Andrea del Rosario on how being a mom changed her life

IMAGE Patrick Azucena

Andrea del Rosario on being a mom: “Masarap na mahirap, na hindi mo maintindihan pero mas maraming masarap. Alam mo ‘yon, na talagang lahat ng pagod mo nawawala.”


Hindi naging madali para kay Andrea del Rosario ang unang taon ng pagsilang ng kanyang anak na si Beatrice Anne.

Maraming naging komplikasyon ang kanyang anak, dahilan upang sumailalim ito sa apat na operasyon sa murang edad.

(CLICK HERE for related article)

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea del Rosario noong Mayo 23, sa pagbubukas ng ikatlong branch ng kanyang restaurant na Longganisa Sopresa sa Maysilo Circle, Manadaluyong City.

“Okay naman siya,” sagot ng aktres nang aming kumustahin ang kanyang anak.

“Magtu-two years old na siya sa June 27, ay 28, tapos 27 ‘yong celebration.

“So we’re just gonna feed ‘yong local children do’n sa Batangas, sa amin. Then we’ll be giving away school stuff, school bags, gano’ng birthday.”

GREAT CHANGE. Bagamat marami siyang pinagdaanan bilang isang ina, masasabi ni Andrea na “ibang klaseng feeling” ang naibibigay nito sa kanya.

Paliwanag niya, “Masarap na mahirap, na hindi mo maintindihan pero mas maraming masarap. Alam mo ‘yon, na talagang lahat ng pagod mo nawawala.

“And when she wakes up everyday in the morning, you know, she wakes you up kahit na pagod na pagod ka the day before, talagang, ‘Oops!’ maririnig mo, ‘Mama?’ [okay na lahat].”

Aminado si Andrea na hands-on mom siya. Pero hindi siya istrikto sa mga gustong gawin ng kanyang anak, kahit pa malikot ito.

Kapag may libreng oras siya, paulit-ulit daw silang nanonood ng paboritong cartoons ng kanyang anak, na halos makabisado na niya.

Pero hindi ganoon kadali na balansehin ang kanyang oras sa trabaho at oras kay Beatrice.

“You know, parang gusto kong buhulin na lang kaming dalawa para lagi kaming magkasama, [but] I cannot do that,” wika ng 35-year-old aktres.

“Parang other than that, wala naman. You know, I make it a point na lahat ng mga needs niya and the time na kailangan kong i-spend with her laging nando’n ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tsaka nando’n na rin ako sa edad na, if this is ten years ago, things will be different, I’ll be working around the clock.

“But now iba talaga ‘yong ano ko, e, I wanted this baby.”

Kung ikukumpara ni Andrea ang buhay niya noon at ngayon, masasabi niya na malaki na ang nagbago sa kanya buhat nang siya’y maging isang ina.

“Well, para sa akin medyo parang [dati] wala kang compass, alam mo ‘yon?

“So now, parang mayro’n ka nang, parang mas may direksyon sa buhay mo.

“So, with everything that I do, I consider her and if its gonna be good for her.

“‘Tsaka ‘yong lahat ng pagod ko, alam ko mayro’ng magbe-benefit.”

Ngunit anuman daw ang magbago, isa lang ang mananatili at iyon ay ang pagmamahal niya sa kanyang unica hija.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN