Oyo Sotto on seeing his mom Dina Bonnevie marry Vice Governor Deogracias Savellano: "Totoo ba ito? Parang panaginip.”

IMAGE Noel Orsal

Oyo says he calls his new stepfather, Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Savellano, "Vice."


Ikinasal ang aktres na si Dina Bonnevie kay Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Savellano nitong March 28.

At kahapon, sa taping ng Valiente ng TV5 sa New Manila, ang reaksyon ni Oyo Sotto [na gumaganap na Theo sa naturang primetime series] tungkol dito ang una naming inalam.

“Matagal na silang magkakilala, pero relationship nila, hindi ako sure kung gaano na sila katagal.

"Hindi ko naman kasi tinatanong si Mama,” umpisang kuwento ni Oyo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nang naging mag-on sina Miss D at Vice-Governor, ano ang unang naging reaksyon ni Oyo at ng kapatid niyang si Danica Sotto?

“Siyempre nagulat kami ni Ate dahil siyempre, ako kahit paaano may konting kaba na rin ako, may konting takot na rin ako for Mama.

“So iyon kinausap lang namin siya na ‘Ma, sigurado ka ba diyan?’

“Siyempre, lagi naman naming sinasabi kay Mama, gusto lang namin okay siya, hindi siya sasaktan kasi siyempre sa experience namin, ang daming broken relationships e, so nakakatakot na rin for Mama, di ba?

“Tapos napag-uusapan nga nila yung kasalan, so siyempre para sa isang anak naman, siguro normal na yun.”

Kinausap ba niya si Vice-Governor bago ang kasalan?

“Hindi. Hindi namin kinausap.”

CALL HIM "VICE." Ang tawag ni Oyo sa bagong mister ng mommy niya ay…

“Vice!”

Paano ipinaalam sa kanila ni Dina na magpapakasal na ito?

“Sinabi naman sa amin ni Mama na magpapakasal siya.

“Yun nga, na nagplano na silang magpakasal na. Dinner nga ba yun?

"Oo, parang magkasama kami minsan sa labas. Si Mama lang, wala si Vice.”

Si Vice Governor, hindi ba siya kinausap or hiningi ang kamay ng mommy niya sa kanila ni Danica? Walang pamamanhikan?

“Wala,” sabay-tawa ni Oyo.

Ano naman ang una niyang reaksyon nang malaman niyang magpapakasal na ang dalawa?

“Kami parang, iyon na nga siyempre, yung takot mo nandun na, ‘Ma, magpapakasal ka, baka mamaya lokohin ka lang niyan o saktan ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre kung anu-ano naiisip namin.”

Ano ang isinagot ni Dina?

“Sabi naman niya kasi, talagang pinagpe-pray nila. Nakita naman namin na dinadala niya sa church si Vice tapos nag-fasting din sila nung January so kita naman namin yung sincerity nila sa isa’t-isa.”

Sa sa relihiyon umikot ang relasyon ng dalawa?

“Oo.”

Kaya natanggap agad nina Oyo?

“Oo, pero siyempre medyo weird yung feeling kahit paano, lalo na yung… siyempre di ba, after a long time biglang magpapakasal si Mama.”

Um-attend sila sa civil wedding na ginanap sa Antipolo; si Oyo, si Danica at ang misis ni Oyo na si Kristine Hermosa.

Umiyak ba siya habang ikinakasal ang mommy niya?

“Hindi, actually nung nandun, parang medyo natatawa ako e,” sabay tawa ni Oyo.

“Hindi ko alam e, siguro wala, parang oo, weird na parang tinitingnan ko na sabi ko, ‘Totoo ba ito? Parang panaginip.'”

Si Danica raw ay hindi rin umiyak during the wedding.

“Parang medyo nandun lang sa loob lang na parang naiiyak siya pero hindi naman siya talaga umiyak.”

BIGGER FAMILY. Gaano sila ka-close ni Vice Governor?

“Actually hindi pa talagang close, kasi hindi pa din naming siya ganun katagal na kakilala o nakakausap.

"Once in a while, nakikita namin siya, konting kuwentuhan lang, ganun.”

Ano ang pakiramdam na ang stepfather niya ay isang vice governor?

“Oo nga… hindi, wala naman. Ayoko namang tingnan sa ganoong paraan. Kumbaga mas tinitingnan ko yung ugali niya.

“Mabait naman. Mukha naman siyang matino,” at muling tumawa si Oyo.

May mga anak na rin daw si Vice Governor at na-meet na nina Oyo ang mga ito.

“Okay naman, mababait naman yung mga anak, mga ka-age rin namin. Alam ko four or five yata sila.”

Happy naman daw sina Oyo at Danica na lumaki ang kanilang pamilya, at tanggap naman daw nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman pero iyon nga ang weird pa rin na pag nakita mo sila ‘Uy mga stepbrother ko ito, stepsister ko ito.’”

VIC, THE ONLY ONE SINGLE. Ano ang sabi ng daddy ni Oyo na si Vic Sotto sa pagpapakasal ni Miss D?

“Hindi ko alam kung alam na ni daddy kasi nung lumabas yung ano, kararating lang nila [Eat Bulaga! group] sa States.

"Nasa States sila ngayon, e. Si Daddy, Tuesday umalis, Wednesday nangyari [ang kasal] so hindi ko alam kung alam na niya.”

So hindi nakonsulta ang daddy niya sa pagpapakasal ni Dina?

“Ah hindi pa niya alam e… hindi pa namin nasasabi so, ewan ko… siguro baka by this time alam na niya.”

Si Dina, si Danica at si Oyo ay pare-parehong kasal na sa kanikanilang partners; si Vic na lang ang single.

“Si Daddy na lang, oo nga e,” at muling tumawa si Oyo.

Hindi ba niya pinipilit ang daddy niya na mag-asawa na rin?

“Wala, wala pa naman, hindi pa naman namin siya nagaganun,” tumatawa pa ring sinabi ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN