Mikael Daez on rumored relationship with Megan Young: "The real score is, I am still single."

IMAGE Noel Orsal

"Hindi naman kailangang may relationship para maging masaya," says Mikael Daez when asked if rumored girlfriend Megan Young is one of the reasons why he's happy at the moment.


Masaya raw si Mikael Daez sa karakter niya bilang si Nelson sa My Beloved ng GMA-7.

Ka-love triangle siya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa naturang teleserye.

Kumpara sa una niyang serye na Amaya, ibang-iba raw para sa kanya ang ginagampanang papel ngayon.

"Dito kasi sa My Beloved, heavy drama siya.

"At ako mismo, bilang ka-triangle talaga... at walang espada-espada na nagaganap, talagang emosyon.

"Natututo talaga ako at nararamdaman ko ang development ko bilang artista.

"Happy naman ako. At alam ko na mas marami pa akong magagawa."

Dugtong pa ni Mikael, "Very inspiring si Dingdong, si Marian.

'Tingnan mo, ang bilis ng pag-akyat niya [Dingdong].

"Si Dingdong, finally after being in showbiz all his life, he gets his acting award, di ba?

"So, parang ako, gusto ko ganoon, pagaling lang nang pagaling.

"Hindi mo naman puwedeng sabihin na magaling ka na agad, kasi hindi naman talaga ganoon.

"So, binabasa ko mga comments. May maganda, siyempre may masakit din.

"Nakakasakit din ang masama, pero kailangan mong mabasa, e."

Ano ang ilan sa nakakasakit sa kanyang comments?

"Yung, 'Bakit ka nag-aartista, hindi ka marunong mag-acting?'

"Pero sa kabila naman, sasabihin nila, 'Uy, ang galing mong umarte. Sana ikaw na ang leading man. Blah, blah, blah!'

"So, bawi-bawi lang.

"Siyempre, I'm sure lahat na tayo na-experience na yun.

"Maraming maganda, pero isang masakit lang, nakakasakit na agad, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa presscon ng Mercator Model and Artist Management noong March 20.

DONGYAN FANS. Bilang katrayanggulo nina Dingdong at Marian, wala pa ba siyang natatanggap namang komento o reaksiyon na nagagalit sa kanya ang fans ng dalawa?

"Sa mga DongYan [tawag sa fans nina Dingdong at Marian] fans? Hindi. Actually, love na love ko ang mga DongYan fans.

"One, very loyal talaga sila kay Dong at Yan. And two, dahil mabait sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanggap nila ako bilang actor nila mismo at kasama sina Dingdong at Marian.

"At kahanga-hanga yung relationship nila kasi mukhang napakasaya nila together.

"And yung DongYan fans, dumadalaw sila [sa set ng My Beloved]. Kinakausap ko sila. Mababait sila.

"I mean, siguro naipapakita lang sa ibang news article na baka masyado silang aggressive.

"Pero actually, they are very supportive lang naman talaga," saad ni Mikael.

Hindi ba siya nagkakaroon ng ilang kay Dingdong dahil kasama niya mismo at ka-triangle kay Marian ang totoong boyfriend nito?

"Hindi... they both make me very comfortable kaya it's nice working with them.

"Uunahan ka na nila na, 'Okay lang 'yan.'

"Halimbawa may scene na kailangan kong hawakan ang kamay ni Marian, alam na nila.

"Sasabihin niya, 'Mik, go lang. Go lang.' Wala nang masyadong salita. 'Mik, go lang, tara!'

"Alam nilang trabaho 'to at yun ang nakakabilib sa kanila."

NOMINATION. Nang kausapin ng PEP si Mikael ay hawak-hawak niya ang certificate of nomination niya sa 9th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society sa kategoryang Breakthough Actor para sa pagganap niya sa Temptation Island.

Ayon kay Mikael, "I'm very, very happy.

"Pero kailangan tama ang pag-iisip mo kung ano ang ibig sabihin nito sa buhay ko.

"Siyempre, ayaw mong maging kuntento sa ganito lang. Kailangan mo talagang ipakita na kaya ko pa 'to.

"Sana down the line, kapag nagawa akong leading man sa GMA, as in, solo lead talaga, hindi lang ako deserving nito kung hindi nag-improve talaga ako from the time na pumasok ako.

"Pero at least, di ba, nakakahinga na rin ako ng konti? Nakakakaba rin na pumasok ako bigla-bigla sa showbiz.

"Hindi naman ako sobrang galing. Hindi ko naman inisip na magiging actor ako.

"Ngayon, umaarte na talaga. So, masaya ako na kahit paano, may rekognisyon naman.

"Na tama naman yung ginagawa kong paghihirap, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE WRITER. May sariling kolum si Mikael sa Philippine Star kunsaan sinusuportahan din niya ito ng video na siya mismo ang nag-e-edit.

Ang latest interview at video nga niya ay ang mga beauty queens na sina Shamcey Supsup at Venus Raj.

Medyo natagalan daw siyang hindi nakapaglabas ng kolum dahil inaral muna niya talaga ang editing.

Sabi ni Mikael, "Siyempre, nagpapatulong ako sa mga editors.

"Pero nagpatulong akong mag-edit kasi hindi ako happy kapag editors ang gumagawa.

"Gusto ko ako na lang mismo. Siyempre, ito yung parang baby ko, e.

"Pero siyempre, nagpapatulong ako sa mga editors kung paano gawin.

"So, yun ang ginagawa ko kapag wala akong taping."

MEGAN YOUNG. Sa isang banda, natawa naman si Miakel nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.

Balitang-balita kasing sila na ng Kapamilya star na si Megan Young.

Pero nakangiting sabi ni Mikael, "The real score is, I am still single. Just working on My Beloved and writing."

Pero naging vocal at proud siya nang lumabas ang sexy cover ni Megan sa Rogue magazine.

"Well, hindi naman... I congratulated the cover girls of March kasi napakagaganda ng ginawa nila.."

Kasama raw sa mga pinuri niya, maliban kay Megan, ay ang kaibigang si Bela Padilla.

"At ako, bilang model dati, I really make it a point na yung mga nakikilala ko, nako-cover... maganda ang cover, siyempre, iko-congratulate mo."

Pero anong klaseng closeness meron sila ni Megan?

"We're friends. We know each other. Siya, Bela Padilla...

"Nagkita nga kami sa Magnum event. Kinongratulate ko sila ulit kasi maganda ang cover nila."

Pero happy and inspired ba ang puso niya ngayon?

"Happy ako kasi maraming trabaho.

"Maganda ang trabaho at mukhang marami namang mangyayari this year.

"At saka hindi naman kailangang may relationship para maging masaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN