Marian Rivera on working again with Dingdong Dantes: "Siguro masasabi ko na mas tumindi yung relationship namin, kung anong meron kami, nang dahil dito sa My Beloved."

My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg">

My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg">

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on cooking and preparing diet food for boyfriend Dingdong Dantes: "Hindi naman ako nagdyi-gym para masamahan siya, so 'yon na lang ang gagawin ko. Sabi niya sa akin yung mga puwede at hindi niya puwedeng kainin. So, ako yung naghahanda nun para sa kanya. Para at least, name-maintain niya yung magandang katawan."


Eksakto isang buwan matapos ipalabas ang huling episode ng epic-serye ng GMA-7 na Amaya, mapapanood muli si Marian Rivera sa isang primetime series.

Sa February 13, Lunes, ay magsisimula nang umere ang My Beloved na pagbibidahan ni Marian at ng kanyang kasintahan na si Dingdong Dantes.

Halos katatapos lang ng Amaya nang simulan ni Marian ang taping ng bago niyang teleserye sa Kapuso network, pero hindi naman daw siya masyadong nahirapan na bitawan ang karakter ni Amaya—na halos isang taon din niyang ginampanan—para gampanan ang bago niya role bilang si Sharina.

Ayon kay Marian, "Siguro nung una, masasabi ko oo, pero nung nakapa ko na yung character ni Sharina, okay na.

"Kasi napaka-light lang naman ng character ni Sharina compared naman sa Amaya na talagang ang bigat.

"Eto, medyo bait-baitan lang, 'tapos malambing lang ako sa kapatid kong si Jennica [Garcia], 'tapos na-in love lang ako kay Dingdong... the usual lang na nangyayari sa buhay.

"Siguro maganda lang kasi maraming twists na nangyayari, na maraming aksidente.

"'Tapos marami ang hadlang sa pag-iibigan namin ni Benjie [Dingdong], yung conflict naming magkapatid, 'tapos may kontrabida pa—si Tita Chanda [Romero], si Tita Nova [Villa]... maraming gano'n, ang dami!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marian sa grand launch ng My Beloved kagabi, February 7, sa Studio 7 ng GMA Network.

Sinimulan daw ni Marian ang pagta-tansform para sa role niya bilang Sharina sa pamamagitan ng pagpapagupit ng buhok.

"Kasi pag mahaba, Amaya talaga, e.

"So yun, pagupit ako, bangs-bangs konti para iba lang," sabi ng aktres.

Isa pang ikinatutuwa ni Marian tungkol sa My Beloved, karamihan sa cast members nito ay nakatrabaho na niya noon.

Maliban kay Dingdong na ilang beses na niyang nakatambal, nasa cast din sina Katrina Halili na nakasama ni Marian sa Marimar; si Paolo Contis sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang; si Jennica Garcia sa One True Love; at si Mikael Daez sa Amaya at Temptation Island.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya, masaya," sambit ni Marian.

"Kasi sa set pa lang, magaang na kasi nakatrabaho ko na si Jennica 'tapos si... halos lahat nakatrabaho ko na.

"Si Katrina, nakakatuwa kasi tulad ng sabi ko kanina, parang Marimar lang.

"Pero sa pagkakataong ito, talaga namang walang isyu ha, walang isyu sa amin, okay kami."

KATRINA HALILI. Nabanggit na rin lang si Katrina, tinanong si Marian tungkol sa isang eksena sa My Beloved na nagsasabunutan sila.

Biro ng press kay Marian, buti't pumayag siyang sabunutan ni Katrina?

"Bakit naman hindi?" natatawang sabi niya.

"Ako pa nga ang nagsasabi, 'Kulang 'yan, sabunutan mo pa ako!'

"'Yan [palayaw ni Marian], anong gagawin ko?'

"'E, bakla ka, sabunutan mo ako!'

"Sabi niya, 'Ganito?'"

"'Hindi! More pa!'"

Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon sina Marian at Katrina habang ginagawa nila ang Marimar.

Sabi nga ni Marian, "Saka nakakatuwa din na after nung matapos yung Marimar, nag-usap kaming dalawa.

"E, wala namang dahilan para magkaroon kami ng gap talaga sa isa't isa.

"Yun ang nakakatawa, parang ang tagal na panahon na pinag-aaway kami, kung anu-ano ang sinasabi.

"Nung nag-usap kami, 'Anong problema?'

''Wala.'

"'May problema ka ba sa akin?'

"'Wala.'

"'E, ba't ganito tayong dalawa?'

"Doon nagsimula."

Wala rin daw kaso kay Marian kung may mga maiinit na eksena sina Katrina at Dingdong sa My Beloved.

Sabi ng Primetime Queen ng GMA-7, "Okay lang kasi ang trabaho ay trabaho naman.

"As long as professional ka, alam mo yung limitations mo, wala namang problema.

"Ako naman saka si Katrina, nagkatrabaho na dati sa Marimar, so wala nang bago sa akin doon.

"At malaki ang respeto sa akin ni Katrina. Ganun din naman ako sa kanya...

"Kaibigan ko yung tao, yun ang masasabi ko—kaibigan ko siya."

At sa pagkakataong ito ay hindi na raw mauulit ang nangyari sa kanila noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi na. Feeling ko, kahit na anong gawin, wala na, kasi okay talaga kami. Yun ang nakakatuwa do'n.

"Kaya nga sabi ko kanina, parang Angelica-Marimar-Sergio lang ito. After ng ilang taon yun, ha...five years!

"'Tapos ngayon lang kami ulit nagkatrabaho ni Kat," saad ni Marian.

WORKING WITH DINGDONG. Pero siyempre, mas marami ang excited sa muling pagtatambal nina Marian at Dingdong dito sa My Beloved.

Huling nagkatambal ang magkasintahan sa teleseryeng Endless Love at pelikulang You To Me Are Everything, na parehong ipinalabas noong 2010.

Kumusta ang balik-tambalan nila ni Dingdong?

"Masaya kasi hindi ko inaakala na magkasama na kami sa trabaho, nagkikita kami as partner, di ko alam na...

"Umpisa pa lang, sabi ko sa kanya, sigurado ako mangangapa ako kasi siyempre iba yung magkatrabaho kami na katulad dati, iba naman ngayon.

"Pero mas masaya pala at mas masarap ang pakiramdam na magkasama kami sa trabaho.

"Siguro masasabi ko na mas tumindi yung relationship namin, kung anong meron kami, nang dahil dito sa My Beloved," saad ni Marian.

Sa ipinakitang teaser ng My Beloved ay may eksenang naghahalikan sina Marian at Dingdong, kaya inusisa rin ng press ang aktres tungkol dito.

"Medyo nahirapan po akong makipag-kissing scene sa kanya, parang nagtanong muna ako..." natatawang biro ni Marian.

Dito sa kanilang bagong teleserye ay ginagampanan ni Dingdong ang papel ng isang "sundo"—isang nilalalang na "sumusundo" sa mga taong mamamatay na.

Si Dingdong ang "sundo" ni Marian sa istorya.

Ang mga "sundo" ay maihahantulad sa "angel of death," kaya natanong si Marian kung masasabi ba niyang si Dingdong ang anghel ng buhay niya.

"Anghel? Hindi lang siya anghel para sa akin, parang all-around yata siya. Puwedeng tatay ko, puwedeng... lahat puwede sa kanya.

"Totoo naman!" sagot ni Marian.

Bilang "sundo," kakapirasong tela lamang na pang-ibaba ang suot ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagtanong mula sa press kung "nae-excite" ba si Marian kapag nakikita niya si Dingdong na halos walang saplot?

"Excite? Hindi, e, parang baligtad nga, e.

"Ako yung mas...yung parang baligtad kami na, 'Hay, nakahubad yung mga lalake! Hay, ang daming nakahubad!'

"Parang hindi na ako nasanay sa Amaya kasi talagang bahag, literal.

"Eto kasi mga hunk, e. Alam mo 'yon?

"Parang ako yung nahihiya pag nakikita...

"Kaya pag may mga sundo talaga, hindi ako masyadong tumitingin, hindi ako masyadong nanonood."

Paano sa kaso ni Dingdong?

"Natutuwa ako sa hitsura niya kasi yung buhok niya mahaba, mas mahaba pa sa buhok ko."

Ang British actor na si Orland Bloom daw ang naaalala ni Marian sa hitsura ni Dingdong bilang isang "sundo."

Gumanap kasi noon si Orlando bilang Legolas sa trilogy movie na The Lord of the Rings, kunsaan mahaba rin ang buhok nito.

Dahil nga madalas na nakahubad si Dingdong sa mga eksenan niya sa My Beloved, tinutulungan daw siya ni Marian na mapanatili ang maganda nitong pangangatawan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagluluto at paghahanda ng mga kakainin ni Dingdong.

Saad ni Marian, "Hindi, kasi naano din naman ako sa kanya, talagang pinagbubutihan niya yung pagda-diet niya.

"Siyempre mahirap naman kapag... siyempre nag-e-expose siya ng katawan.

"Siyempre kahit ako, kahit nung Darna ako, ayoko nung may maipipintas sa akin, na kahit konting taba, ayoko 'yon.

"Hindi naman ako nagdyi-gym para masamahan siya, so 'yon na lang ang gagawin ko.

"Sabi niya sa akin yung mga puwede at hindi niya puwedeng kainin.

"So, ako yung naghahanda nun para sa kanya.

"Para at least, name-maintain niya yung magandang katawan."

Anong klaseng mga pagkain ang inihahanda niya para sa aktor?

"Depende, may iba-iba siyang gusto... walang carbs, walang salt. Lahat na puwede, pero bawal ang vegetables.

"Ako na bahala magluto. Halimbawa today, chicken yung iluluto ko. Next week ano naman, fish naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagagawa niya pa yun sa kabila ng hectic schedule niya?

"Oo nga, e, hindi ko rin alam kung anong powers meron ako pero..." nangingiting sabi ni Marian.

Proud ba siya na nakikita niya yung ganung katawan ni Dingdong dahil sa kanya?

"Hindi naman. Malaki yung hirap niya dahil nagdyi-gym naman siya every day bago pumunta sa taping. So, ganun siya kasipag."

My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg">


My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg"> My Beloved."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27348/marian-rivera-on-working-again-with-dingdong-dantes-siguro-masasabi-ko-na-mas-tumindi-yung-relations" data-desc="Marian also reunites with "Marimar" co-star Katrina Halili." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2499d6aa9.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN