Part 1. Jaclyn Jose on ex-boyfriend Mark Gil: "I don't think he likes me. Parang there's something in him na parang buwiset siya sa akin."

IMAGE Noel Orsal

Jaclyn Jose on her limited communication with Mark Gil (inset): "Wala na kaming dapat pag-usapan sa sarili namin. Kung nag-uusap man kami, it's all about Andi and our apo. Matatanda na kami para mag-usap pa kami ng personal."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay lalabas sa isang teleserye ng TV5 ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Kasama siya sa cast ng primetime series na Valiente, ang remake ng daily soap ng TAPE Inc. noong '90s.

Ang huling apat na seryeng ginawa ni Jaclyn ay para sa ABS-CBN, na ang pinakahuli ay ang Reputasyon.

Pero ngayon nga ay pansamantala munang iiwan ni Jaclyn ang Kapamilya network upang makipagtrabaho sa Kapatid network.

Bilib naman si Jaclyn sa naranasang pakikipagtrabaho sa production team ng TV5.

"Okey sila, alam nila ang ginagawa nila, yung nag-i-start sila nang tama. Huwag lang silang mabuyo ng ibang tao.

"Maganda kasi... yung tent namin, maganda, yung VIP resting place namin.

"Saka yung VIP restroom namin, bukod sa Male and Female," saad ni Jaclyn.

WORKING WITH HER EX. Kasama rin sa cast ng Valiente ang dating karelasyon ni Jaclyn na si Mark Gil, na siya ring ama ng anak ng aktres na si Andi Eigenmann.

Mag-asawa ang papel nina Jaclyn at Mark sa serye.

Kaswal lang ang reaksiyon ni Jaclyn sa pangungumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa working relationship nila ni Mark.

"Wala," pagkikibit-balikat ng prankang aktres.

Nilinaw ni Jaclyn na hindi si Mark ang rason kung bakit niya tinanggap ang Valiente.

Aniya, "Yung Valiente ang tinanggap ko at hindi si Mark Gil... and Tuviera.

"Pero from the start, sinabi na sa akin na makakasama ko nga si Mark. Okey lang naman."

Ang pamilya ni Mike Tuviera ang may-ari ng TAPE Inc., ang producer ng Valiente at ng noontime show na Eat Bulaga!.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project nang malaman niyang makakasama niya ang dating kasintahan?

"Mamamatay naman siya, e," sabi ni Jaclyn, na ang ibig niyang sabihin ay ang karakter ng aktor sa serye.

Nagkailangan ba sila ni Mark sa kanilang mga eksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kami nagkailangan at all, parang co-actor na lang," sabi ni Jaclyn.

Nang biruin namin si Jaclyn kung may mga paramdam ba si Mark sa kanilang pagbabalikan, mabilis ang kanyang naging sagot.

"Wala! Walang-wala. Akala mo nga ibang tao na, e!" mariin niyang sabi.

Maliban sa pagiging civil sa isa't isa, trabaho na lang daw ang namamagitan sa kanila ni Mark.

Hindi lang daw maintindihan ni Jaclyn kung bakit may mga pagkakataong nagkakaroon ng iritahan sa pagitan nila ng aktor.

"Minsan may mga ano sa set... merong mga initan ng ulo.

"Ewan ko kung ano ang problema niya. Siguro dahil sa mga lines.

"Si Joel [Lamangan, director ng serye], pukpok talaga e. Kahit ako nga, e.

"Alam n'yo kung paano magtrabaho si Joel? Hinga lang ang pahinga.

"Hindi ka maka-jingle, e. Talagang hinga."

NOT FRIENDS. Aminado si Jaclyn na hindi sila naging magkaibigan ni Mark kailanman.

"Hindi talaga. Hindi tulad nina Michael at Gina," sabi niya.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang dating mag-asawang Michael de Mesa at Gina Alajar, na kasama rin sa cast ng Valiente. Si Michael ay kapatid ni Mark; pareho silang Eigenmann.

Pagtatapat pa ni Jaclyn, hindi niya mahanapan ng kasagutan kung bakit nagkaganito ang naging sitwasyon nila ni Mark.

"I don't think he likes me. Parang there's something in him na parang buwiset siya sa akin.

"Ewan?! Naaasar siya sa akin.

"Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Nararamdaman ko naman, hindi ko na kailangang itanong kung bakit... Nakikita mo sa trato, e.

"Hindi ko talaga alam," saad niya.

Hindi rin itinago ni Jaclyn ang katotohanang hindi sila madalas mag-usap ng ama ng kanyang anak.

Aniya, "Wala na kaming dapat pag-usapan sa sarili namin.

"Kung nag-uusap man kami, it's all about Andi and our apo.

"Matatanda na kami para mag-usap pa kami ng personal."

Ang apo na tinutukoy ni Jaclyn ay ang anak ni Andi na si Adrianna Gabriellie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RELATIONSHIPS. Nang purihin si Jaclyn sa pananatili ng kanyang kabataan, humirit ito ng linya na: "Oo nga... siya lang ang matanda."

Ang pinatutungkulan ng aktres ay si Mark.

Pero pagdating sa mga pinagdaanang relasyon, mas marami ang kay Mark kumpara ng kay Jaclyn.

"Paano ba naman yung mga alaga ko? 'Tapos may apo pa ngayon, si Gabriellie, di ba?

"Pero gusto ko rin naman siyempre [magka-boyfriend]. Sana, kung puwede," sabi ng aktres na naging paborito ng yumanong direktor na si Lino Brocka.

Nilinaw ni Jaclyn ang balitang sila na raw ng character actor na si Lito Pimentel.

Magkasama ang dalawa sa natapos nang afternoon soap ng ABS-CBN na Reputasyon.

"Hindi... Yung time ng Reputasyon, merong tao sa iyong nagmamalasakit, kung 'kumain ka na,' tapik-tapikin ang likod mo, 'pagod ka ba...'

"Parang masarap din minsan pala... Hindi, may yakap ba? Hindi ko na matandaan," nangingiting sabi ni Jaclyn.

Ipinagpapasalamat naman ni Jaclyn na hindi sila nagkatuluyan ni Mark matapos ang sandaling pagsasama nila.

"Hinding-hindi! Lalo na sa hitsura niya ngayon!" bulalas niya.

Sabi pa ng aktres, hindi siya dapat sisihin kung napag-iwanan niya si Mark sa hitsura.

"Problema na niya yun. Ako maganda at siya tuyot!

"Biro lang... baka magalit si Andi," sabay bawi niya.

Wala namang masabing hindi maganda si Jaclyn tungkol sa samahan ng kanyang anak na si Andi at ni Mark.

"Okey naman sila. Hindi ko naman pinagbabawalan si Andi na ano, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN