Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sharon Cuneta ends rift with aunt Helen Gamboa: “Oo, okay na ang lahat."

by Melba R. Llanera
May 7, 2012
Sharon Cuneta on reconciling with aunt Helen Gamboa: “Siyempre, nagpapakumababa naman ako. If there’s one person in the whole world na mag-iisip na magmamalaki ako and forever ko siyang hindi kikibuin, medyo hindi tama ang pag-iisip nun, kasi hindi naman nila ako pinalaking ganun at kasama siya dun sa nagpalaki sa akin. Of course, I’m happy, nagpakumbaba ako.”

Mismong si Senator Tito Sotto ang nagbalita na nagkaayos na ang asawa niyang si Helen Gamboa at ang pamangkin nitong si Sharon Cuneta.

Kinumpirma naman ito mismo ni Sharon nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy sa Quezon Memorial Circle kagabi, May 6.

“Oo, okay na ang lahat,” nakangiting sabi ng Megastar.

“Sinadya ko talaga na walang makaalam sa Twitter or kahit saan kasi it’s a private thing.

“Ever since, sinasabi ko lang naman na medyo… yung sama ng loob ko.

“Alam ko naman na ang kakahinatnan nun, paglipas nun, walang pupuntahan yun kundi kami-kami rin naman—we’ll end up together.

“Alam mo, hindi puwedeng burahin ang pagmamahal namin kasi we’re very close at hindi lang yun—mama ko nga siya, di ba?”

Si Helen ay kapatid ng ina ni Sharon na si Elaine Cuneta.

Patuloy ng Megastar, “Siyempre, nagpapakumababa naman ako.

“If there’s one person in the whole world na mag-iisip na magmamalaki ako and forever ko siyang hindi kikibuin, medyo hindi tama ang pag-iisip nun, kasi hindi naman nila ako pinalaking ganun at kasama siya dun sa nagpalaki sa akin.

Continue reading below ↓

“Of course, I’m happy, nagpakumbaba ako.”

Kailan naman kaya sila magkikita ng kanyang tiyahin?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ay, ‘yan ang hindi ko alam,” sagot ni Sharon.

“But it’s her birthday tomorrow [May 7]… Mama, Happy Birthday po. Tinext ko na siya.

“I have to work the whole day… hindi ko alam kung tonight yung birthday [celebration] niya.

“Ayoko namang first time kaming magkikitang dalawa after a long time, ang daming tao.

“I’ll surprise her one day soon.”

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Helen Gamboa
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on reconciling with aunt Helen Gamboa: “Siyempre, nagpapakumababa naman ako. If there’s one person in the whole world na mag-iisip na magmamalaki ako and forever ko siyang hindi kikibuin, medyo hindi tama ang pag-iisip nun, kasi hindi naman nila ako pinalaking ganun at kasama siya dun sa nagpalaki sa akin. Of course, I’m happy, nagpakumbaba ako.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results