KC Concepcion downplays "rivalry" of her show X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search

X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg">

X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg">

IMAGE Monching Jaramillo

KC Concepcion on hosting a Kapamilya singing search while her mom Sharon Cuneta also has her own Kapatid singing contest: “Good yun for… sa ating mga Filipino. Sa sobrang daming magagaling… Magagaling naman talaga'ng mga Filipino. Siyempre nag-o-audition kami. Sa 'kin, parang there’s room for more singing competitions.”


Nadatnan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si KC Concepcion sa conference room ng Viva Films sa Tektite Building, Ortigas, Pasig City, kahapon, April 19, kung saan ginanap ang story conference ng pelikulang pagsasamahan nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay.

Ang working title ng pelikula nila ay Nothing Compares To You.

Ilang araw pa lang nakakabalik si KC mula sa Hawaii kung saan niya ipinagdiwang ang kanyang ika-27 kaarawan noong April 7.

Ayon sa dalaga, nagawa na rin niyang mag-surfing kahit takot na takot ang kanyang mga kaibigan para sa kanya dahil may mga pating daw sa lugar kung saan siya nag-surf.

Obviously, wala naman daw nangyaring masama sa kanya dahil buung-buo naman namin siyang kausap nang sandaling yun.

Nagpaunlak agad ng panayam sina KC at Anne, pero dahil hindi pa nasisimulan ang kanilang storycon, wala pa silang masyadong maikuwento tungkol sa pagsasamahang pelikula.

MATURE ROLE FOR KC? Nang balikan ng PEP at mga entertainment press si KC, nakangiti ito at sinabing mas may maikukuwento na raw siya dahil tapos na ang kanilang meeting sa bago nilang pelikula.

Ayon kay KC, “Masaya kasi yung role for me... hindi siya masyadong safe.

“And ‘ando’n ako sa time na… sa time ng buhay ko na parang hindi na ako masyadong bagay sa sobrang safe dahil sa pinagdaanan ko na… namulat na yung mga mata ko. Gano’n.

“So yun. Excited ako na mero’n akong something new na paglalaruan… na pagtatrabahuan,” pahayag niya.

Ang tinutukoy marahil ni KC dito ay ang kabiguan niya sa pag-ibig matapos ang breakup nila ni Piolo Pascual.

Gaano ka-mature na KC ang mapapanood sa bago niyang pelikula?

“Hindi naman siguro sobra. Hindi rin.

"Siguro natural lang na paggu-grow up. Yung gano’n.

“Sana, sa lahat ng napagdaanan ko na experience ko sa buhay, kahit papa'no mailabas ko sa mga eksena para naman matulungan yung ibang babae na magkaroon ng inspirasyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang bagong makikita sa kanya sa pelikulang kanilang gagawin?

“Siguro first time ko rin makatrabaho si Anne pero… na may babaeng co-star na makatrabaho.

“Kasi usually loveteam. Or, uhm… mas nakakatanda sa ‘yo.

"So, it’s a first time na dalawang babae kaya parang iba rin for me."

PRESSURED TO WORK WITH ANNE AND DEREK? Nakakaramdam ba siya ng pressure dahil ang co-stars niya ay galing sa pelikulang No Other Woman na tumabo nang husto sa takilya?

“Yeah! Siyempre naman may pressure. Sino ba naman ako para biglang mapasama sa…

“Gano’n naman, e, kahit sa'n ka pumunta...

"But I’m grateful. I’m thankful. I have to make sure na I’ll do my best.

“I’ll make sure na magiging maganda yung atake ko sa role ko.

“I’m very pressured but sa dami ng napagdaanan ko rin, hindi ko na priority yung ma-prove yung sarili ko.

“Siguro it’s more of gawin ko lang maganda yung ginagawa ko,” saad niya.

Ano naman ang opinyon ng kanyang ina na si Sharon Cuneta sa pagtanggap niya ng pelikulang ito?

"Alam naman ni Mommy.

“Masaya siya. Okay naman siya. 'Sige pagbutihan mo lang. Alam ko namang gusto mo 'yan….' She trusts me naman.”

KC VS SHARON? Malapit nang simulan ang bagong show ni KC sa ABS-CBN, ang Philippine edition ng singing search na X-Factor.

Sa TV5 naman ay maghu-host din ang kanyang inang si Sharon ng isa rin singing competition—ang Kanta Pilipinas.

Tuloy, hindi maiwasang malagyan ng intriga na tila pinagtatapat silang mag-ina.

Pero ayon kay KC, “Good yun for… sa ating mga Filipino.

"Sa sobrang daming magagaling… Magagaling naman talaga'ng mga Filipino. Siyempre nag-o-audition kami.

"Sa 'kin, parang there’s room for more singing competitions.”

Nasabi raw minsan ni KC na kung anuman yung nangyayari sa kanyang career ay pinaghihirapan niya bilang isang indibiduwal—hindi dahil anak siya ng mga sikat na artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya rito, “Sa ganitong industriya, hindi na po siguro nagma-matter kung ano yung pangalan mo.

“O ano yung pinaggalingan mo or ano yung pamilya mo.

“Or kung mayaman ka o hindi. Hindi na yun nagma-matter, e.

"Kasi sa sobrang dami ng magagaling na babae. Magagaling na artista at magagandang artista.”

GABBY CONCEPCION. Sa isang banda naman, may balitang inaasahan daw ng ama ni KC na si Gabby Concepcion na siya ang magsisilbing tulay para mapalapit ito kay Cloie, ang anak ng aktor sa dating aktres na si Jenny Syquia.

Ano ang masasabi ni KC dito?

“Hmmm... Hmmm,” natigilan muna niyang sagot na nangingiti.

“Siyempre kapatid ko yun.

"Papa, iba pa rin yung pinagsamahan ng dalawang girls na magkapatid.

“Siyempre yung mga sine-share sa 'kin bilang kapatid niya… I understand Cloie," sa desisyon daw ng kapatid na dumistansiya muna sa kanilang ama.

"I understand her but, uhm… siguro it’s enough na mero’n akong relationship with Cloie bilang kapatid niya.

“Yun yung way ko na maging responsableng ate kahit papa'no…

“So, pagdating kay Papa, nasa kanila na yun.

"Same way na wala rin naman akong kinalaman sa relasyon ni Garrie ‘tsaka ni Papa,” patungkol niya sa isa pa niyang kapatid sa ama.

“Si Garrie rin po gumawa ng paraan para makita siya [Gabby].

"So si Cloie, she will know sa sarili niya kahit walang gumawa ng way. She will know what to do.”

Na ang nais niyang tukuyin ay darating din ang panahon na si Cloie mismo ang lalapit sa kanilang ama sa takdang panahon.

MOVIE WITH HER SISTERS? Payag ba siyang gumawa ng pelikula kasama ang kanyang dalawang kapatid sa ama dahil pareho na ring pinasok ng mga ito ang showbiz?

“Simula po no’ng ma-experience ko na magtrabaho with Papa, parang hindi ako kumportable na maka-work yung totoong kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na maging pelikula yung relasyon ninyo.

"Ayoko na po. Let’s stay in a world of make-believe and keep it that way," sagot ni KC.

X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg">


X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg"> X Factor and mom Sharon Cuneta's own singing search" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/27357/kc-concepcion-downplays-rivalry-of-her-show-x-factor-and-mom-sharon-cunetas-own-singing-search" data-desc="The mega daughter is not keen on appearing in a movie with her half-sisters." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/c1cca1036.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN