Kylie Padilla says she's now a "good daughter" to "bad-boy dad" Robin Padilla

IMAGE Noel Orsal

"Yung iba po do'n sobrang malapit po sa totoong buhay," sabi ni Kylie Padilla nang tanungin siya kung malapit ba ang ilang mga eksena sa kanyang bagong serye, ang The Good Daughter, sa kanyang totoong buhay.


"Tawag niya sa akin ngayon, 'good daughter,'" sabi ni Kylie Padilla tungkol sa kanyang ama na Robin Padilla.

Ito rin kasi ang titulo ng bagong pinagbibidahang afternoon soap ni Kylie sa GMA-7, ang The Good Daughter.

Gaano ba siya kabait bilang isang anak?

"I don't know... I think tanungin n'yo na lang si Papa.

"Ayoko namang magsabi kung ano, masyado naman akong mayabang no'n," nangingiting sabi ng 19-year-old actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa press launch ng kanilang bagong serye kahapon, February 7, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Mahirap bang maging isang "good daughter" sa isang gaya ni Robin? May takot ba o hindi naman kaya'y sobrang pressure nito?

"Siyempre, kasi si Papa napagdaanan niya na yung mga ano...

"Yun nga, nakulong siya, yung naging bad boy siya.

"So siyempre, ayaw niya na kami, madaanan namin yun.

"So, may pagka-istrikto siya," sabi ni Kylie.

Matatandaang nasentensiyahang makulong si Robin ng 21 taon dahil sa kasong illegal possession of firearms. Pero tatlong taon lamang siyang nakulong dahil nabigyan siya ng Presidential Pardon noong 1998.

WHAT ROBIN SAYS ABOUT HAVING A LOVELIFE. Nauugnay ngayon si Kylie sa kapwa niya Kapuso artist na si Aljur Abrenica at diumano'y magkasintahan na ang dalawa.

Totoo bang nagbo-boyfriend na siya kahit ayaw pa muna ng kanyang ama?

Paliwanag ni Kylie, "Si Papa kasi, sabi niya, 'Kung kaya mo i-handle yung oras mo, then mag-boyfriend ka.

"'Pero sa tingin ko muna, magtrabaho ka muna.

"'Kasi 'yan naman yung pinasok mo sa showbiz, hindi naman yung boyfriend-boyfriend.'

"Agree naman ako sa kanya."

Ngayon kaya ay masasabi ni Kylie na talagang "good daughter" na siya sa kinikilalang Bad Boy of Philippine Movies?

"Not just for him, for myself na rin.

"Saka nakikita ako ni God. Alam Niya yung ginagawa ko," sagot ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala muna bang puwedeng manligaw sa kanya ngayon?

"Yung script yung boyfriend ko ngayon," biro niya.

"Bago ako matulog, babasahin ko.

"Paggising ko, babasahin ko."

Bakit niya nasabi ito?

Paliwanag niya, "Gusto ko po kasing mag-best actress kaya wala munang boyfriend.

"Yun po talaga ang goal ko. Gusto ko po talagang maging best actress, e.

"It's my dream talaga!" nangingiti niyang sabi.

CLOSE TO HER HEART. Sa presscon ng The Good Daughter ay sinabi ni Kyliena ang proyektong ito ay "close to my heart" at "special."

Paliwanag niya, "Ahm... because, ewan ko, naintindihan ko lang talaga siya.

"I understand what she's going through.

"I mean, things happen 'pag ganyan sa pamilya.

"Yeah, so naiintindihan ko yun."

Ginagampanan ni Kylie sa The Good Daughter si Bea Guevarra, isang masunurin at mabait na anak ngunit alam pa rin niya kung kailan siya dapat lumaban.

Masasabi kaya niyang medyo malapit ang istorya ng kanilang serye sa kanyang totoong buhay?

"Yung iba po do'n, sobrang malapit po sa totoong buhay," sabi ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN