimasmasan na ako, nakahiga na ako sa kama, tapos sabi ko, 'Aray, aray, yung tiyan ko!'

"Tapos biglang, 'Aray, pati tuhod ko!'

"Gulat na gulat na lang ako na, 'Ay, ano ba 'yan? 'Yan ba ang nangyari?' Ganun!" ang natatawang kuwento ni Jennica.

Nadawit sa isyu ang boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytiungco, na tinawagan agad ni Jennica when the issue came out.

"Tawa siya nang tawa, e! Tawa siya nang tawa, tapos... Ano ba? sabi niya. 'A, dedma na lang! Huwag na lang pansinin 'yang mga ganyang bagay,'" kuwento ng young actress sa naging reaksiyon ni Alwyn.

Isang taon na ang relasyon nina Jennica at Alwyn at open naman sila sa publiko tungkol dito.

Ang ina ni Jennica na si Jean Garcia, nang hingan ng media ng pahayag about the issue, simple lang ang isinagot nito: si Jennica na lang ang tanungin, dahilan para ma-curious lalo ang mga tao.

Sabi naman ng young actress, "Si Mommy kasi, nasanay na kaming dalawa na... Siguro respeto na rin sa isa't isa, na kapag meron siyang isyu na hindi naman ako kasama doon, hindi ako nagre-react.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kaya siguro ganun na lang din yung nasabi niya kasi siyempre malaki na rin ako, I'm twenty-one years old.

"Kung may mga tanong, kaya ko rin namang sagutin 'tsaka... so siguro iyon na lang din yun."

IS SHE PREGNANT? Pagkatapos nito ay diretsong tinanong ni Raymond si Jennica kung buntis siya.

"Hindi, hindi... hindi talaga," mariing tanggi ng young actress.

"Sa totoo lang, alam mo, ayoko talaga sanang magpa-interview kasi kagaya nga ng sinabi ni Mommy...

"Ako actually ang nagsabi sa kanya, 'O, Mommy, baka magulat ka ha, meron akong buntis issue!'

"Tapos tumawa lang siya. Sabi niya, 'Dedma na lang, hayaan mo na, tutal hindi naman totoo.'

"'Tsaka ang taong buntis, kahit anong deny niyan, di ba, bubukol at bubukol 'yan, lalaki at lalaki 'yan?

"Kaya lang, naisip ko na lumalaki kasi [ang isyu], nag-umpisa lang nahimatay, tapos naging nahimatay, nagsusuka, tapos nahimatay, nagsusuka, buntis."

Sino ang unang nagbalita sa kanya at ano ang una niyang naging reaksyon dito?

"Yung totoo? Una kong naisip... unang lumabas na salita sa bibig ko 'Ang chaka!'

"Sabi ko, 'Ang chaka! Ano ba 'yan, may masabi na lang!' Kasi hindi naman talaga totoo.

"Hindi ako naging emotional. Hindi ako na-bad trip. Hindi ako umiyak.

"Wala, yung ano lang, medyo nakakatawa, actually."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN